Hulog na hulog.

Niyakap ko ang baywang niya at mas inilapit niya lang ako sa katawan niya, hinahayaan akong sumandal nang tuluyan at kunin ang init niya.

"What about you?" tanong niya pagkaraan ng ilang minutong katahimikan.

"Bakit?"

"What happened to Manila?"

Kumalabog ang puso ko. Kabado at hindi alam ang gagawin.

"Wala," umiling ako at 'di siya sinulyapan.

"What happened?" aniya, "why aren't you going now? Akala ko ba may nahanap na kayong university?"

"Hindi na ako mag-a-Architecture,"

Naramdaman ko ang pagkaka-tense niya.

"Why?" tanong niya, "your grades are great. If you do good in the last grading, there's a possibility you'll be included in top. I can tutor you again if you like."

"H'wag na," umiling ako at mariing pumikit.

"Why not?" tanong niya at unti-unting hinuli ang chin ko. "Come on, look at me."

Inangat ko ang tingin at nasalubong ang nagtataka at concern niyang mga mata.

"Tell me," udyok niya. "Bakit ayaw mo? We haven't discussed it again ever since that day. What changed? You still draw so I don't get why-"

"Hindi nga ako mag-a-Architecture," putol ko na, 'di naiwasan ang pagtaas ng boses.

Umalis ako ng pagkakayakap sa kanya at umayos ng upo.

"Revelia, let's talk-"

"Hindi," umiling ako at tumiim ang tingin sa kung saan. "Hindi ako mag-a-Architecture. Siguro susubukan ko kung possible rito sa CSU pero hindi ako magma-Maynila."

Hindi siya sumagot. Nang sulyapan ko ay malalim ang tingin niya sa 'kin, nagtitimbang at halong nagtataka.

"Is this because of me?" tanong niya. Nangunot ang noo ko at mabilis na umiling kahit humahapdi na ang dibdib.

"Hindi,"

"Matagal mo nang pangarap 'yan, Revel," aniya sa kalmadong boses. "Kaya bakit ayaw mo na-"

"Ayoko lang," matigas kong sabi. "Basta, ewan ko, Damon. Bahala na pagka-graduate, balak ko na ring sabihin kina Mama bago pa ako ma-enroll."

Bumuntonghininga siya, "what if I go there with you, instead?"

Namilog ang mata ko at nilingon siya. Tumalon ang puso ko at paniguradong nagliwanag ang mukha pero nang maalala ang usapan kanina ay umiling ako.

"Hindi 'to dahil sa 'yo," sa halip ay sagot ko. "Desisyon ko lang 'to, Damon. Parehas lang naman ang opportunity dito sa Cagayan sa Maynila, ah?"

Pinanuod niya lang ako ng tahimik, muling sumubok pero pinutol ko na at sa halip ay bumalik sa pagkakasandal sa dibdib niya.

"H'wag na nating pag-usapan," sinabi ko na. "'Di magbabago ang desisyon ko."

Humigpit ang hawak niya sa 'kin at pinatakan ako ng halik sa ulo at muling bumalik ang gaan ng usapan nang magkwento ako tungkol sa takutan namin ni Eunice sa kwarto no'ng huling gabi na.

Ipinikit ko ng mariin ang mata at isinubsob ang mukha sa unan.

Ang galing-galing ni Damon. Ang galing-galing at napaniwala ako sa lahat ng concern niya, sa lahat ng ipinakita niya pero charity case lang pala talaga ako sa paningin niya.

I smiled bitterly.

Ano bang expected mo, Revelia? Na gusto ka talaga niya? Na hahabol-habulin ka ng SSG President? Ano ka ba? Sino ka ba?

Rebel HeartsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum