100 𐊪

12.3K 562 709
                                    

Malalim na huminga si Reid at mahigpit na nakahawak sa manebela habang naghihintay sa harapan ng apartment ni Frankie. Hindi pa siya nagme-message na nasa labas na siya dahil gusto na muna niyang huminga.

Galing siya sa party na in-organize ng TV station para sa kaniya. Maraming taong bumabati sa kaniya, pero nahuli ang taong hinihintay niya.

Bumaba si Reid ng sasakyan at kumatok sa pinto. Sumandal siya sa pader at naghintay. Pagbukas, nagtama ang tingin nila ni Frankie. Nakasuot ito ng salaming medyo may kalakihang sumakop na sa mukha nito.

"Hi." Pinilit ni Reid ang ngumiti. "Good morning."

Samantalang bumaba ang tingin ni Frankie sa paperbag na hawak ni Reid. Pagkain iyon mula sa isang fast-food chain.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Reid.

Umiling si Frankie dahil iyon ang totoo. Wala siyang ganang kumain nitong nakaraan at kahit siya mismo ay hindi alam kung bakit. Imbes na sumagot, niluwagan niya ang pinto para papasukin si Reid.

"Wala pa si Harley. Gumimik kasi sila," aniya at pinaupo si Reid sa sofa. "Ikaw, kumain ka na ba? Nakita ko sa Instagram stori—" tumigil siya sa pagsasalita.

"Hindi ako kumain," sagot ni Reid. "Wala akong gana."

Kinuha ni Frankie ang paperbag mula kay Reid at inayos iyon. Nakatalikod siya at ramdam niya ang kaba na parang first time niya itong makita. Iwas na iwas siya nitong mga nakaraan at gusto sana niyang ganoon na lang, pero mukhang may joke pa rin ang universe at gustong masaktan pa siya.

Fried chicken, french fries, rice, at softdrinks ang dala ni Reid. Nag-init din si Frankie ng nilutong adobo ni Harley para sa kanilang dalawa.

Pagharap niya, nakasandal si Reid at nakahiga ang ulo sa backrest ng sofa. Nakapikit pa nga ito kaya nakuha pa siya ng pagkakataon para tumitig.

Suot nito ang puting long-sleeve na nakatupi hanggang sa siko na bukas din ang ilang butones, itim na slacks, itim na sapatos, at magulo ang buhok na medyo may kahabaan na ang bangs.

Nagpaalam muna si Reid na magpapalit ng damit sa kotse nito. Pagpasok, nakasimpleng pantalon na ito T-shirt na gray.

"Kain na tayo." Ibinaba ni Frankie ang pagkain sa coffee table at binuksan ang TV. "Nagluto ng adobo kanina si Harley. Masarap magluto 'yon. Culinary student din kasi."

Ngumiti si Reid at uminom ng tubig. "Culinary si Harley, architecture ka. Friendship goals."

"May dalawa pa kaming friends. Si Lee, fashion design. Basher ko nga 'yon kapag hindi niya bet 'yong mix and match ko ng mga damit. Si Risha naman, business ad graduate siya, pero events manager 'yon. Sila 'yong mga nag-aayos ng mga kasal. Kasama niya 'yong husband niya."

Tumango si Reid. "Lahat ba sila may family na?"

"Si Lee, kakakasal lang niya six months ago, pero walang baby. Second course na rin niya 'yong fashion. Si Risha naman, noong third year college, nag-asawa na rin siya kasi nagka-baby. Si Harley, wala pa."

Nag-indian sit si Frankie sa kaparehon sofa ngunit mayroong safe space sa kanila. Binuksan niya ang TV at naghanap ng mapanonood.

"Eh, ikaw? Meron ka?" tanong ni Reid.

Lumingon si Frankie at mahinang natawa. "Wala! Dalawang taon na rin akong single simula noong mag-break kami ng ex ko. After niya, hindi na muna ako naging interesado. Puro lang talking stage, pero hindi na nasusundan."

"Nag-focus ka lang muna sa pag-aaral?"

"Oo rin," napaisip si Frankie. "Saka sa pag-fan girl sa 'yo," aniya at humagikgik. "Happy birthday ulit. Sorry, wala akong cake ngayon. Hindi talaga kinaya, eh. S-Saka hindi ako nakapaghanap ng gagawa."

Stay Close, Please GoWhere stories live. Discover now