Kabanata 3

4.6K 130 7
                                    

Kabanata 3

Bossy

Natulog kami sa gabing 'yon. He was hugging me tightly. Halos hindi ako makawala sa kanyang yakap kaya hindi ko tuloy maisagawa ang pag-alis. Nang makitang mahimbing na ang kanyang tulog at medyo hindi na mahigpit ang kanyang yakap kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makawala.

I put his arms gently. Nang makatayo sa kama, napabuntong-hininga ako ng malalim. Mabuti nalang at nakatulog siya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Partikular sa kanyang labi. Hindi ko maintindihan, parang may nagsasabi sa akin na minsan ko ng nahalikan ang kanyang labi. Sobrang pamilyar na pamilyar ang kanyang labi na kahit hindi ko man nahalikan ngayon, something in myself saying I was being addicted to it.

Napaiwas ako ng tingin. I shouldn't think about it. Ginawa ko 'to para makaalis ngayon. At ngayong umamo siya, I had the chance to escape. Hinanap ko ang bag ngunit hindi ko talaga mahagilap. Saan kaya niya nilagay ang gamit ko? Nakita ko ang kanyang jacket, kinuha ko 'yon at sinuot.

Nang makita ang kanyang wallet sa ibabaw ng side table, nagkaroon ako ng idea na kumuha ng pera kasi wala akong gagamitin sa pag-alis ko dito. Nalaglag ang panga na makitang puro ATM card ang laman ng kanyang wallet. Shit, wala siyang cash?

Paano ako magkakaroon ng pera ngayon? Ni hindi ko nga mahanap ang bag ko! Inis kong binalik ang wallet at napailing-iling. Muli akong naghanap sa loob ng kwarto. Nakita ko ang suot niyang pants kanina, lumapit ako doon at hinalungkat ang pants niya. May nakuha akong wallet ulit, binuksan ko 'yon at napanganga ng makita ang libo-libong pera sa loob!

Oh shit, mayaman nga talaga! Kumuha ako ng limang libo para sa gagamitin ko sa pag-alis. Nanginginig pa ang kamay dahil sa ginagawa. Nang matapos sa pagkuha ng pera, dumiretso na ako sa pinto at binuksan ngunit napatigil dahil naka-lock.

Bwesit! Naka-lock pa rin pala ang pintuan! Paano ako makakaalis nito? Napatingin ako sa terrace, umiling-iling sa sarili dahil sa pumasok na idea sa isip. No, I wouldn't do that! Baka mamatay ako kapag doon ako dumaan! Muli kong tinignan si Clemson, he was still sleeping peacefully.

Saan kaya ang susi nito? Naiinis na talaga ako! Wala manlang akong magawa habang may pagkakataon ng makawala dito! Nanghihina akong napaupo sa sofa at pinikit ang mata dahil sa nararamdamang antok. Alas-onse palang at balak ko sanang tumakas ngunit paano ako makakaalis dito kung ganito ang nangyayari!

Inis kong binalik ang jacket at pera sa sofa at walang nagawa kundi bumalik sa kama upang matulog. Muli akong tumabi sa kanya. Agad niyang niyakap ang katawan ko at hinalikan ang noo. Natigilan ako, nakapikit ang kanyang mata ng hinalikan niya ang noo ko. May naramdaman akong kakaiba sa puso dahil sa kanyang ginawa.

Hindi ko alam, gumaan nalang bigla ang puso ko. Niyakap ko na rin siya at siniksik ang mukha sa kanyang dibdib. And that night, natulog nalang ako na katabi siya at magkayakap sa isa't-isa.

Nang magising, mararahan na halik ang naramdaman sa aking pisnge. Minulat ko ang mata at parang anghel ang bumungad sa akin. Clemson is like an angel, a very handsome angel. Ngumiti siya at muling dinampian ng halik ang pisnge at noo ko.

"Good morning, Bal." he greeted me.

Napatitig ako sa kanyang mukha. Ito talaga ang magpapalaglag ng panga ko. Gigising kang itong mukha ang bubungad, talagang magiging maganda ang araw mo.

