Kabanata XIII

39 11 0
                                    

TULALA akong bumalik sa tahanan nila Kuya Vince. Sumalubong agad sa akin si Ate na nagsimulang mag-alala nang makita niya ang aking tuloy-tuloy na pagluha. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at sinalubong niya ang aking mga mata.

“Anong nangyari?” May bahid ng pag-aalalang tanong sa akin ni Ate Clara.

Mapait na napangiti ako. “Nakita ko siya ulit. Buhay siya,” saad ko.

“Bakit hindi mo siya kasama? At bakit ka umiiyak? Tears of joy ba iyan?” pag-uusisa pa ni Ate.

Tumalikod ako kay Ate at sumandal sa haligi ng bahay nila Kuya Vince sa may labas. Tumingin ako sa malayo. I’m glad that he’s still alive and fine. Ngunit parang isang estranghero na lamang siya sa akin. Hindi ko siya magawang mayakap o mahawakan man lamang. Tila sa ikalawang buhay niya ay tinanggalan na niya ako ng karapatan na pumasok muli sa kaniyang buhay. Hindi ko siya masisisi.

“He acts like a total stranger to me, earlier in the marketplace,” saad ko.

“Huwag kang mag-alala dadating din ang araw na mapapatawad ka niya. Nararamdaman kong mahal na mahal ka ni Akira,” pag-aalo sa akin ni Ate.

Napatingin kami ni Ate Clara kay Kuya Vince nang bigla siyang nagsalita. “Hindi siya galit sa’yo. May amnesia ang alpha mo,” pagsasaad niya. Nahigit ko ang aking hininga at nasundan iyon ng malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Biglang nagliwanag ang aking mukha nang marinig ko ang mga salitang sinabi ni Kuya Vince. May sapat naman pala na dahilan kung bakit ganoon nalang ang naging kilos ni Akira kanina sa mismong harapan ko.

“Ngunit paanong nabuhay siyang muli?” Nagtatakang tanong ko. Immortal nga kaya ang aming lahi?

“Diyan pumapasok ang napakahalagang gampanin ng aming mate sa aming buhay. Nang mamatay si Akira ay naramdaman iyon ng kaniyang mate at dinala siya ng kaniyang sariling mga paa sa kinaroroonan ng katawan ni Akira. Gamit ang kaniyang laway ay makakaya niyang paghilumin ang sugat na natamo ni Akira at isang halik para sa isang panibagong buhay. Ngunit isang beses lang niya iyon magagawa kay Akira upang buhaying muli ito. Sa ikalawang buhay ni Akira ay inaasahan ng makakalimutan niya ang lahat ng pangyayari sa kaniyang naging nakaraan na buhay. At ang nakita mong babae na kasama ni Akira ay si Dani, ang kaniyang mate at ang kasalukuyan na magiging Luna natin,” mahabang paliwanag ni Kuya Vince.

Natagpuan na rin niya ang kaniyang mate. Napakaganda ni Dani at ang masasabi ko ay hindi sila bagay para sa isa’t-isa. Mahal ko si Akira at hindi ko kayang ipaubaya na lamang siya sa iba. Ngayong buhay siyang muli, hindi na ako papayag na mawala siyang muli sa akin. Babawi ako sa napakalaking kasalanan na nagawa ko sa kaniya. At handa akong kalabanin ang tadhana, makuha ko lamang ulit siya.

“Bakit mukhang mas masaya ka pa? Hindi ka man lang ba malulungkot dahil nahanap na ni Akira ang kaniyang tunay na mate?” Nagtatakang puna sa akin ni Ate. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa naging reaksyon ko.

“That was just a mate thing and what we had was the real thing. It happens without reason and that’s what true love is,” proud na saad ko.

Pagkatapos ay bumaling naman ako kay Kuya Vince, “And by the way, Kuya Vince maaari mo bang ituro ang lahat ng lugar sa akin na maaaring puntahan ni Akira?” saad ko.

I LEARNED that Akira was now the Alpha of our race at si Dani ang kaniyang natatanging Luna. Masakit isipin na ang taong pinakamamahal mo ay itinadhana na sa iba. Minsan, napapatanong ako sa aking sarili? May chance ba ako na magawa kong baligtarin ang tadhana naming dalawa?

“Andiyan na ang Alpha! Magsi-ayos na kayo ng hanay!” Biglaang sigaw ng isa sa mga commander sa amin. Kaagad akong tumindig ng ayos at humanay sa mga kapwa ko na bagong salta lamang dito sa hukbo ng mga mandirigma.

