Chapter 11

794 23 5
                                    

“Totoo ba yung sinabi mo kanina or eme-eme mo lang ‘yon?” tanong ko habang kinakabit ang seatbelt.

Hindi naman sa addict ako sa kiss pero si Primo na ‘yon. Yung crush ko ng ilang taon! And the fact that he looks like the young Henry Cavill is already enough para magkandarapa ako sakanya.

“You will get it once you zipper that loud mouth of yours,” he said and started the engine.

“Scammer ka kaya,” bulalas ko and pout my lips.

“What if ngayon na? Bat pa mamaya eh pwede naman ngayon!” dagdag ko pa.

He let out a heavy sigh habang nakatingin sa daan. Mukhang pagod na ata siya sa pangungulit ko.

This will be our second kiss and I just want to grab this opportunity. Ngayon pa kayang sa mismong bibig niya galing yon.

Okay lang maaddict sa kiss, kaysa naman maaddict sa sha—

We only live once so enjoy-in ko na ‘to. It's a once in a lifetime experience na hindi siya rude saakin.

“Have you eaten?” seryosong tanong niya habang ang mga mata ay nasa daan.

He's driving his car and I don't know where we are going.

“Huwag mong ibahin ang topic, Primo.”

“Just answer my question, Lopez.” aniya habang nakakunot ang noo nito.

“Yes,” pagsisinungaling ko.

Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakain. I had brunch and was planning to eat dinner in the party. Unfortunately, hindi naman ako nakakain dahil atat akong makalayo sa mga kasama ko sa table kanina.

“Really?”

It seems like may alam ito. Hindi kaya kanina pa siya nasa party? I'm unaware of my surroundings that time dahil puro sa cellphone ako nakatingin.

“Oo nga, kulit mo na—” Hindi pa man ako tapos magsalita ng panibagong kasinungalingan ay tumunog na ang tiyan ko.

“Right. Nakakain ka nga.” sarkastiko nitong saad.

“Hindi naman ako gutom,” mahina kong sabi.

“You are,” pakikipagtalo niya.

I rolled my eyes while looking at him. Hindi naman ito tumingin saakin. Seryoso itong nakatingin sa harapan habang nakahawak sa steering wheel. Ang isang siko naman nito ay nakasandal sa bintana.

Nakakunot din ang noo habang diretso ang tingin. He's annoyed.

“Saan tayo pupunta?”

“We'll eat first then I'll send you home.”

“Ayokong umuwi,” Ani ko sabay buntong hininga.

“Why?” he asked.

“My parents is probably mad at me because of what I did to Angela.” Ani ko habang nakatingin sa labas ng kotse. Tanging mga ilaw lang galing sa mga establishment at mga sasakyan ang makikita.

“Fix your hair,” utos niya.

He's really good at changing topics.

He's oblivious that I'll receive harsh words from my parents. Ang phone ko ay kanina pa umiilaw na hindi ko pinansin. I put it into silent because I know they will call me for what I did. Hindi naman ako kakampihan ng mga ‘yon.

I'm just here para maging palamuti ng pamilya. To show those people that they're the ideal parents, even though sobrang layo sa reyalidad.

I fixed my hair dahil sinamaan ako nito ng tingin. Aware ata na iniisip ko ang sasabihin ng parents ko. Since I was a child, I was surrounded by people who kept on gaslighting me na kaya raw ako pinagsasabihan dahil mahal nila ako.

Her Desperate ChoiceWhere stories live. Discover now