Nasa byahe ako sakay ng mamahalin kong Car ng biglang mag ring ang phone ko. Napairap nalang ako ng makita ang pangalan ng manager ko.
Wala na akong nagawa ng sagutin ko ito dahil hindi niya ako tatantanan kung hindi ko siya sasagutin.
"Where are you?! I've called you many times but you always cancelled it! And now you're late!" galit nitong bungad sa'kin.
"Can you just chill? Time is just a number kaya h'wag mo akong madaliin," padabog kong binaba ang phone at napatingin sa labas ng sasakyan.
Akala niya siguro porket manager ko siya ay siya na palaging nasusunod sa lahat ng gagawin ko. I live as a human, not a robot so no one can control me.
Sa labas palang ng building sobrang dami ng tao na nagkukumpulan malapit sa may entrance, agad akong bumaba ng sasakyan pagkatapos akong pagbuksan ng pinto.
Mabilis na nagsilapitan ang mga tao sa pwesto ko pati mga reporter para kuhanan ako ng litrato . May mga guards naman nakaharang sa kanila para hindi ako madumog .
Do'n ko lang napansin si Margaret at Jonathan na ngayon masama ang tingin sa'kin. Sila pala ang kausap ng mga fans and reporters, pero no'ng makita ako bumaling ang attention nila sa'kin.
Pagkatapos ko pagtuonan ng pansin ang mga fans and reporters, naglakad na ako palapit sa pwesto nilang dalawa.
"Kahit kailan talaga agaw eksena ka!" galit na giit ni Margaret.
Ngumiti ako.
"Sa ating dalawa, sino kaya ang mang-aagaw?" mahina lang ang pagsambit ko dito dahil may iilan paring mga tao sa paligid namin at nakakahiya kung marinig nila baka gawin pang issues.
"You know what, Margaret. Why don't you accept the fact that i am talented, sexy and pretty than you kaya mas mahal ako ng mga tao," sinulyapan ko pa siya at ngumiti bago naunang pumasok sa loob ng building.
Pumasok agad ako sa office ni manager ng makarating ako sa floor niya at padabog na umupo sa bakanteng chair. " You are twenty five minutes late. Ano ka ba naman Scarlett, hindi porket sikat ka ay magiging unprofessional kana sa trabaho mo," sermon nito sa'kin.
"Anong gusto mong gawin ko? Paliparin ko yong sasakyan para makarating agad dito? Manager Evelyn, pinapunta mo lang ba ako dito para sermonan?"
Napabuntong hininga nalang siya dahil alam niyang hindi siya mananalo pag ako na kausap niya.
Bumalik ito sa table niya at may kinuhang papel sabay abot nito sa'kin.
"Bagong ipapalabas na movie, kinuhanan na kita ng copy baka gusto mong maging isa sa mga cast ng movie na'yan,"
Agad kong binasa ang nakasulat sa papel.
"Forget Your Love, dalawang taong nagmamahalan ngunit masisira dahil sa isang aksidente, magkakaroon ng amnesia ang lalaki makakalimutan niya ang babae at iibig ang lalaki sa ibang baba-ayoko manager ang corny. Ba't ba ang hilig nila sa mga ganyang palabas nakakasuka!" natapon ko bigla ang papel sa sahig dahil hindi ko nagustuhan ang plot ng storya.
"Ayaw mo maging part ng cast?"
"Nagpapatawa ka ba manager? Sa galing kong ito, d'yan mo lang ako ilalagay sa cheap na movie na'yan?"
"Scarlett, mabinta ito sa manonood infact marami ng nag aabang sa palabas na'to,"
Mahina akong natawa at tumayo.
"Binulabog mo ako sa mahimbing kong pagkakatulog kanina at pagdating ko dito senermonan mo pa ako, tapos ito lang ang sasabihin mo. You know what, manager. Give me some class naman, ano nalang sasabihin ng mga fans ko, ng mga friends ko kung ganyang palabas ako mapapabilang,"
Lalabas na sana ako ng office niya pero napatigil ako sa sinabi niya.
"Kabilang si Jonathan and Margaret sa cast. Hindi ka pa rin ba papayag?" humarap ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.
Alam na alam niya talaga kung ano at sino ang kahinaan ko. Ngumiti pa rin ako sa harap niya.
"Hinahamon mo talaga ako manager... pero sige, pagbibigyan ko ang gusto mo. Prepare my contract and i will sign that tomorrow," tuluyan na akong nakalabas ng office niya at do'n na rin ako nakahinga ng maluwag.
YOU ARE READING
My Bodyguard Is A Gangster (On-going)
ActionScarlett Jane Gutierrez is a Famous Celebrity, isang sikat na modelo at magaling na artista, pero dahil sa masamang ugali niya marami ang galit sakanya. Maraming magtatangkang ipahamak siya. Dahil sa mga pangyayari makikilala niya ang isang seryoso...