Itinagilid ko ang aking ulo upang makita ang pagdating ni Akira. Nakasuot siya ng putting t-shirt at isang simpleng maong na pantalon. Ngayon ko lang din napansin na nagpagupit na pala siya ng buhok. Hindi ko kaagad iyon napansin noong una kaming magkita dito sa underworld. I was stunned that time to the fact that he’s alive and he’s in front of me but acting like a total stranger kaya naman hindi ko na nagawa pang mapansin ang mga pagbabago sa kaniyang hitsura. Mas lalong naka-gwapo sa kaniyang ang bagong hitsura ng kaniyang buhok. He totally looks like a mature man.

“Commander, nagbigay ba kayo ng command sa kanila na maaari silang gumalaw at ipilig ang kanilang ulo?” Malakas na tanong ni Akira sa Commander namin na katabi niya. Napagtanto kong nakatingin sa akin si Akira habang sinasambit niya ang mga katagang iyon. Naku! Lagot!

Ngunit bago pa ako umayos ay may naisip akong kapilyahan. Binigyan ko siya ng isang flying kiss na sinundan ko ng isang mabilisang kindat. Nakita ko kung paano manglaki ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa ko. Natatawa ako habang ibinabalik ko sa nararapat na pwesto ang aking ulo.

“Kung naririto ka lamang para tumawa ay maaari ka ng umalis din!” May pagkagigil na saad ni Akira na ngayon ay nasa tabi ko na.

Hindi ko siya nilingon. Pinilit kong pigilan ang aking pagtawa. Isineryoso ko ang aking mukha at tumitig ako sa batok ng lalaking nasa unahan ko. Pagkatapos ay itinuwid kong maigi ang aking likod. Butt in, chest out, tiger look.

Maya-maya ay naramdaman kong iniwan na ni Akira ang tabi ko at nagtungong muli siya sa unahan upang turuan kami ng basic punching at side kicking. Lahat ng tinuturo niya ngayon ay alam ko na dahil nagawa na itong maituro sa akin ni Kuya Vince noong training ko. Kahit hindi ko masyadong nakikita si Akira sa unahan at napaka-boring ng ginagawa namin ngayon ay sulit naman ang lahat. Ang mahalaga ay nakakasama ko siya at napansin niya ang presensya ko kanina.

Nang hingiin ko ang schedule ni Akira kay Kuya Vince noong nakaraang araw ay kaagaad naman niya iyong ibinigay sa akin. Ang balak ko talaga ay sumulpot sa lahat ng lugar na pupuntahan niya upang magpapansin sa kaniya. Iyon na lang ang naiisip kong tanging paraan upang bumalik ang kaniyang ala-ala na walang kasiguraduhan kung mangyayari nga ba iyon. Mukhang magtatagal kami ni Ate sa lugar na ito. Ipagpapaliban ko muna kasi ang paghahanap kay Amara. Ang mas importante ngayon ay makuha kong muli si Akira habang maaga pa.

“ANG maipapayo ko sa’yo ay itigil mo na yang ginagawa mo,” I heard Akira’s voice from my back. Itinigil ko ang aking ginagawa at humarap sa kaniya. He was about to give me heavy punch straight to my face ngunit kaagad kong nailagan iyon. Itinagilid ko ang aking katawan at kasunod niyon ay nagbitaw ako ng isang suntok patungo sa gilid ng kaniyang mukha. Sapol!

Napasapo siya sa kaniyang pisngi nang tumama iyon. Walang nakakapansin sa nangyayari sa pagitan naming dalawa dahil abala ang lahat sa pagbitaw ng sipa at suntok sa hangin. Pinagkrus ko ang aking mga braso habang nakatingin sa kaniya ng may ngiti sa aking mga labi.

“Ang maipapayo ko sa’yo ay huwag mo akong hahamunin sa isang one on one suntukan,” I told him, mimicking his voice earlier.

“Sino ka para pagsalitaan mo ng ganyan ang iyong Alpha?” Napipikon na saad niya. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay parang sinusumpa na niya ako sa kaniyang isipan.

He came from a sweet and lover boy Akira back then at ngayon ay nagbago na siya patungo sa isang Akira na galit na galit sa presensya ng kaniyang nakalimutan na girlfriend. It hurts being treated just a somebody by him ngunit ‘yong pagsusungit niya sa akin, I love this side of him.

“Bye!” tanging tinugon ko sa kaniya na mas lalong ikinalukot ng kaniyang mukha. Tumalikod na ako sa kaniya and I waved him a goodbye like a participant in miss universe.

“Ikaw, bumalik ka dito!” I heard him shouted. Doon nabaling ang tingin ng lahat sa aming dalawa. Ngunit pinagpatuloy ko lamang ang paglalakad ko palayo sa kaniya at palabas sa kampo.

