Matapos kong makita at malaman ang lahat ay napatanong ako sa aking sarili. Makakaya ko bang kamuhian ang babaeng hindi naman ginusto ang lahat ng pangyayari? Paano ko pa maipaghihiganti ang aking mga magulang? Napayakap na rin ako ng mahigpit sa kaniya. Ang sakit sakit! I badly want to be with my parents. Sana ay nakasama ko pa sila ng matagal. At habang nakapaloob ako sa bisig ni Tita Amara ay para ko na din nayayakap ang aking ama.



Ito na ba ang sign? Ang patawarin ko siya kahit pa siya ang dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang? Napatawad ko nga si Akira at Tito Joseph. Kaya ko rin siyang patawarin. She was my aunt after all. Nararamdaman ko rin ngayon ang pagmamahal niya sa akin bilang kaniyang pamangkin.



"Patawarin mo ako Jennifer. Kung buhay ko ang kapalit ng iyong kapatawaran ay ibibigay ko iyon ngunit hayaan mo sana akong makausap ko at makasama ko hanggang sa paglitaw ng araw ang lalaking nasa likuran mo," mahinang pakiusap niya.



Kumalas ako sa kaniyang pagkakayakap at tumingin ako sa kaniyang mga mata. Kanina pa pala nahawi ang kadiliman sa langit. Maliwanag na ang paligid dahil sa mga butuin na nagkalat sa kalangitan at sa kalahating buwan na matatanaw sa gitna ng mga ito.



Sa unang subok ko ay mahirap man ngunit sa huli ay tuluyan na akong ngumiti sa kaniya. "Hindi na po kailangan. Pinapatawad ko na po kayo, Tita Amara," saad ko. Mas lalo yata akong naluha ng masambit ko ang mga katagang iyon kasabay ng paggaan ng aking kalooban.



"Clara?" Napa-angat ng tingin si Tita Amara sa pigura ni Ate na ngayon ay nakatayo sa gilid ko. Ganoon din ang ginawa ko. Masama ang hilatsa ng kaniyang mukha. Balak niya pa rin bang ipagpatuloy ang paghihiganti niya kay Tita Amara? Handa na sana akong pigilan siya ngunit naunahan ako ng kaniyang pagsalita.



"Hindi kita mapapatawad!" Madidiin ang mga salitang binitiwan ni Ate.



"Bakit naman Ate?" Nagtataka kong tanong. Ganoon na ba talaga ang pagkamuhi ni Ate kay Tita? Hindi na ba niya ito mapapatawad pa?



"Buti pa sa'yo kumalma siya at bumalik sa pagiging normal habang noong ako iyong kaharap niya ay halos patayin na niya ako! Napaka-unfair!" Parang bata na pagmamaktol ni Ate. Napailing-iling ako habang natatawa dahil sa kaniyang inaasta.



Napatawa si Tita Amara na ikinaseryoso namin. Ngayon ang unang beses na makikita namin ang pagtawa niya. Nakakapanibago ngunit napakasarap sa pakiramdam na marinig iyon mula sa kaniya.



"Huwag kang mag-alala Clara dahil hindi naman si Jennifer ang nakapagpabalik sa akin kundi ang gwapong lalaki na iyon," pabulong na saad ni Tita kay Ate. Ang tinutukoy niya ay ang lobo na kanina pa ay nakatayo sa likod ko. Napatingin si Ate sa kulay abo na lobo sa aming likuran. Nakatingin pa rin ito sa amin. O baka kay Tita Amara lamang.



Sino ba ang lalaking ito? Nobyo ba ito ni Tita? Because they act like one.



"I LOVE you, Clara!" Malakas na sigaw ni Vince. Napatakip ako ng aking tainga. Kasalukuyan na kaming naglalakad. Hindi namin alam kung saan kami pupunta. Ang alam lang namin ay gusto naming pumunta sa isang tahimik na lugar na kami lamang dalawa.



Gusto naming magpahinga mula sa nakakapagod na nangyari ngayong gabi. Medyo maliwanag na dahil madaling araw na ng mga oras na ito. Magulo ang buong lugar at madaming taong-lobo ang nasaktan at nadamay. Mabuti na lamang at ni isa ay walang namatay. Alam kong kahit nasa ganoong katauhan pa si Tita Amara ay pinipilit niyang pigilan na makapatay muli ng iba.



