Karapatan

4 0 0
                                    

Binubuo ng siyam na letra
May apat na pantig
at Kay daling bigkasin
Pero kahulugan ay kaylalim 

Bigay ito ng may kapal na dapat matamasa ng isang mamamayan
At ginawang batas ng pamahalaan
Angkop kailanman at saan man
Kaya dapat ipaglaban nang walang pag-aalinlangan
Lalo na't ito'y importanteng pangangailangan
Dahil daan ito sa kalayaan

Bagay na tumutulong sa mahirap man o mayaman
Ginawang batas upang hindi masira ang sistema ng pamayanan
Pero kung magamit ng mali ay baka makasira ng bayan
Kaya hindi kailangang magkasakitan o magpatayan para ito'y makamtan
Idaan sa tamang paraan

 Lahat ay dapat pantay at patas sa may rapat

Karapatang mabuhay
Karapatan sa mga ari-arian
Karapatang ihayag ang pananampalataya
Karapatang magpakasal
Karapatang pumunta sa ibang lugar

Karapatang magbago,
Maghayaaag ng damdamin,
at gawin ang naisin

Ngunit responsibilidad ay kaakibat
At pang-aabuso ay 'di nararapat

Iturong gamitin ng may dangal at katalinuhan
Upang hindi masira ang sistema ng pamayanan
At magandang kinabukasan ay makatamtan

Buhay KO,
Buhay MO,
Buhay nating lahat,
Nakasalalay sa ating mga karapatan
Kaya mga mata'y imulat

KarapatanWhere stories live. Discover now