RAPE SLAVERY MASSACRE: Chapter 9

9.6K 77 0
                                    

'' Ruel, kaarawan na nang anak natin bukas, at natatakot ako sa maaring mangyari sa kanya! '' ani Shayra sa asawa, magkatabi sila sa kama at nag-uusap.

'' Ipanatag mo, mahal ang loob mo! Kung ano man ang kasapitan nang anak natin, sikapin nating ilihim 'yun, nang sa gayon, makapamuhay pa din s'ya nang normal tulad natin. Kung bakit kase hindi na lang tayo ang sinumpa nang Nanay mo, kundi ang anak pa natin! '' Wika naman ni Ruel sa kabiyak. Puno nang agam-agam ang isip niya tulad ng asawa. May takot sa maaring maganap sa anak nila. Ngunit wala naman na silang pagpipilian. Ito ang parusang ipinataw kay Shayra matapos niyang talikuran ang kanyang angkan na mga babaylan.

~ ~

Umaga. . . .

'' Nay ' sige po pasok na ako.... '' Paalam ni Melanie sa ina habang nasa kusina ito at nagtitimpla ng coffee para sa ama ni Melanie. May halik pa itong kasama para sa ina.

'' Hep! Nak' si tatay pa walang kiss daw, oh! nagtatampo... '' Si Shayra sa anak na nangingiti.

Tumigil sa pagbabasa nang dyaryo sa Ruel at tumingin sa anak na noo'y palapit na sa kanya at nakangiti rin tulad ng ina nito. Kunwari'y 'di n'ya ito pansin. Pero napangiti na din siya nang yakapin snang anak sa likuran at halikan sabay bulong nang, '' Tay' I love you! '' daw sabi ni nanay. Napahagalpak naman nang tawa si Ruel sa anak, tulad n'ya'y mabiro din ito. Kumaway nalang sa anak siya na papalabas na nang kanilang bahay.

Agad namang humabol si Shayra sa anak para sabihan na umuwi nang maaga kase may surprise sila para dito. Na-excite naman si Melanie, kaya nangako sa ina na uuwi nang maaga ito.

~ ~

Sa school. . . .

''Tsk! Tsk! Bakit ba nalimutan ko 'to kanina? Nalibang na kase akong manood nang voley ball nina Cindy, 'di ko namalayan, 8:30pm na pala, naku po! Patay... Close na ang library, waaah!

Pa'nu 'to? Bukas wala ako assignment, haist! 1st subject pa naman namin 'to, hmmmp! Agahan ko na nga lang pumasok para makagawa paPa'nu 'to? Bukas wala ako assignment, haist! 1st subject pa naman namin 'to, hmmmp! Agahan ko na nga lang pumasok para makagawa ako, makauwi na lang! Hala nalimutan ko rin pala birthday ko ngayon! Pinapauwi ako ni Nanay nang maaga!!! '' Pagkausap ni Melanie sa sarili. At mabilis na n'yang tinungo ang hagdan pababa ng gusali ng paaralan nila. Ilan na lang ang mga studyante sa hallway na dinaanan n'ya at masyadong napakatahimik. Halos ang hakbang na lang n'ya ang naririnig n'ya at nararamdaman n'yang may mga matang nakatingin sa kanya, ngunit tuwing lilingunin naman nya'y wala s'yang makita. '' Anu ba 'to, parang kakaiba ang nararamdaman ko ah, Tsss! kailangan kong magmadali! '' Aniya. Paglabas nang campus school nila ay wala nang mga sasakyan sa paradahan at parang napakadilim na din. Tanging ang bilog na buwan ang tumatanglaw sa kalsadang kanyang natatanaw.

''Tsss, alas nuebe na! Oh my God! bakit ang bilis nang oras... Anu 'to bakit ang init nang pakiramdam ko? Pinapawisan ako nang maige ah... huh! Anu yun? May nagsisigawan. Nasaan? Wala naman ah? Ano ba 'yung mga naririnig ko... parang naghahagikhikan sila... Saan ba 'yun? '' Patuloy pa niyang wika. Nagtataka't nag aalala siya kung ano ang nararamdaman niya.

~ ~

Samantala sa isang tagong mansion sa kagubatan nang isla Sarifa nagdiriwang ang mga kasamahang babaylan nang ina ni Shayra. Pumapaikot sila sa rebultong kawangis nang isang diablo. Nagsisipag-awitan nang 'di mawawaang kanta, at pumapa-ilan-lang 'yun kasama nang nagliliyab na apoy na kanilang nagsisilbing liwanag. Nasa pinaka-ilalim sila nang tagong basement nang mansion na iyon.

Itutuloy. . . . . . . . .

RAPE SLAVERY MASSACREWhere stories live. Discover now