Nang tuluyan na akong makalabas ay sumalubong muli sa akin ang nagtataasang puno ng mahogany. Sa gitna ng mga ito ay makikita ang isang napakahaba at napakakitid na pathway na dadalhin ka pabalik sa siyudad. Nilalakad ko lamang iyon. Hindi ako pwedeng mag-transform sa pagiging lobo sapagkat hindi ordinaryo ang hitsura ng aking lobo.

“IKAW na naman!” Iritadong saad ni Akira sa akin ng magkasabay ang aming sinasakyang kabayo. Kami lang dalawa ang naandito sa may tabing-dagat habang nangangabayo. Mga ilang minuto na lang at lulubog na rin ang araw sa mga oras na ito.

“Bakit ayaw mo bang nakikita ang kagandahan ko?” pang-aasar ko sa kaniya. Nakahinto na ang aming mga kabayo.

“Pwede bang tigilan mo na ako! Ayokong makarating sa ating Luna na may babaeng patay na patay sa akin at umaaligid kung saan man ako magpupunta,” matigas na saad niya habang matalim ang pagkakatitig sa akin.

Eh, kung gawin kong frog ‘yong Luna niya! Para malaman niya wala akong pake kung malalaman ng Luna niya ang ginagawa ko. Hindi matatakot ang isang hybrid na katulad ko sa isang Luna lang.

“Whatever!” Inis na saad ko. I rolled my eyes at him at pinatakbo ko ng muli ang aking kabayo palayo sa pwesto namin kanina. Ayoko muna siyang makita. Edi doon na siya sa Luna niya!

Dapat inintindi ko ang sitwasyon niya. May amnesia siya at inaakala niya na iyong nakatadhanang Dani ang mahal niya. Ngunit hindi ko mapigilan ang mainis. I was really jealous of that girl! Kapag bumalik talaga ang ala-ala ng lalaking ito, hindi ko siya papansinin.

“Huwag mo akong sundan!” singhal ko kay Akira nang marinig ko mula sa likod ko ang maiingay na yapak ng kaniyang kabayo.

“Hindi kita sinusundan! Ikaw lang ba ang pwedeng magtungo sa ganitong direksyon?” saad niya. Maya-maya ay pumantay na sa akin ang kaniyang kabayo.

Tumingin ako sa kaniya para irapan siyang muli. And then I saw him smile. “Ikaw naman ang galit ngayon?” tanong niya.

Hindi ko siya pinansin. Mas lalo kong pinabilis ang patakbo ng aking kabayo upang mauna na ako sa kaniya. At para inisin akong lalo ay nakipag sabagayan pa rin siya sa akin. I stopped my horse and he also did the same. Anong bang problema ng isa ‘to?

“Pwede ba?!” Nanggigil na singhal ko sa kaniya.

“Pwede bang makita ulit ‘yong tawa mo kagaya ng ginawa mo kahapon?” Biglaang saad niya na nakapagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.

Tila naestatwa ako sa kinapwepwestuhan ko. My heart was beating so fast that I could almost lost my breath. Bumangon sa sistema ko ang matinding excitement dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong meron sa tawa ko kaya gusto niya itong makitang muli ngunit nakakaramdam ako ng kilig at pag-asa na baka unti-unti na niya akong naaalala.

Binigyan ko siya ng isang tunay na ngiti. Hindi man iyon tawa na kagaya noong kahapon pero magkaparehas lang ang emosyon na dinadala nito. Pinakatitigan niya ang aking mukha na parang kinakabisado niya ang bawat detalye.

“Your smile seems familiar in my heart. That’s weird. Hindi naman kita kilala. Wala din naman akong naaalala na pangyayari na nagkita na tayo noon. Well, I remember you from the marketplace pero hindi ka naman noon ngumiti ng ganiyan sa akin. Have we met before?” Seryoso niyang saad.

Napailing-iling ako. “Hindi ka rin naman maniniwala kapag sinagot ko ‘yang tanong mo.”

Iniwan ko na siyang muli. Hindi ko na naramdaman ang pagsunod niya sa akin. Habang nilalandas ko ang baybayin ng dagat pabalik kina Kuya Vince ay masayang pinagmamasdan ko ang tanawin sa aking harapan. This day was somehow the most happy thing that has ever happened in my staying here in this world. Ang bawat paghampas ng hangin sa akin na nagmumula sa dagat ay nagbibigay ng magaan na pakiramdam. Kay sarap ding pakinggan ng tunog ng alon ng dagat. Sa tuwing pumupunta talaga ako sa dagat, hindi talaga ako nagsasawa na purihin ito. This is my favorite spot.

Before Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now