CHAPTER SIX

27 8 0
                                        

Matapos ang nangyari,hindi na ako nag-aksaya ng oras at kaagad umuwi.

Maaga ding natapos ang klase ni Trisha kaya't hindi nadin ako nag-intay ng matagal bago kami nakabyahe pauwing bahay.

Nang makarating ay kaagad akong dumiretso sa aking kwarto at tinungo ang book shelf sa may gilid ng aking kama.

Agad na dumapo ang aking mga tingin sa makapal at lumang libro na iniabot sa akin ni tita Aava nuong nakaraang linggo.

Litong lito ang aking isipan sa mga nangyayari sa akin lalo na nitong mga nakalipas na araw ngunit isa lamang ang malinaw para sa akin.

Kailangan ko ng mga kasagutan sa napakadaming tanong na ngayo'y bumubulabog sa aking isipan!

Kaagad kong inimis ang mga gamit ko nakalagay sa aking study table at doon ipinatong ang hawak kong libro.

Naupo ako sa aking silya bago ay muntian pang pinagpagan ang alikabok sa may harapan ng libro.

"Addelaienei"pagbasa ko sa salitang nasa may makapal na cover ng libro.

Ang hitsura nito ay masyadong makaluma.Napakatigas ng pabalat na animoy kahoy ito na inukitan ng mga design at pangalan sa gitna.

Ang isip kong okupado ng mga tanong ay tila ba nawalan ng isipin ng ang libro ay parang naglalabas ng kakaibang enarhiya na inaakit ang aking buong katawan.

Hindi kona napigilan ang aking sarili ng sakahin ng aking mga daliri ang bawat letrang nakaukit.

It seems familiar.

Nang may biglang dilaw na liwanag ang parang sumusunod sa bawat letrang nadadaanan ng aking daliri.

Ang nakakapagtaka ay imbis na magulat ako,magtaka o matakot ay tila ba mas naingganyo akong buklatin at basahin ang bawat pahina ng libro.

Sinasabi ko na nga ba!Hindi talaga normal ang mga nakikita ko at totoo ang magic!

Hindi ako naghahalunasyon!

"Unang araw:‘Nakakabagot na maghapon’."pagbasa ko sa unang pahina ng mabuklat ko ang libro.

Hindi pala ito karaniwang libro dahil diary ito!Kaya pala parang costumize ang pagkakayari ng libro.May pangalan pa.

"Bago ko simulan ang aking talaarawan,nais ko po munang maipakilala ang aking sarili."

"Ako po si Addelaienei.Hindi po A-de-layn o A-de-leyn o A-di-len ha,A-di-lay-ni po ang tamang basa at pagkakabigkas ng aking pangalan.Hindi man kapanipaniwala ngunit ako po ay hindi tumatanda subalit ang sabi ng aking tagapaglikha,ako daw ay nasa ika-pitong taon na ng aking buhay kung ibabase ito sa oras ng mga taga lupa."kunot noo kong basa.

Hindi ko maintindihan e!Bukod sa napakaformal ng pagkakasulat nito ay hindi ko maunawaan ang tinutukoy nito.

Ano to,out of the universe diary?

Ngunit sa kabila ng malaking pag-aalinlangan ay itinuloy ko parin ang pagbabasa sa pagbabakasakaling makakahanap ako ng kahit katiting na sagot na makakapagpalinaw ng aking isipan.

"Hmm...maghapon po kaseng wala ang aking tagapaglikha sampo ng kaniyang mga anghelika kung kaya't ang aking pag-eensayo ay pansamantalang isinuspinde ng aking tagalikha.Wala akong kahit isang kasama at ibig sabihin nito ay wala rin akong maaaring makalaro kung kaya't nakakabagot ang araw na ito."

"At dahil wala rin naman akong magawa ay naisipan kong gumawa ng talaarawan.Ang aking tagapag-alaga na si anghelika Seles ang siyang nagkwento at nagturo sa akin kung ano at paano gumawa ng talaarawan."

"Teka...pano ko nga ba sisimulan ang aking ibabahaging kwento ngayong araw gayong wala namang ibang pangyayari na nagaganap sa akin ngayong maghapon?Ah alam ko na!Hmm magsisimula ako sa aking wangis."

THE HIDDEN ACADEMY FOR SPECIAL ABILITIES:Eyes from the God(On-going)Where stories live. Discover now