Natawa naman siya, lumapit siya sa akin at sinuklay ang buhok ko.  "Sa tingin mo Tyra, magugustuhan kaya ako ni Ely?"

"Sa tingin ko, ngayon? Hindi pa."

"Paano mo naman nasabi? Maganda naman ako ah."

"Hindi ko naman sinasabing panget ka pero mukhang broken hearted pa kasi 'yong tao, hindi pa siya nakaka-moved on, gusto mo bang maging panakip butas ulit?"

Umiling siya agad. "Gusto ko siya, iba sa mga lalakeng nakilala ko, ibang-iba talagang."

"Kahit hindi siya mayaman?"

"Ay, hindi ba siya mayaman?"

"Ang dami-dami mong naging boyfriend pero may tumagal ba? Pera lang kasi ang habol mo. Alam mo namang nagtatrabaho si Ely mo kay Tito, kung mayaman 'yon hindi 'yon magtatrabaho, palagi kasing puso ang pinapairal mo, ayaw mo bang gamitin 'yang utak mo?"

Inismiran niya lang ako. "Palibhasa kasi hindi ka pa nagkaka-boyfriend, girlfriend kasi ang hanap mo." Sabi niya at binatukan pa ako.

"Dami mong alam! Alis na ako, h'wag kang pasaway kay Tita. Kapag tumawag ako sagutin mo agad, pinag-alala mo na lang ako lagi."

"Opo Ate Gee Tyra, masusunod po." Sabi niya at binato pa ako ulit ng unan. Pasaway na kakambal.

-

"Tito, pinadala po ito ni Tita Alpa, naiwan niyo raw po itong extra jacket niyo, cellphone at tubig."

"Nagmamadali kasi ako kanina e kasi inaalala kita. Umalis na ba sila?"

"Mamayang alas dos pa raw po e pero ready na po sila. Saan po ba sila pupunta?"

"May pupuntahang event ang Tita mo, siya ang magiging tagapagsalita."

Ahh, yun siguro 'yong sinasabi ni Gwy kanina na tungkol sa mga nakulong tapos nagbagong buhay.

"Ang kapatid mo, okay lang ba siya? Kulang na lang lumipad si Liwanag kanina ah."

Napakamot ako sa ulo. "Ah, hehe, nakita niyo po pala 'yon? Mabuti nga po at marunong tumalon ng mataas itong kabayo. Okay naman po si Gwy, hilig niya lang talaga ang pag-alalahanin ako."

Tumulong ako kay Tito na magtabas ng matataas na damo sa Manggahan, hindi na bago sa akin 'to dahil ginagawa ko rin 'yong ganito sa Buenavista noon para magkapera kami. Tumulong din ako sa pagpapakain ng kabayo, tumutulong din ako kay Mang Teban noon sa pagpapakain, siya rin nagturo sa aming mangabayo, tamad lang matuto si Gwy  kesyo mainit daw at masisira ang balat niya kaya hindi siya gaanong natutong mangabayo.

"Nanganak na pala ang dalawa nating kabayo at babae pareho, maganda 'yan, parami ang mga kabayo natin." Sabi ni Tito Drammy

"Sa wari ko po ay buntis din itong isang kabayo Sir Drammy." Sabi ni Mang Jerry

"Magandang balita po 'yan Mang Jerry, sa susunod ay bibili rin ako ng kambing at baka, hindi na rin kasi ako pabata, para sa anak ko at sa mga pamangkin ko ang lahat ng ito."

Na-touch naman ako sa sinabi ni Tito, kahit bigla na lang kaming dumating sa buhay nila e iniisip niya pa rin ang future namin.

Sabagay, ang sabi niya naman e sa aming dalawa ni Gwy siya babawi dahil sa dami ng hindi niya nagawa para kay Mama Arah noon.

"Hello? Lyra, bakit?"

"Cous, nasaan ka?"

"Nandito ako sa farm, kasama ko si Tito Drammy. Bakit?"

"Si Tita Alpa, nasaan?"

"May pinuntahan siya, kasama niya si Gwy at si Clarry. Nasa bahay ba kayo?"

"O-Oo. Surprise sana kasi umuwi na si Zack, nandito kaming lahat ngayon."

"Sasabihan ko lang si Tito, tawagan kita."

"Sige sige, may susi naman si Daddy kaya nakapasok na kami, nagluluto na sila Mommy ngayon."

"Sige, saglit lang pupuntahan ko lang si Tito."

Parang hindi ang pag-uwi ni Zack ang dahilan kaya nagpunta sila sa bahay, feeling ko lang.

