Ikatlong Kabanata: Isang Kaibigan

36 0 0
                                    

"Ano? Masakit pa ba 'yang ilong mo?" Ipilit niya mang alisan ng tono ng pag-aalala ang kaniyang tanong,hindi niya magawa dahil totoo naman siyang nag-aalala.

"Hahaha. Wala 'to. Malayo sa bituka." Sabi nito at umupo sa kawayang upuan at saglit na nilibot ang tingin sa kaniyang barong-barong. "Ikaw lang ang mag-isang nakatira dito?"

Tinitigan niya ito at inirapan. Isang tangang tanong. "Ano sa tingin mo?" Pagtataray niya at dumiretso sa kusina para maghanda ng merienda.

Grabe ang dagundong ng puso niya. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya sa presensiya nito o ano,basta tumatambol ang puso niya. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago gumawa ng tinapay at maiinom.

"Ang sungit naman nito. Hahaha tinatanong lang eh." Sabi ni Angelo pero di niya pinansin ito. Umupo siya sa isang kawayang upuan at inilapag sa mesa ang ginawa niyang merienda.

"Keso lang ang palaman niyan. Hindi ako mayaman." Malamig na sabi niya at binuksan ang malaking bintana. Para naman makapasok ang hangin dahil kahit may isa siyang maliit na eletricfan ay hindi din ito makakatulong para bigyan ng hangin ang kaniyang bisita.

"Ayos lang.." Sabi nito at kumuha ng isa. Ginawa naman niyang abala ang sarili niya sa pagtutuloy ng pagpupunas sa di niya pa napunasang kasangkapan. "So anong ikinabubuhay mo?"

Napatigil siya sa ginagawa. Nanlamig ang kaniyang kamay at namuo ang pawis sa kaniyang noo. Bakit ba siya nahihiya sa lalaking 'to samantalang hindi naman niya 'to kaibigan? Isa pa,alam ng buong bayan ang trabaho niya at walang kaso kung sasabihin niya ito sa isang stranghero.

"M-mahika." Mahina ngunit may diin niyang sagot. Napapikit siya,mabuti nalang at nakatalikod siya dito ng sa ganon ay hindi nito makita ang mga reaksyon niya.

"Ahh. Gayuma? Naniniwala ka ba don? I mean sa tingin mo totoo ba yon?"

"Pwede. Ewan ko din eh. Ang ironic diba? Kasi ang sabi ng nag-alaga sakin,sa naniniwala lang daw yun tumatalab. Eh hindi ko pa naman nasusubukang mang-gayuma para sa sarili kong kapakanan."

Gabi na at kakatapos niya lang maghilamos. Isasara niya na lang ang bintana at maghahanda na siya sa pagbabasa ng paborito niyang libro ng may kumatok.

"Sino yan?" Tanong niya dahil hindi naman pwedeng basta-basta niya lang 'yon bubuksan.

"Isang poging nilalang." Boses palang,Angelo na Angelo na. Binuksan niya ito at pinaweymangan. "Ano nanaman bang kailangan mo?" Gustong-gusto niya na magbasa pero ito nanaman ang lalaking 'to at guguluhin siya.

"Uhm may bagong bukas kasi diyang mall sa Bayan. At marami din akong bibilhin. Syempre di ko pa kabisado 'to at wala akong kasama-"

"Kung inaaya moko,pasensya na at matutulog nako kaya wag mo na akong guluhin. Isa pa,kaya mo na ang sarili mo. Mas malupit pa ang buhay at mga tao sa Maynila ano." Sabi ni Clara at akmang sasarahan niya na ang binata pero hinawakan nito ang pinto.

"Sige na naman,Clara. Tandaan mo yung ilong ko medyo napango dahil sa pag-untog ng pintuan mo." Nakangiti nitong sabi at napairap siya. Bwiset talaga 'to. Tinanong niya 'to kanina kung okay na ba ang ilong nito pero sabi nito ay ayos na. Isa pa ang oa niya dahil hindi naman nabawasan ang katangusan ng kaniyang ilong.

"Alam mo ang gulo mo talaga. Alas otso na ng gabi-"

"Night life,Clara. Alam mo ba sa Maynila ganitonh oras palang nagsisimula ang buhay at kasiyahan ng mga ka-edaran natin? Isa pa,hindi naman tayo magpupunta sa kung saan." Natawa ito saglit at nagpatuloy. "Ililibre kita ng kahit anong gusto mo at ihahatid kita ng maayos. Diyan lang naman tayo sa Mall oh."

Nagsuot siya ng bestida na isang beses niya palang sinuot. Kulay rosas ito at bulaklakin. Napatingin siya sa salamin at sinuri ang mukha. Nagpulbo siya at sinuklay ang hanggang balikat na medyo brown na buhok. Morena siya kaya naman bagay na bagay sa kaniya ang bestida.

"Clara,matagal ka pa ba?" Ugh. Paano nga ba siya napapayag ng isang 'yon? Kanina pa siya tapos mag-ayos at ang tagal na niya sa harap ng salamin ng kwarto niya samantalang iniwan niya sa sala si Angelo kaya siguro'y nainip.

Lumabas na siya ng kwarto at napanganga si Angelo at napalunok. Hindi niya pinansin iyon kahit nag-init ang kaniyang pisngi sa rekasyon nito at sinabihan pa siya nitong maganda. Lumabas sila at nakita niya aang kotse nitong itim at makintab. Pinagbuksan siya nito ng pintuan at pinaupo sa harap.

Hindi niya maintindihan pero bakit gumagaan ang loob niya dito? Ni isa sa Sitio ay wala siyang kaibigan. Si Mara na kaibigan niya naman ay nasa kabilang Sitio pa kaya hindi sila madalas nagkakausap. Pero bakit siya napasama agad nito? Hindi kaya isang kaibigan niya na ito?

MahikaWhere stories live. Discover now