"Good morning." wala sa sarili kong sagot.

He chuckled softly.

"You slept well in my hugs. Did you feel comfortable while we're sleeping?" sa marahan niyang tinig.

Halos hindi ko mabitawan ng titig ang kanyang mga mata. Sobrang nakakawala ng pagod ang kanyang mukha. Something that makes my fear gone. Nang tumingin ako sa kanyang labi, mapula 'yon at nanghihikayat na halikan ko. Nalalasing na ako sa ganitong lapit namin.

Nilapit ko ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mababaw na halik sa kanyang labi. Natigilan siya at mabilis na namungay ang kanyang mga mata sa akin. Napahinga ako at napaiwas ng tingin sa kanya.

Ano bang ginagawa mo, Brezel! You shouldn't kiss him! But God, his lips is very familiar! Para bang nahalikan ko na noon pa!

He smiled. Niyakap niya ang baywang ko at tumayo siya kaya nasama rin ako sa kanyang pagtayo. Napahawak tuloy ako sa kanyang leeg.

"Let's eat our breakfast in the terrace. I already prepared it." malambing niyang sabi.

Napahinga ako at tumango ng mahina. Karga-karga niya ako papunta sa terrace. Inupo ng maingat sa upuan bago pagsilbihan sa aking pagkain. Mula sa pwesto namin, kitang-kita ko ang napakagandang Metro Manila. The heaven were made beautifully. After he put my meal, nagkatitigan kami.

"Gusto mo bang subuan kita?" banayad niyang boses.

Nalaglag ang panga ko. What? Subuan ako? Ganito ba siya sa mga naging babae niya? Inaalagaan niya rin ba ang mga naging babae niya ng ganito? Something in my heart hurt while thinking of it. Really, Brezel? Stop thinking that! You should not fall to him!

"No, I can eat by myself." mahina kong sagot.

He nodded.

"Alright. Let's eat." in his same voice.

Masarap ang mga pagkain na nakahanda. Puro pang breakfast ang lahat. May hot chocolate na para sa akin, kape naman ang iniinom niya. Ang pinggan at kutsara ay gold. Yes, gold talaga! Hindi ko alam kung tunay bang gold o design lang pero nakakawindang talaga.

I start eating my breakfast. Nakamasid lang siya sa akin habang kumakain ako. Nang makita niyang naubos ko ang ham, agad niyang nilagyan ang pinggan ko. Napatingin ako sa kanya, nakanguso na ako kasi busog na ako tapos nilagyan niya pa.

"I'm already full, Clemson." sabi ko.

He pursed his lips.

"Kumain ka ng maayos, Bal." sagot niya.

"Pero busog na nga ako." katwiran ko.

He shook his head.

"Ubusin mo nalang yong nilagay kong ham." aniya sabay inom sa kanyang kape.

"I can't. I'm already full." muling sinabi.

He sighed heavily.

"Huwag mo akong artehan, Brezel." seryoso niyang boses.

My jaw dropped. What the heck? Hindi ako nag-iinarte! Busog na talaga ako!

"But-"

"You didn't eat well because you want to have a coca-cola body. Sino bang pinapa-sexyhan mo ha?" kuryusidad niya.

What? Oh my God! Sinabi ko lang naman na busog ako at ayaw ko ng kumain pero ito siya, kung saan-saan napunta ang iniisip!

"Wala akong pinapa-sexyhan, Clemson. Busog nga lang talaga ako." paglalaban ko.

Ngumuso siya at umirap. Kinuha niya ang ham at kinain. See? Pwede niya namang kainin e! Mag-aaway pa talaga kami dahil sa ham!

"Siguraduhin mo lang na wala kang pinapa-sexyhan na ibang lalaki, Brezel. I'm warning you." he said coldly.

Napailing-iling ako at lihim na umirap. Paano ako magpapa-sexy sa ibang lalaki e, nandito ako at nakakulong! Napaka-bossy talaga niya!




---
© Alexxtott

Chasing Series 3: The CEO Obsession (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon