RAPE SLAVERY MASSACRE: FINALE

10.4K 109 12
                                    

Kabadong tinahak ni Melanie ang kalsada kung saan napakarami nang mga kababaihan ang nasabing na-rape at pinatay.

Pinagpapawisan sya ng mainit. Parang iba ang pakiramdam nya, at uhaw na uhaw. Natabunan ng mga ulap ang maliwanag na sikat ng buwan kaya't lalong dumilim.

Sa 'di kalayuan nama'y nag-aabang na naman ang tatlo at hindi na naman sila mabibigo ng gabing 'yun dahil natanaw nila ang isang pigura nang babae na naglalakad mag isa. Nasabik silang hinintay ito.

Nahawi na naman ang mga ulap sa buwan at lumatag ang liwanag. Ang nararamdamang init sa katawan ni Melanie ay biglang parang lalabas sa kanyang katawan. Unti-unting nagbago ang itsura n'ya at tinutubuan ng malagong buhok sa mga braso. Nag mistulang halimaw ang kanyang itsura, at tumutulo ang laway na naghanap nang mabibiktima.

Sina Jonel, Ivan, at Roj ay nainip na sa paghihintay kaya't sinalubong na nila ang babae. Hinanap at nagpalinga-linga ang mga ito. Ngunit hindi nila ito makita.

Nang may biglang tumalon sa tatlong lalaki. Sa isang iglap kaharap na nila ang isang halimaw na ni sa panaginip ay hindi nila akalaing may ganitong nilalang. Ang kanina kasamaang naghahari sa pagkatao nina Ivan ay dagling naglaho. Napalitan iyon nang takot, at kaba. Isa-isa silang nagpulasan. Kanya-kanyang takbo. Subalit hindi nakaligtas si Jonel. Nahagilap agad nang kamay nitong napakalaki ang katawan nang huli. Marahas nitong hinila iyon at sinakmal ang leeg. Niluray nito ang katawan ng biktima. Naputol ang malakas na sigaw nito nang tuluyang winasak ang bibig saka isinubo ang kalahati ng ulo at kinain. Dinukot pa nito ang puso ni Jonel saka ini-itsa sa hangin at sinambot ng bibig din nito. Sumingasing pa nang malakas bago nawala sa dilim.

Patuloy naman ang pagtakbo ng mabilis nina Ivan at Roj. Parang anumang sandali'y aabutin na sila ng malagim na kamatayan. Paghingi ng tawad at pagtawag sa panginoon ang ginawa nila. Umusal nang taimtim na dasal na sana'y hindi totoo ang lahat. Na sana'y isang bangungot lang iyon na na pwede pang magising sa reyalidad. Subalit hindi! Iyon na ang kabayaran sa lahat ng kanilang kasalanan. Bukal sa puson tinanggap na lamang nina Ivan at Roj ang kanilang malagim na kamatayan. Sa huling sandali, humingi pa rin sila ng kapatawaran sa Diyos. At kung anumang buhay ang kahinatnan nila pagkatapos ng kamatayan ay tatanggapin nila ng walang pag aalinlangan.

" Kathleen!!! " Pagsigaw ni Shayra sa anak. Nag alala na sila dito kung bakit hindi pa rin umuuwi ay pasado alas dyes na nang gabi. Nagdisisyon silang mag asawa na sunduin ito, at isang karima-rimalim na tanawin ang kanilang nakita, nang matagpuan nila ito ilang dipa ang layo sa bahay nila. Agad na binuhat nang daddy niya ang dalaga, at iniuwi sa bahay. Mukhang nahulaan na nila kung anong nangyari dito. Base na din sa dalawang katawan ng biktama na nasa tabi nito. Kulapol ang dugo, at wasak ang damit ng dalaga. Lumukob ang takot sa mag asawa. Agarang binihisan nila ito at nilinisan. Itinapon nila ang mga damit nito. Sa isip ng mga ito'y naganap na nga ang sumpa nang nanay ni Shayra sa kanilang anak na dalaga.

~ ~

Nagdiwang naman ang mga babaylan dahil natupad na ang kanilang sumpa. Saka sabay-sabay silang naghalakhakan sa gitna nang pagdiriwang....

>>THE END<<<

Thanks for reading!

RAPE SLAVERY MASSACREWhere stories live. Discover now