Great Day!

How I wish high school days won't end.

Hmm. . Paano kaya nasabi ni Paige na mayro'ng crush sa'kin si Camden? Haha or. . baka trip niya lang talagang itanong 'yun sa gc? Pero syempre as an overthnker na oa, 'di ko rin maiwasang mag isip ng kung ano ano.

Ilang oras na ang lumipas pero hindi na nakapagchika ang Paige namin. Wtf. Hindi naman sa excited akong malaman if may gusto or wala, gusto ko lang talaga malaman kung mayro'n ba talaga or wala. I mean, wtf. Ay, bahala na.

Sent 20:16
bongga. ano nang balita sa chika naten, siszt? @Paige?

From Brea: 20:16
@Paige

From Zab: 20:17
@Paige

From Rose: 20:18
Ay, wala. Ghoster siya.

Sent 20:19
itulog na natin 'to ahm.

*Seen by Zab, Brea, Rose.*

Ginawa ko na lang part ko and put my phone on DND para diretso ang gawa. Wala naman nang bago, gawa gawa lang ng research paper every time. Kakairita pero walang magagawa since it's part of growing up. Kiddin'.

"Ate, ginagawa mo?" si Dani.

"Research paper, dai. Wala namang bago, ba't mo natanong?"

"Wala lang. Mukhang busy talaga e." Nakita ko mga ngiti niyang parang may halong tukso.

Tumigil muna ako sa pagkakagawa at tinignan siya nang magkasalubong ang kilay. Sinabayan ko na rin ng pagroll ng mga mata.

"Ate, sobrang taray. Kahit kailan!!! Porket may nagkakagusto sa kaniya!! Haba ng hair."

"Huh?"

Hindi na niya ako pinansin at pumasok nalang ng room. Ewan ko sa pinagsasasabi no'n. Well, idc naman. Mahalaga, matapos ko 'tong part ko kasi HINDI AKO MAKAKAPAGPAHINGA NANG MAAYOS HABANG NASA ISIP KO 'TONG RESEARCH NA 'TO.

Ilang oras na rin ang nakalipas at wala pa rin akong balak buksan ang phone. Instead, dumiretso na akong kusina para kumuha ng food kasi gutom na rin ako sobra. I mean, nakakain naman na ako ng dinner pero still, midnight snacks are essential. Take note, 22:00 pa lang niyan pero still, midnight HAHAHAHAHA.

"Ano kayang chismis ni Paige? Shutek naman kasing babae. Nambiibitin pa talaga," pagmumuni-muni ko habang ngumunguya ng biscuit.

"Huy. Sinasabi mo?" si Drew.

"E, wala."

"Akin nga biscuit. Ano bang iniisip mo, 'te?"

Umupo pa talaga si Drew sa harap ko para lang makipagchismis about lang naman sa iniisip kong sasabihin ni Paige.

"Ito, tanong lang, ha. 'Wag mo sanang bigyan ng kung ano anong meaning."

Tumango lang naman siya bilang sagot.

"Pa'no mo malalaman if may gusto sa'yo ang lalaki? I mean, lalaki ka rin, sooo. . . ."

"Iba-iba naman mga ang mga ways to prove your love, ate. Oh, halimbawa ikaw, paano ka magprove ng pagmamahal mo sa guy?"

"Siguro, through sa pag gawa ng schoolworks niya? or maybe, pwede ring through sa pagtreat ng foods or what?"

"Oh, edi gano'n din naman kami. Depende rin 'yon sa tao," pag-eexplain niya sabay hablot ng biscuit ko.

"HOY!"

"Kulang pa 'tong snacks sa mga pag sagot sa tanong mo."

'Di ko nalang siya pinansin at nagroll nalang ng eyes. Akala ko'y matutulog na siya pero agad din naming bumalik sa hapag-kainan. Kumuha lang pala ng phone niya.

When Spring ReturnsWhere stories live. Discover now