Chapter 12

1.4K 62 31
                                    

JEMA.

Sunday night. I'm in bed, so tired but happy. Di pa rin ako inaantok kahit yung katawan ko eh pagod na pagod.

Katatapos ko lang makipag-usap kila Tatay at Nanay. We usually catch up during Sundays. Nagkwento ako about Bohol siempre at kung ano ano ang mga ginawa namin doon. Sinabi ko na binilhan ko sila ng mga pasalubong like t-shirts, keychains at ref magnets.

I miss them, pati na rin sila Ate Jovs at Mafe.

Si Ate Jovs nasa abroad ngayon, almost 2 years na din siya sa Korea.  Gusto nga nun magbakasyon pero di pa pwede dahil naka kontrata. By next year siguro baka makauwi siya.

Si Mafe o Pangs, ang kasama nila Nanay ngayon sa bahay. She just graduated from college at kasalukuyang naghahanda para sa LET niya.

Dahil kalilipat ko lang dito sa company, busy ako at wala pa talagang time to visit my family. Di bale, next time na may long weekend holiday, dadalawin ko sila sa Laguna.

Umayos ako ng higa bago kinuha ang cellphone. I scrolled up and down my gallery then sent several photos of Bohol to Kyla. Kanina pa niya ito hinihintay, para daw makita rin niya ang lugar.

Maraming photos na pinadala si Ella sa akin kaya pinadala ko din ito kay Best.

"Best, true nga na talagang maganda ang Bohol. Diyan ko talaga yayayain si Angel pag magbabakasyon kami." excited na sabi niya.

Si Angel yung manliligaw niya yata. Ang kulit kasi ni Kyla pag tinatanong ko siya. Minsan daw jowa, minsan hindi.

Baliw itong si Kyla.

"Yes, I can give you the best hotel to stay and yung package tour na in-avail namin." sabi ko.

"Thank you. Ay wait, bakit pati selfie ng bossing mo kasama?" tanong niya.

What? I checked our convo thread. Sa bilis ng kamay ko sa pagpindot, may isang selfie nga ni Ella ang accidentally ay naipadala ko sa kanya.

"Ay nasama lang yan Best. Siya kasi ang may kuha ng mga yan. Remember, hindi nga ako nakasama sa day tour nila kaya she took the initiative to take pictures for me. Ang bait bait niyan Best, grabe." kwento ko.

"Ahhh, that's nice of her. Buti naman at hindi ka nahirapan pakisamahan siya." Kyla said.

Nabanggit ko kasi sa kanya noon na may pagka suplada si Ella. First time impression ganun. It turned out na hindi naman pala.

"May ikekwento pa pala ako Best." sabi ko.

"Ano yun? Dali make kwento." mabilis na sabi niya.

I video-called her na lang kasi tinatamad akong mag type na. Sinabi ko ang mga naganap between me and Ella.

Yung silent and subtle flirting between us. Mga tinginang palihim sa ibang tao pero sa aming dalawa ay hindi.

The way she acts differently when we were alone. Pag kasama kasi namin ang family niya, she's too quiet and reserved. Halos hindi niya ako kausapin.

Kyla knows that I had a relationship with a girl way before. Matagal na ito pero alam ni Best na possible pa rin na magka gusto ako sa isang babae. Kaya hindi ako asiwa magkwento sa kanya about another girl.

"Ano sa palagay mo kaya Best? Do you think she's a member of lgbt too?" I asked after.

"Hmmm. I haven't seen her personally but based sa porma niya, parang. Girly na astig, maganda na pogi. Just like you." she replied.

Tama ang mga observations ni Kyla.

The way Ella responded when I teases her, it is very obvious that she gets intimated but nervous at the same time. Lalo na kung halos magkadikit na kami, sobrang epic ng reactions niya.

KUMPASWhere stories live. Discover now