BUT...

404 8 0
                                    

And that was the memory I wanted to keep forever - happy memories. Kyro and I had been together for a year, and then he left without a trace.

Isang araw nagising na lang ako, wala na siya. He left me with a note though.

Yumi,

It's not you, it's me. I am sorry but I fell out of love. I do not mean to hurt you. Pero eto ang totoo. Hindi na kita mahal. Ayoko na.

Goodbye.

Kyro

That was the last time I heard from him. Zeb tried to contact him, pero wala. Nawala na lang siyang parang bula. Iniwanan niya ako ng maraming katanungan.

Bakit niya ko iniwan? Bakit bigla na lang siyang umalis? Anong ginawa kong masama? Talaga bang ganoon na lang ako kabilis iwanan? Talaga bang ganoon na lang kabilis bitawan ang lahat ng pinagsamahan namin? Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Kailan nagsimulang hindi ako maging sapat? Hindi na ba talaga siya babalik?

Isang taon na ang lumipas pero aaminin ko, hanggang ngayon ay umaasa pa ako. Umaasa ako na babalik siya. Umaasa ako na may magandang dahilan siya. Umaasa ako na siya at ako pa rin sa dulo. Pero hanggang kailan ba ako aasa? Baka naman kailangang isuko ko na.

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking mga naiisip. Ilang beses ko mang sinabi kina Zeb at Ysa na tapos na ako kay Kyro, na kakalimutan ko na siya, na hindi ko na siya iiyakan, bumabalik at bumabalik pa rin ako sa manipis na sinulid ng pag-asa.

Napatingin ako sa langit. Madilim na pala. Kanina pa nagsimula ang programa at mamaya ay magkakaroon ng bonfire activity ang mga naririto sa Isla Haraya. Ang liwanag ng langit, ang daming bituin ngayong gabi. Napangiti ako ng makita ang isang bituin na kakaiba ang ningning. I used to be his brightest star and he used to be mine. Sana katulad ng maningning na bituin na iyon, hindi maubos ang ningning na naiiwan para sa amin ni Kyro. Sana sa huli, magtagpo muli ang aming mga bituin at sa pagkakataon iyon, hindi ko na hahayaang mawala muli ang kaniyang ningning.

"Yumi! Kanina pa kita hinahanap." Napatingin ako sa aking likuran at nakita ang nakasimangot na si Ysa.

I faked a smile. Ayokong malaman niya na mula kaninang umaga hanggang ngayon ay puro si Kyro ang iniisip ko.

"Magsisimula na ba?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya bilang sagot.

"Okay ka lang ba?" Lalo akong napangiti sa tanong niya. This girl, alam na alam niya talaga kung anong nasa loob ko. Wala akong maitatago sa kaniya.

"Ysa, okay lang ako. Pinipilit ko. Pero sa ngayon, magfocus na lang muna tayo sa retreat na ito." Pinaliwanagan ko siya. Ayoko kasing simulan na naman ang topic about Kyro tapos ang ending eh ang mugtong mga mata ko.

Naglakad kami papunta sa lugar kung nasaan ang mga participants. Sabi ni Ysa sa akin, bawat isa sa mga ito ay may kanya-kanyang kuwento. Bawat isa sa kanila ay may pinagdadaanan at may mga nakaraang gustong kalimutan. Ngayong gabi ay mag-she-share sila ng mga buhay nila. I am a bit excited. Who knows kung mayroon sa kanila na katulad ko ang kwento? Maybe I can get some sort of inspiration from their stories.

Tumayo kami sa gilid. Pabilog na nakaupo ang mga participants ng retreat. Sa gitna nila ay ang bonfire na inihanda ng organizers ng retreat na ito. Nakita ko si Elora, ang babaeng nakausap ko kanina. Kumaway siya sa akin at ngumiti naman ako pabalik. I wonder what her story is. Bakit kaya siya naandito sa Isla Haraya? Parang imposibleng broken hearted siya. Sa ganda niyang iyan, may lalaki pa bang manloloko sa kaniya? Inilibot ko ang mga mata ko. Mukhang exciting ang mga mangyayari ngayong gabi.

"Magandang gabi, mga binibini at ginoo ng Isla Haraya. Ako si Amethyst at ako ang facilitator ninyo ngayong gabi." Nagsimulang magsalita ang isang babae. Tumayo siya sa loob ng bilog sa may tabi ng bonfire. Sa kaniyang itsura, sa palagay ko ay mas bata siya sa akin ng dalawa hanggang tatlong taon. Maaliwalas ang kaniyang mukha at hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Excited na ba kayo sa sharing natin ngayong gabi? Ako rin eh. Excited na akong marining ang kuwento ng bawat isa sa inyo. So 'wag na nating patagalin pa?"

Tumango tango ang mga tao sa paligid.

"Okay. Let's start the ball rolling." Ito ang naging hudyat sa pagsisimula.

Naglakad lakad si Amethyst sa palibot ng bilog. Hanggang sa tumigil siya sa harap ng isang bababe at lalaki na tila ba magkasintahan.

"Uyy may love birds pala tayo rito. Bakit hindi natin simulan sa kuwento ninyo?" tanong ni Amethyst. Tinignan ko ang babae at lalaki at nagkatinginan lamang sila saka ngumiti sa isa't isa. Ang tamis talaga ng pag-ibig.

"Karina and Dino, right?" tanong ni Amethyst sa magkasintahan. Tumango naman ang dalawa bilang tugon sa kaniya.

"Alright. So, ikaw Karina, ano ang kwento mo?"

Isla Haraya: Mayumi (Published under IMMAC Publishing)Where stories live. Discover now