"Ikaw din, Revel," siniko ako ni Eunice habang bumubulong. "Mag-boyfriend ka na rin para mag-glow ka!"

Umirap ako sa hangin at pinanuod ang mga lalaking naiwan sa dance floor para makisayaw at nahihilo na ako kaya naupo muna kami ni Eunice sa couch at nagpapak ng pulutan.

"Anong connect ng boyfriend? Ano 'yan, glow stick?"

"Hindi sila glow stick pero may glow stick sila," she wiggled her brows.

Nabulunan ako ng mani. Humalakhak siya ng malakas at tinapik ang likod ko bago ako abutan ng alak.

Mabilis ko iyong ininom at sininghalan siya, "tang ina mo, bastos!"

Pero mas tumawa lang siya at tinuro ang dance floor, "sus! Conservative naman, akala mo 'di nagtagal sa Maynila! Tignan mo nga ang tao ro'n," sabay turo niya sa kabilang couch kung saan may naghahalikan na. "Normal lang 'yan, mag-boyfriend ka na kasi."

"May boyfriend ako, ah," sumandal ako.

"Ex," she clarified, "kailan? Years ago? No'ng second year college ka?"

"And so, at least may boyfriend," walang-gana kong sagot at muling sumagi sa utak ang katangahang iyon.

No'ng college ay may mga naging boyfriend ako. Dalawa. Una sa second semester ng 1st year tapos ay nag-break kami after isang buwan. Tapos ang sunod ay second semester ng 2nd year. Nagtagal ng tatlong buwan.

Nanligaw kasi at ang mga kaklase ko no'ng mga panahong 'yon ay may-boyfriend kaya nakiuso ako.

Bakit ba?

But yeah, that's my pathetic self. Nakakatawa kapag nai-imagine na ang awkward-awkward kong tao kasama sila. Lalo na ang unang boyfriend, para akong tuod at takot sa tao. Unang araw pa nga lang na mag-boyfriend kami ay gusto ko nang magtago sa pagsisisi pero may gusto kasi akong patunayan no'n.

Na kaya 'kong magsimula ng bago at magkainteres sa panibago at wala lang siya sa buhay ko pero ayos na 'ko ngayon. I don't even think about that man again, my friends never mentioned anything and I'm happy at that.

I'm done opening up healed wounds. I've moved on, already.

Love is childish. Love is messy and complicated. Siguro makakakita ako sa hinaharap ng pagmamahal na totoo sa edad ko ngayon pero 'di ko na inaangat ang kahit ano mang pag-asa't pag-aasam sa puso.

Hindi totoo ang pagmamahal na nababasa ko sa Wattpad. Mga boyfriend na nagtatagal, mga pagmamahal na tunay, na kahit matagal na panahon ang mananatili at 'di magbabago.

In reality, love is complicated. People cheat when they're done with you. When they found someone more beautiful and handsome, someone less complicated, they would abandon you.

Kagaya no'ng ginawa ng shokoy na nag-donate ng sperm kay Mama. Naging lamang dagat na, baka nga isa na siyang kuhol ngayon.

Kagaya no'ng nangyari kay Eunice sa boyfriend niya no'ng high school, si Bunak na mukhang tiyanak. Kung 'di lang siya masaya ngayon sa current boyfriend niya'y baka sinabi ko nang walang forever! Wala! Wala!

Kaso, masaya si gaga sa glow stick ni Alan!

Nagulat talaga 'ko nang malamang boyfriend na niya ang lalaking 'yon na palihim pa lang nanliligaw ilang taon na!

Hindi ko pa name-meet si Alan muli dahil nasa Cagayan at 'di nakakasama kapag nandito sa Maynila ang mga gunggong kong mga kaibigan at mabuti na rin iyon.

Kapag nakita ko kasi 'yon ay baka may maalala lang ako.

Anyway, I moved on. Manlalalaki talaga 'ko sa Peñablanca!

Rebel HeartsWhere stories live. Discover now