"Tito, nasa bahay raw po sila Tito Vash, tumawag po si Lyra."

"Ngayon? Kung gano'n ay uuwi na tayo, bukas na lang tayo bumalik para tingnan kung p'wede na bang anihin ang mga Mangga."

Napatingin ako sa duyan na tinatambayan ko, may natutulog, si Ely ba 'yon? Mabuti naman at sumunod, isa kasi sa rule ni Tito na kapag masama ang pakiramdam ay h'wag na piliting magtrabaho kasi baka lumala at kapag lumala, lalong hindi makakapagtrabaho.

"Magpapa-alam ka ba sa bago mong kaibigan?" Tanong ni Tito na nakatingin din kay Ely.

"Hindi na po."

"Ang kapatid mo ba ang inaalala mo? Ang sabi niya sa akin ay hindi raw masyadong pala-kaibigan."

"Medyo po at magulo na po 'yong pamilya na pinanggalingan ko, ayaw ko pong pati kami ni Gwy ay magkagulo."  Nakangiti kong sagot, napatango na lang si Tito.

Si Tito na ang nagmaneho ng motor kasi inaantok ako, sobrang bagal, parang gabi na yata kami makakarating sa bahay kahit tirik na tirik pa ang araw.

"Hi Ateng sleeping beauty!" Narinig kong sigaw ng batang nakasakay sa tricycle na makakasalubong namin. Kumaway ako, ngiting ngiti si Eya.

Pagkarating namin sa bahay ay kakarating lang din nila Tita Alpa, hindi raw natuloy ang program kasi nagkasakit ang organizer.

"Gwy, ano'ng mayro'n? Dapat alam mo 'di ba?" Tanong ko, medyo malakas kasi ang sense ni Gwy lalo na kapag tinitingnan niya ang tao.

"Alam ko pero hindi ko sasabihin sa 'yo, hintayin na lang natin na sabihin nila." Sagot ng masungit kong kakambal.

Sabi na nga ba't hindi tungkol kay Zack ang ipinunta nila dito, buong pamilya kasi, mag-anak nila Tito Vash, Tito Pian at Tito Kerby, parang mat reunion.

"Thank you." Sabi ko paglapit ko kay Kaley.

"You're welcome, ibalik na ba sa 'yo?" Tanong niya at tinuro ko naman ang suot kong kwintas. "Mabuti na lang at hindi isinanla."

"Mabuti na lang at mabait." Sabi ko at napatingin naman sa batang lalake na katabi ni Kaye. Sino 'yon? Parang ngayon ko lang siya nakita.

"Konti na lang at maluluto na 'to." Sabi ni Tita Ces, nasa kusina sila ni Tita Rica, nagluluto ng pansit at lumpiang shanghai.

"Tyra, ipapakilala kita sa asawa ko." Tawag ni Lyra sa akin.

"Hi." Bati ko at nakipag-kamay. "Zack, 'yong babaeng nakaupo sa tabi ni Pia, si Gwy 'yon, kakambal ko." Sabi ko

"Nice to meet you Tyra, ka-mukha ka nga ni Tita Arah. Kung si Ly kamukha, mas kamukha kayong dalawa."

"Sabi nga nila." Sabi ko na lang, para daw kaming triplets.

Nilapitan ko si Gwy, nakatitig na naman siya sa picture ni Mama Arah tapos biglang titingin kay Lyra, minsan talaga nakakatakot na rin ang ikinikilos ni Gwy e.

"Gwy, bakit?" Pabulong kong tanong pero niyakap niya lang ako at hindi sumagot.

"Bago tayo magsimulang kumain, konting salo-salo lang naman 'to. Gusto ko lang sabihin na magiging Lolo na ako!" Sabi ni Tito Vash, humawak naman si Lyra sa tiyan niya at hinalikan ni Zack.

"Congrats!" Bati namin, halata sa mga mata ni Lyra na sobrang saya niya pero si Kaley, chill lang sa gilid.

"At mayroon pa kaming sasabihin." Sabi ni Tito Kerby, tinawag niya ang batang nakaupo sa tabi ni Kaye.

"Lolo na nga rin pala ako. Ito si Enoh, anak ni Kaye."

Bakit parang ako lang ang nagulat? Anak ni Kaye?

Sino'ng ama???

(A/N : Sa PART 4 niyo malalaman kung bakit ENOH ang pangalan ng bata.)

* End of Chapter 13 *

A/N : Chubbabies 💜 thank you! Don't forget to vote and comment, God bless! Keep rockin' 🤘

  >🎸

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon