Chapter 17 - Getting along with ANDREW SMITH

Start from the beginning
                                    


"Tama ang sinabi ni Stephie." Allen


"Protektahan natin si Miss Lyka sa stress" Alex


Napailing na lang si Jake sabay hawak sa noo nito. "Bakit ba ako nagkaroon ng mga baliw na kaibigan, nasaan na ba yung Lance na yun."


- Lyka POV-


Sobrang saya ko nang mahawakan ko ang libro na matagal ko ng gustong basahin.

Ito yung same na libro na pinag agawan namin ni Jake sa Bookstore.

"Do you like that book?" nagulat ako ng biglang itanong sa akin ng tao na nasa harap ko ngayon kaya't tinignan ko ito.

Waaaaaaah. oo nga pala, ang bastos ko talaga nagbabasa siya, tapos bigla ko na lang kinuha ng walang sabi ang libro. Baka sabihan niya ako na walang manner.


Lord, natuwa lang talaga ako, sana naman kung kukunin niyo na ako, babasahin ko muna ang libro na hawak ko, para naman sulit ang pagkamatay ko.


"I said, do you like that book?" tanong niya sa akin, siguro dahil hindi ko siya sinagot.


Tumango naman ako.


"Really??" parang hindi makapaniwalang tanong nito tumango naman ako.


"So you like Carolyn Keene books." ngumiti ito sa akin.


Waaaaah, ang gwapo niya pa lang ngumiti, akala ko kasi masungit at napaka seryosong tao siya.


"Oo, idol ko si Nancy Drew! kasi kahit nasa panganib na ang buhay niya sa paghahanap ng mga clues and codes para malaman ang totoong salarin sa nasabing kaso." masayang sabi ko, ewan ko ba biglang gumaan ang loob ko dahil sa ngiting iyon.


At tsaka, hindi naman mahilig si Steph sa novels books, samantala si Brenda naman hindi mahilig sa mystery gusto niya kasi science fiction.


"I have lots of Carolyn Keene books. " sabi nito.


"Talaga. Ahmmm, pwedeng p-pahiram, p-pleaase." naiiyak kong sabi na may halong pagkahiya, syempre bago ko pa lang siya nakilala tapos hihiram kaagad ng libror, ang kapal ko na rin gaya ng mga librong binabasa ko ngayon.


nabigla ako ng bigla itong tumawa, as in tawa talaga.


Pero kahit ganoon, ang gwapo niya pa rin tignan.


Waaaaah, ano ba itong nararamdaman ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko. may sakit na ba ako sa puso??


"You know what? nakakatuwa ka, dont worry I will let you borrow some of my books. Pero huwag muna iyan  na hawak mo ngayon hindi ko pa iyan natatapos basahin."  natatawang sabi nito.


"A-ahh, oo naman. Sorry ( sabay sauli ng libro) at sorry din sa inasal ko kanina, ang rude ko talaga. Ma-masaya lang kasi ako." nahhihiyang sabi ko.


"Wala iyon, and I think its kind a cute reaction coming from you." ngiting sabi niya sa akin.


Waaaaah Lord, huwag mo siyang pangitiin lumalakas ang tibok ng puso ko, baka mamamatay na ako.


"Anong nangyayari dito!!?" may biglang sumigaw kaya napatingin kami sa taong yun.


- Third Person POV -


Habang may kanya kanyang mundo ang apat (except kay Jake at Brenda na ngayon nasa stool nagbabasa ng libro) nagulat silang anim sa biglang pagtawa ni Andrew.


"Hala,  minaligno na si Pareng Andrew." biglang sabi ni Brett na gulat pa rin sa pagtawa ni Andrew.


"Unbelievable." Allen


"Impossible" Alex


Pati si Jake, Steph at Brenda nagulat din sa biglang pagtawa nito.


"Woah, isang Andrew Smith na bihira lang makipag usap sa isang stranger at tahimik na tao, tumawa, seriously??" gulat na sabi ni Stehanie.


"Ano kaya ang ginawa ni Lyka??" takang tanong ni Jake.


Habang si Brenda tinignan lang ang dalawa na masayang nag uusap.


Hanggang sa..


"Anong nangyayari dito!!?" may biglang sumigaw kaya napatingin kami sa taong yun.


***********************************************************************************************

-miemie_03




Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Where stories live. Discover now