Prologue

167 2 3
                                    


Fix marriage, isang traditional activities na nakasanayan na  ng mga mayayamang pamilya at isa na ko sa mga biktima ng fix marriage na ito. Kahit na ayaw ko wala akong magagawa.

          Parang sunod-sunuran lang ako na aso. Wala akong kawala at wala akong boses para isigaw ang kalayaan ko.

          "Balita ko Neil bukas mo na daw makikita ang fiance mo so anong feeling?"tanong sakin ni Mike na  best friend ko at ang nakakaalam ng buhay ko.

          "Kung nang aasar ka pwede bang tigilan muna yan Mike. Kahit kailan never kong inisip na magkaroon ng ng fiance at isa pa bago kami ikasal sisiguruduhin ko na siya ang magbe-break ng engagement."sagot ko kay Mike habang iniinom ko ang isang bote ng beer na inorder ko.

          "Sabihin mo lang Neil hindi ka pa rin nakakamove kay Anthony. Come on, ang tagal na nun kaya siguro naman pwede muna siyang kalimutan. Isa pa pare ang balita ko engage na siya kaya pwede muna siyang pakawalan."Natahimik ako sa sinabi ni Mike.

          I am Neil Harold Winserly, only son of Winserly Empire at I am an open gay. My family doesn't care about my gender or kahit na sinong i-date ko dahil sa isang bagay na nakatali na ko sa isang tao na sila ang pumili.

          3 years ago nagkaroon ako ng boyfriend at plano na sana namin na magsama pero isang araw bigla na lang iniwan ng lalaking mahal ko at never na siyang nagpakita sakin. In my own theory alam kong may kinalaman si Lolo sa biglaang pakikipagbreak sakin ni Anthony.

          Pero tulad ng isang mabait na bata wala akong magawa kundi ang sumunod sa mga gusto nila. Kilala ko kasi si Lolo once he said it he will do it without any hesitation at ayoko rin na mapahamak si Anthony at aminado ako na hanggang ngayon Im madly in love with him.

          "Hoy, Neil narinig mo lang yan pangalan ni Anthony natulala ka na. Come on bro! Move on din pag may time. Nandito naman ako at willing ako maging panakip butas."biro sakin ni Mike kaya nabatukan ko siya.

          Mag aalas tres na ng umuwi ako sa bahay namin sa Villa. Si Mike na ang naghatid sakin kasi ang dami ko palang naininom at ang dahilan ay si Anthony na naman. Hindi ko alintana ang mga tao sa bahay ng araw na yun dahil bihira lang na may pamilya akong sasalubong sakin o babati kung buhay pa ko o humihinga.

          But this time is different. Pagkahatid kasi sakin ni Mike papuntang sala at pinahiga ako sa sofa sigurado akong nagpaalam siya sakin. Kaya nga nagwave pa ko ng hand sa kanya bago siya makalabas ng bahay. Hanggang sa may maramdaman akong kamay. Malaki ang kamay na yun kaya siguradong lalaki. Nung una akala ko si Lolo.

Ganun kasi siya sakin. Kapag umuuwi akong lasing hinahaplos niya ang mukha ko bago ako  pabayaan na matulog pero ang isang ito kakaiba. Dahan-dahang bumaba ang haplos niya. Mula sa mukha ko papapunta sa dibdib ko. Ramdam ko rin ang dahan-dahan niyang pagpatong sakin.

          "Hmmm.... Mike... Hindi magandang biro yan..."sabi ko at natatawa pa ko sa kanya.

          Akala ko nung una its a big Joke pero ilang segundo pa ng maramdaman ko na unti-unti niyang hinuhubad ang polo ko. Ang mga haplos niya na kanina ay normal lang ay bigla na lang nag-alab at ang pagpatong niya ngayon sakin ay napakatindi. Hindi ako makagalaw.

          "HOY! MIKE-"


          "Shh....ako to.. Neil..."bulong ng lalaki sa kin habang tinatakpan niya ang bibig ko. At hindi ako makapaniwala sa narinig kong boses, ang lalaking minahal ko 3 years ago. Si Anthony.


          "A-Anthony-"

          "Shh.. sabi ngang wag kang maingay eh."dagdag pa niya.


Bago pa man ako makapagsalita bigla  niya akong hinalikan. Ang mga halik na matagal ko ng inaasam-asam habang ang mga kamay niya ay malayang gumagalaw sa ibabaw ng aking katawan.


          Ramdam ko rin ang mabilis na pagtigas ng gitna ko at dahil dito binilisan pa lalo ni ANthony ang paggalaw sa ibabaw ko habang pinapaliguan niya ang katawan ko ng halik.

          Matagal na rin ang nakakalipas ng makaramdam ako ng ganitong kasarap na pakiramdam pero bago pa man ako madala ng damdamin ko may narinig akong isang malakas na kalabog at pagkatapos nun wala na kong maalala dahil sa sobrang kalasingan.

My Bride is a Guy-Next Generation (The Sequel)Where stories live. Discover now