*bzzzt. . . bzzzt. . . bzzzt. . .*
*John Camden Gallego is calling you*
"Potek. . ." napamura ako nang mahina.
Tiningnan ko lang ito habang patuloy pa rin sa pagvvibrate ang phone ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba 'to or 'wag na. IDK pero 'di ko feel sagutin.
Hinayaan ko na lang ang pagvvibrate hanggang sa mawala ito at saka ko naisipang mag open ng convo namin which means makikita niyang naseen ko, 'di ba.
From John Camden: 20:30
u busy?
From John Camden: 20:44
hey. bat walang seen?
u good?
From John Camden: 20:56
i wanna tell u smthng lang sana
From John Camden: 21:11
can i call?
From John Camden: 21:13
i chatted ur sister. sorry
ure doing ur part pala sa paper niyo
do well!
From John Camden: 21:40
chat me if done ka na ha. may sasabihin lang sana ako sayo, spring
*You missed an audio call*
Sent 23:15
hey. sorry ngayon lang
From John Camden: 23:16
it's fine. no worries
bukas ko nalang sasabihin sa'yo. u tired?
Sent 23:17
opo hahahahahahah. sorry talaga
From John Camden: 23:17
sige sige. sorry din, dami kong messages
goodnight! have a nice sleep
*You reacted ♡ to John Camden's message.*
I feel uncomfy. 'Di ko alam pero ba't ganoon siya magchat or like, makipag-usap sa'kin? 'Di naman sa nag aano pero I mean, he's not my boyfriend or maybe gano'n lang talaga siya. Should I tell him kaya about it kaso baka mahihiya na. E, ayoko rin kasi ng gano'n. I mean, 'di ko siya binigyan ng permission to act that way towards me? Pero what if. . . totoo nga 'yong sinabi ni Paige? What if. . . shet itutulog ko nalang 'to talaga.
New morning, but nothing's new. Online classes and then gawa ng part and babalik ng school ang buong batch naming for the PE class because we got this activity or parang "year end activity" which is magpprepare ang bawat grupo sa iisang class ng game for the other sections to play. Like, halimbawa, group namin nila Paige, magpprepare kami ng isang game tapos group nila Reece, magpprepare din, kumbaga, by station na ifafacilitate by group tapos 'yong kabilang section maglalaro no'n. Then, the next day, vice versa, other section naman magfafacilitate ta's kami naman maglalaro. Hindi pa nga nagsstart pero nakakapagod na siya.
"SPRINGGGGGGGGG!!!!!!" Nagulat ako sa pasigaw na pagtawag sa'kin ni Reece sabay yakap, niyakap ko rin siya pabalik.
"GAG. . Akala ko kung sino. Anong mayro'n? Napaka jolly mo naman today."
"Kasi, may nireveal sa'min si Camden which is I guess, alam mo na kung ano," sagot niya.
"Feel ko alam ko na. Kilala pa naman kita since elem. 'pag nagaganyan ka."
Tumawa lang kaming dalawa habang naglalakad papuntang classroom kung saan kami mag uusap-usap kung saan naka assign ang location naming sa field.
Napansin ko ring medj 'di ako kinakausap ni John Camden today. Natingin lang pero 'pag tumitingin ako pabalik ay nangiti lang siya and 'di na lumalapit para lang magpapansin. Nyoks.
"Kanina pa tunaw si Spring kakatitig mo, boy," medj malakas na sabi ni Wayne habang papalabas ng room.
"T.A.N.G.A. Doon ka na nga," inis na tugon ni Camden.
YOU ARE READING
When Spring Returns
RandomSpring, as the name of the character implies symbolizes a fresh start, a blank canvas waiting to be painted with intriguing experiences. In the Philippines, however, there are only two seasons - dry and wet. The rainy season has bid farewell, giving...
