Sumagot naman agad sya..

"Babeeeee! Good morning. Diba matatapos na next week 1st sem nyo?" Hyper -.- nyang tanong

"Oo, bakit?" Walang gana kong sagot. Sana naman mahalata na ni Patrice na wala na kong gana sa kanya. Pangit man pakinggan dibale na kesa naman masaktan nanaman sya.

"Gusto ko sanang dito kayo magbakasyon. Please?" Araw araw nalang ba? Sakal na sakal na ko eh!

"Hindi pwede, 1 month lang ang bakasyon at 2nd sem na" alibay ko

Tinitignan lang ako ni mama habang nakakunot yung noo nya. Alam ni mama lahat.

Na wala na kami ni Wendy, pati yung nabasa ni Patrice yung sulat, yung tungkol sa pagpapakamatay alam ni mama. Pati yung nangyari kahapon sa Guidance.

"Pero babe, gusto kitang makita ulit. Namimiss na kita eh" -_- napailing nalang ako

Nagpunta na nga sya sa school kahapon eh. Tapos miss agad? Kalokohan.

"Ayoko" malamig kong sagot. Naisip ko masyado na kong nag papaunder sa babaeng to

"Anong ayaw mo!? Hindi pwede! Kailangan dito. kayo. MAGBABAKASYON!! Baka mamaya makipaglandian ka nanaman kay Wendy!" Konti nalang sasabog na ko.

Konti nalang talaga!

Una tong paggiging possessive girlfriend ni Patrice. Pangalawa, yung pilit akong kinakalimutan ni Wendy :(. Pangatlo, fiancé na nya si Frank at ang sweet pa nila kahapon! Hindi ko na alam pano ko pa itatago tong galit sa loob ko.

Alam kong wala akong karapatang magalit dahil may kasalanan din naman ako rito. Pero sobra na ang karma! Sobra na kung gumanti.

"Tama na Patrice! Masyado na kong nasasakal sa pinaggagagawa mo! Pwede ba kahit yung isang buwan lang na yon patahimikin mo ko?" Di ko na napigilan ang sarili ko at nasabi ko yon

"Ginaganyan mo na ko Aldrin? Anong pinagmamalaki mo?! Kahit pakawalan kita hindi na maggiging kayo ni Wendy. Nasaktan mo na sya kaya sakin ka lang talaga!" Nababaliw na tong Patrice na kausap ko

"Oo sayo nga ko Patrice. Pero ang puso't isip ko kay Wendy lang" masaktan sya kung masasaktan wala na kong pakielam sakanya dahil hindi na sya ang Patrice na nakilala ko noon.

Nagulat naman ako ng biglang may tumusok sa tagiliran ko. Tsss si mama pala. Kinikilig. -.- sinimangutan ko lang sya ng pabiro at yun nagpunta nalang ng kusina habang kumakanta

"Walanghiya ka! Sige magpapa---"

"Magpapakamatay ka nanaman? Ano? Tatakutin mo nanaman ako? Bahala ka kung anong gusto mong gawin. Basta Patrice... wala na tayo-- Tapos na tayo!"

"Per---" binaba ko na yung telepono, nag ring agad. Alam kong sya lang yan kaya pinabayaan ko nalang.

Sana makahinga naman na ko ng maluwag.

Ang aga aga sinisira ang araw ko.

Pumunta ko ng kusina para kumuha ng almusal "ayieeee narinig ko yon Aldrin"

O_O

"Ano ma? Pakiulit nga po" may mali sa narinig ko eh

"Sabi ko narinig ko yung sinabi m---"

"Hindi yon ma.. yung tawag mo sakin, tama ba yung rinig ko na Aldrin na ang tawag mo?" Nagulat na tanong ko.

"Hahahahaha yun pala yon! Bwisit ka anak kala ko kung ano. Oo Aldrin na itatawag ko sayo. Tutal ... binatang binatang binata ka nanga talaga. Nakakapag sabi kana ng mga ganong cheesy lines. Kinilig ako dun ah infareness. Haha" baliw na talaga tong mama ko.

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Patrice's POV

"Per--- *tuuutt tuuutt* AAAAAAAHHHHHHHH!!! NO WAY! HINDEEEE! AAHHH. Hindi pwede! Hindi pwe-DEEEEE"

"Anak anong nangyayari. Kumalma ka please. Baka atakihin ka nanaman ng asthma mo" pag aalo nila mama,

"How can I calm down? Ayaw na sakin ni Aldrin mama. Ayaw na nya. No way no way. Di pwede to" pinagbabato ko lahat ng gamit na makita ko sa kwarto ko. I feel so depressed. I need him beside me.

Sinabunutan ko ang sarili ko at sinampal sampal "mama ang sama sama ko po, sinakal ko si Aldrin, masyado akong naging mahigpit sa kanya. I want him back. Kailangan ko po sya. Mababaliw ako mama. Mamamatay ako pag wala syaaa.. AAAAAHHHHHH" hinawakan nila mama't papa ang dalawang kamay ko at pinigilan ako. Nakikita kong nag aalala sila sakin pero di ko mapigilan ang sarili kong mag wala.

"Tama na anak. Kumalma ka pwede naming kausapin si Aldrin please anak" niyakap na ko ni mama at medjo kumalma naman ako kahit papano

Tumango tango nalang ako habang umiiyak. "Promise me mama, he will comeback. Promise me!" Sabi ko habang humahagulgol

"Oo anak pangako. Bukas na bukas luluwas ako sa maynila para puntahan si Aldrin basta kumalma kalang baka atakihin ka ulit ng sakit mo" sabi naman ni papa. Huminga ko ng malalim. Hindi ako makahinga ng maayos. Ang sikip ng dibdib ko.

"Are you alright Patrice? Patrice!?" Sinusubukan kong habulin ang hininga ko pero ang huling nalaman ko nalang is nag black out na ang paningin ko.

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

No one's POV

Isinugod si Patrice sa pinakamalapit na hospital sa bayan nila. Bata palang sya may sakit na syang asthma at sa tuwing umiiyak at napapagod sya hindi imposibleng hindi sya hinihimatay. Pero minsan malala matagal syang gumising. Kaya mahal na mahal at alagang alaga sya ng mga magulang sya. Lahat nasusunod.

Chineck agad sya ng doctor na sumugod sa ER. Pinahanginan ng oxygen at sinuksukan ng kung ano anong dextrox.

Sinusubukang kontakin ng papa ni Patrice si Aldrin dahil alam nyang ito lang ang nagpapakalma at nagpapa ayos sa karamdaman ni Patrice.

Pero sa kamalasmalasang pagkakataon umalis si Aldrin kasama ng mama nya at walang sumasagot sa telepono, umalis sila dahil tinreat ni Aldrin ang mama nya kasi hindi na sya tinatawag na "baby"

Mabuti at gumising kaagad si Patrice

"A.. a.. al.. aldrin" hinahanap parin nya si Aldrin kahit nasa ganong kalagayan na sya

"Ssshhh.. magpahinga ka muna anak.."

"Hindi m.. mama.. si Aldrin po nasan?"

"Ahh.. oo pupuntahan na ni papa mo. Basta mag pahinga ka muna" sabi ng mama nya habang hinihimas yung ulo nya. Nakatulog rin si Patrice ilang minuto ng kakaiyak nanaman.

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Vote. Vote. Vote
Vote. Vote. Vote

Comment nadin kayo :))

[BAEKMI] 31 days of DAREWhere stories live. Discover now