IKAW AT IKAW PA RIN

Start from the beginning
                                    

He asked me how Yumi was, but I did not answer him. Nagsayang siya ng oras kaya siya na mismo dapat ang magtanong noon. Tinanong niya rin kung iyon pa rin ba ang number ni Yumi, pero ano bang inaakala niya? Simula highschool kami iyon pa rin ang ginagamit niya kaya malamang, hindi niya iyon babaguhin.

Nagpasalamat siya sa akin matapos iyon. Kaya agad akong nagpaalala na alagaan niya, na huwag saktan ang babae. I hurt her so I hoped that he would not. Dahil sa totoo lang, sobrang swerte niya para piliin at mahalin ni Yumi.


Yumi's POV

Sinabi ko lang naman kay Ysa na malapit na ang pasukan at sobrang bilis ng oras, pero ito siya, niyayaya na akong lumabas. Balak niya pa ata akong gawing thridwheel dahil aalm kong kung isasama namin si Claire, sasama rin si Zeb. Edi ako lang ang walang boyfriend?

Natigilan ako nang bigla niya akong tinanong kung may namimiss ba akong tao. Hidni ako agad nakapagreply. Pero kinalaunan, napabuntong hininga ako habang napapaisip. Babalik pa kaya siya? Ilang buwan na rin simula noong umalis siya.

Sinabi naman ni Ysa na kung mahal naman ako noong tao, babalik naman iyon sa akin. At kung hindi naman, thank you next na lang. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi niya o matatakot.

Hindi naman kasi madaling makalimot. That was when she suggested that I should ask how was he doing. Pero hindi ko iyon gagawin dahil humingi sa akin ng oras si Kyro para makapag-isip, ayaw ko naman siyang guluhin. Pero paano na lang kung makalimot siya sa proseso? Kakayanin ko ba iyon?

Natawa tuloy ako nang sabihin ni Ysa na tamang hinala ang lalaki. Tamang hinala na si Zeb ang pipiliin ko at hindi siya. Para sa akin naman, ayos lang na nanghingi siya ng oras para sa sarili, lalo na ngayon dahil sa totoo lang, dahil din sa oras na iyon, masasabi kong ready na ako. I was completely healed.

Ysa: Healed ka na nga, wala ka namang jojowain.

Yumi: Tse. I'll just wait. Babalik siya, babalik siya sa akin.

Binalaan niya akong huwag umasa pero bahala na, basta maghihintay ako para kay Kyro. Sunod naming napag-usapan ang relasyon ni Claire at Zeb. Buti nagkaayos sila tulad ng sabi ni Ysa. Sa totoo lang, hindi na rin ako nagulat dahil mukhang mahal talaga ni Claire ang lalaki. May pinagsamahan din sila kaya hindi na nakapagtataka iyon.

Nagtanong naman siya kung paano na ang pangako namin sa ilalim ng mga bituin. That made me smile. It did not look like it but we fulfilled everything. Nahanap ako ni Zeb. Soulmate ko pa rin siya. At nakatadhana talaga kaming magkita muli ni Zeb. We were destined, we were destined to be best of friends. That was the underlying truth.

Sumang-ayon naman siya roon at sinabing tama ako. At masaya pa siyang naging maayos pa rin ang pagkakaibigan namin ni Zebedee matapos ang lahat. Walang kahit anong awkwardness. Totoo iyon dahil tanging pagtanggap at pagpapatawad lang naman ang kailangan namin. Dinagdagan naman iyon ni Ysa ng will at determination na sinang-ayunan ko rin.

Matapos iyon, nagpaalam na ako sa kaniya at sinabing daanan niya na lang ako para hindi ako mag-isang pupunta sa mall.

She agreed and told me that she would pick me up with Rap. She even told me that I should dress up because I might find the person that was for me there. Umirap ako at napailing. Kakasabi ko lang, e. Si Kyro lang ang hihintayin ko!


Kyro's POV

Balik sa dati. Balik sa pangungulit, balik sa napakaraming corny na pick-up lines at balik sa mga gabi at araw na nakangiti dahil kausap ko si Yumi. Tulad sa araw na ito. I sent her another pick-up line but she did not respond. Inasar ko tuloy siyang hindi niya man lang ako namiss.

Isla Haraya: Mayumi (Published under IMMAC Publishing)Where stories live. Discover now