Chapter 17 - Getting along with ANDREW SMITH

192K 6.9K 681
                                    


Chapter 17 - Getting along with ANDREW SMITH


-Third Person POV-


Nagulat ang lahat sa ginawa ni Lyka.


"patay" mahinang sabi n kambal.


"naloko na" brett


"Hala, ano gagawin natin. Iba pa naman magalit si Andrew" takot na sabi bi Stephanie sa kasama niya.


Napa facepalm na lang si Brenda. "Nakalimutan kong sabihin kay Lyka about sa ugali ni Andrew."


"Okaay??" Hindi alam kung anong gagawin ni Jake habang tinignan lang and dalawang tao sa harap nito.


Habang si Andrew naman ay nagulat ng biglang kinuha ang librong hawak niya, at napatingin kay Lyka na masaya tinitignan ang hawak nitong libro na parang batang binigyan ng laruan.


"You like that book??" biglang tanong ni Andrew kay Lyka.


Nagulat naman si Lyka sa biglang pagsalita ng taong nasa harap niya.


At doon niya narealise ang kabastusan na ginawa niyang biglang pagkuuha ng librong binabasa nito, kaya medyo namutla siya.


"I said, do you like that book??" ulit na tanong ni Andrew.


Sa kabilang banda naman,


Hindi narinig ng anim(Brett, The Twins, Jake, Steph and Brenda) ang sinabi ni Andrew kay Lyka, kasi medyo malayo sila sa dalawa.


"Hala, ano kaya sinabi ni Andrew kay Lyka, bigla na lang namutla si Lyka ohh." tanong ni Brett sa kasama.


"Tanga lang, paano namin malalaman kung hindi rin naman namin alam." sabi naman ni Brenda kay Brett.


"Ouch naman, Brenda (sabay hawak sa may dibdib niya na parang nasasaktan) kung makatanga ka naman." sabi naman ni Brett, sabay punas ng pekeng luha nito.


"Gay" bulong na sabi ni Brenda.


"Paano na yan Alex, baka biglang suntukin ni Andrew si Miss Lyka." sabi ni Allen sa kakambal niya.


"O hindi kaya ipapakain siya sa mga alaga niyang lobo sa bahay niya." sabi naman niya kay Allen.


"O hindi kaya ibabaril niya tapos ipatapon sa ilog pasig." sabay nilang sabi.


Pero, binatukan naman sila ni Stephanie.


"Kung anu anong pumapasok sa isip niyo, napaka brutal pa. Siguro may sasabihin lang si Andrew na masakit na salita kay Lyka, at madudurog ang puso ng bestfriend ko, kasi dinibdib niya ang sinabi nito tapos magpapakamatay siya sa sobrang stress. Hindi ko talaga mapapatawad si Andrew pag mangyari yun." sabi ni Steph, sumangayon nman ang kambal.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Where stories live. Discover now