Napapansin ko iyon noong nakikipaglaban siya sa akin. Bagaman ay halos mapatay na niya ako ay may mga sandali na nakatingin lamang siya sa akin at iyong mga tingin na iyon ay parang inaalala niya kung sino ako. Pinapatawad ko na siya. Sadyang may mga bagay talagang nangyayari. Mga pangyayaring masakit na sa huli ay nagiging daan upang magbukas ng paninagong pinto patungo sa panghabang-buhay na kasiyahan. At ang kasiyahan na iyon ay si Vincent.



"I love you, Clara!" Muling sigaw ni Vince. Argh! Ang kulit-kulit talaga ng isang 'to. Ang sarap tapalan ng tape sa kaniyang bibig. Hindi niya ba alam na kinikilig na ako ng sobra dito dahil sa ginagawa niya?



"Pwede ba tumahimik ka?!" Kunwari ay naiinis kong saad sa kaniya ng huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.



"Hindi ako titigil hanggat wala akong natatanggap na tugon mula sa iyo," Nakangisi niyang saad at saka mabilis siyang naglakad palapit sa akin.



"I love you, Clara," masuyo niyang saad sa akin habang nakatitig siya sa mga mata ko. Tuluyan na akong sumuko sa kaniya. Napangiti na rin ako at hinawakan ko ang magkabila niyang mga pisngi.



Pinagdikit ko ang aming mga ilong. "I love you too, Vince," saad ko na mas lalong ikinalawak ng kaniyang ngiti. He then passionately kissed me kasabay ng pagsilip ng araw sa langit. This was somehow the perfect moment of us. No doubts, revenge, and pain for the both of us.



Ang kaso ay may problema pa rin kami. Paano namin masusulosyunan ang tungkol sa pagkakaroon ng mate bond ni Vince sa isang babaeng taong-lobo na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikilala.



"ITO na yata ang pinakamagandang gabi para sa akin!" masayang saad ko kay Akira habang nakatanaw ako sa malayo.



"Masaya ako na naging maayos ang lahat," saad naman ni Akira. Nang humarap ako sa kaniya ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin.



Hinawakan niya ang aking pisngi. Hinaplos niya iyon kasabay ng pagdikit ng kaniyang noo sa akin. I can almost smell his fresh breath and I love how it feels on my face.



"Thank you for taking this long journey with me," saad ko pa. He just smiled at me. At walang sabi-sabing inilapat niya ang kaniyang labi sa akin. His mouth tasting every part of my lips.



Para akong nalalasing sa paraan ng kaniyang paghalik. Para akong idinuduyan sa sarap na aking nararamdaman. Hindi ko akalain na darating ang ganitong pagkakataon. Ang akala ko ay magtatapos ang lahat sa paghihiganti na ninanais ko. Ngunit may mas maganda pa pala bukod doon, ang pagpapatawad. I like this feeling. Iyong hindi ako nag-iisip ng masama sa kapwa ko. Iyong wala akong itinatanim na galit para sa iba. At 'yong napatawad ko na ang lahat ng taong nagkasala sa akin na at the same time ay mahahalaga sa akin.



Sa muling pagsikat ng haring araw ay panibagong bukas ang naghihintay sa amin. Hindi na ako makapaghintay na magpatuloy pa sa bagong bukas na iyon kasama ang mga mahal ko sa aking buhay, lalong-lalo na si Akira.



Mama, Papa. Sana ay masaya kayo sa kung saan man kayo naroroon. Napatawad ko na si Tita Amara. Alam kong iyon din ang mas gugustuhin niyo para sa akin, para sa amin ni Ate. And I finally found the love of my life. Sana napatawad niyo na po siya sa nagawa niya sa inyo. Noong una, talagang nahirapan ako sa pag-iisip kung paano ko mapapatawad ang taong pumaslang sa inyo. Wala talaga akong ideya kung paano ko gagawin iyon. Ngunit natutunan ko na kapag nagmamahal, dapat ay nagpapatawad din.



Mahal na mahal ko po si Akira. Siya ang pangpakalma ng matigas at mainitin kong ulo. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko ay parang kakayanin ko ang kahit anong pagsubok na dadating sa buhay ko. Kapag kausap ko siya, sumasaya ang araw ko kahit gaano pa kasama iyon. Kapag nakikita ko siya ay nakikita ko ang hinaharap naming dalawa na magkasama at maligayang namumuhay kasama ang aming magiging mga anak. He was tall, handsome, caring, laging pilyo at hobby niya yata ang paintin ang ulo ko. Mapagbiro rin po siya to the point na gusto ko na siyang sakalin dahil sa mga biro niya. Magaling po siyang magluto ng sunog na pagkain. At higit sa lahat ay mahal na mahal niya ako.



He was an Alpha. And didn't expect that I would be Fated to Alpha.

Before Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now