RAPE SLAVERY MASSACRE: Chapter 2

14.7K 110 1
                                    

Warning :

This story is not to minor! Guidance is recommended!


'' Ouch! kainis naman, oh! Kung hindi ko lang kailangan nang overtime payment, tatanggihan ko 'to talaga kay Ma'am! Laging last minute, eh! '' Ani Kathleen sa sarili. Nakanto kase ang hinliliit n'yang daliri sa paa sa metal lalagyan nang shoes and slippers sa bodega.

Inabot na s'ya nang alas nuebe nang gabi. Malapit na rin naman s'yang matapos kaya pinagtyagaan na lang n'ya. Kesa ipagpabukas pa n'ya ang pag-inventory sa mga ito. Kinukwenta din nya ang oras nang over time n'ya nang araw na 'yun, nasa five hours din, 'di na masama pag naipon ito.

Ilang sandali pa'y, nakatapos na din s'ya. Medyo ilan nalang ang mga kasamahan n'ya na nandoon pa. Inihatid na muna ng dalaga ang inventory list nang stock sa kanilang supervisor na si Ma'am Loisa. Kumatok muna s'ya, bago pumasok. Nakatungo ito, at abala sa paper works. Hindi man lang ito nag-abala na tumigil para sulyapan s'ya. Palibhasa'y sanay na si Kathleen dito, ipinatong nalang n'ya ang dalang papers sa table, at lumabas na din na 'di na nagpapaalam.

Gumayak na s'ya sa pag-uwi. Masyado nang malalim ang gabi. Alas nuebe na 'yun at halos wala nang masasakyan ang dalaga.

'' huh, pa'nu 'to, wala nang tricycle...?! Sermon na naman ako nito kay Nanay! '' Asar na wika niya sa isip.

Malapit lang naman ang bahay nila d'un, mga limang kanto lang at barangay na nila. Yun nga lang, napakadilim nang kalsadang paglalakaran niya. kung bakit kase sa tuwing maglalagay nang street light d'un eh, laging binabato nang mga tambay na tagadun din sa kanila. Kaya siguro nagsawa nang maglagay nang bombilya ang kapitan nila, wala din namang mangyari, 'di din mahuli kung sino ang gumagawa nang gan'un kaya hinayaan na lang na walang ilaw.

''Miss, wala nang dadaan n'yang tricycle. Alas dyes na, oh! '' Sita sa kanya nang guard nang mall paglapit.

''Ah ok lang manong, malapit lang naman ang bahay namin dito, siguro maglakad na lang po ako. '' Sagot naman niya. Kahit may agam-agam sa sarili. Dahil sa mga sinabi nang ina n'ya kaninang umaga sa kanya. Pero pinalakas n'ya ang loob at inisip na lamang walang mangyayari sa kanyang masama. Sinimulan na n'yang tahakin ang kalsada. Isang tango naman ang iginanti ng guard bago siya ganap na lumisan. May mangilan-ngilan pang tao sa vacinity nang mall na nadadaanan n'ya.

Sa bahay. . . .

'' Bakit wala pa kaya ang batang 'yun? Sinabi ko nang 'wag magpapagabi masyado..! '' Si Aling Meloiza. Kanina pa 'di mapakali. Paroo't parito ang kanyang ginagawa sa harapang bahay nila. Quarter to eleven na kase ng gabi at n'un lang nangyari na wala pa ang anak nang gan'un oras.

. . . . . . . . . . . . . . . . . .

Sa hang out place naman nina Roj, nagkakasiyahan na sila dahil tumataas na ang epekto nang alak na iniinum nila. Kasabay pa ang pag-hits nang shabu, at yosi. Napakalakas din nang sounds nila na parang wala nang bukas ang sa mga ito.

'' Jonel, tara na! Kulang ang saya pag wala man lang tayong mapaglaruan dito. Alam mo namang ayoko nang nagsasarili! '' Wika ni Ivan dito sa malakas na tono.

''Ano, Roj sama ka, o dito kana muna? Ayusin mo muna 'tong lugar natin. Yung kama ihanda mo na sa kwarto! Kami na muna ang mangha-hunting. Tamang-tama 'to, alas onse na! '' Pagkausap naman ni Jonel kay Roj. Nag-thumbs up lang ang huli at

lumabas na din sina Ivan at Jonel nang bahay para sumakay sa kotse.

Ilang sandali pa'y papunta na ang mga ito sa kanilang dating pwesto tuwing may bibiktimahin ang barkada.

Itutuloy. . .

RAPE SLAVERY MASSACREWhere stories live. Discover now