Mahal na mahal ang alagang kambing

"Tss, 'di wag akala mo naman pinipilit eh," ani nito.
Bumaling sa'kin si Ellaine.
"Ylave, sino si Winnie?" Bulong nito sa'kin. Natawa ako sa tanong niya.
"Babae niya? Anong ipapakain ni Hadex sa babae?! OMG!" Nanlalaki ang matang sabi pa nito.

"Sira, si Winnie ay kambing... At saka hindi na yan nambabae—" Tumango ito ngunit nanlaki uli ang mata.

Hindi na nambabae kase na buntis ang ex. Iyon sana sasabihin ko pero hindi ko hinayaan ng babaeng 'to.

Delikado talaga yung ex, grabe bumalik.

Tss, ano naman kaya nasa isip nito.

"Ano? Wag mong sabihing..." Sumulyap pa ito kay Hadex na may kausap na kakilala bago uli bumaling sa'kin. "B-bakla si Hadex?"

"Hindi, lalaki yan," Magiging tatay na nga eh!

"Bakit kase walang bebe yan! Sabagay tayo nga wala eh,"

"Oh, bakit ako nakasali?"

"Aba meron ka ba?"

"Sabi ko nga,"

Hindi nag tagal dumating na ang bus na sasakyan ni Ellaine kumaway pa ito sa'min habang papalayo ang bus.

"Tara na," yakag ni Hadex.

"Ge," maikli kong sabi.

Naglalakad kami ng magsalita ito.

"Pupunta ako sa bahay ni Caseydee, Ylave..." Panimula n'ya. Tiningnan ko ito malayo ang tingin na parang bumabagabag sa kanya ang nasa isip niya ngayon.

"I wan't to talk to her again, this time I let her what she wanted... Kung gusto niya na hindi ko siya puntahan... Sege,  ayos lang. Lahat ng ayaw niya, suportahan ko na lang kahit pa gusto kong makita siya at ang anak namin. Gagawin ko ang gusto niya...nasasaktan din kase ako, Ylave eh," He looked down and continued what he was feeling.

"I'm done questioning myself about whether I was doing wrong; that's why it's hard to be part of her or even our child. Bakit ang hirap para sa kanya tanggapin ako ulit? Ano? Gusto niya kanya lng yung bata? Nag pabuntis lang sakin ganon?"

Nakikinig lang ako kanina, pero bakit natatawa ako.

Umalpas ang tawa ko kaya napatingin ito sa'kin.

"Ang saya mo naman, Ylave."

"Baka nga gusto lang niya ng baby. Ikaw hindi kasali,"
Agad itong umalma.

"Ano?! Hindi pwede yun! Akin din iyon! Sperm ko ang ambag ko ro'n. Tapos pag kakait niya?! Nakakainis,"

Gusto niya talaga niya yung anak niya. Bilib rin ako dito Kay Hadex kung sa iba iyon baka tinakbuhan na lang ang responsibilidad pero siya, iba 'to nag demand ng karapatan.

"Tama yan. Wag ka panghinaan ng loob. Kunin mo ang Sayo, Hadex. Ako ninang ha? Alam mo na ba ang gender ng bata?!" Excited ko pang sabi.

"Babae. Babae ang anak ko," I gasp.
Ngumisi ito.

"Tunay!"

"Oo, sinabi sa'kin. Ilang buwan na lang iintayin lalabas na." Ngumiti ito ng malapad.

"May naisip ka na bang pangalan?"

"Oo naman. Wiggle na lang pangalan niya,"

"Teka! teka nga. Anong Wiggle? Pangalan ng anak mo Wiggle?!"
I can't believe this. 

Ang sagwa ng pangalan. Pag ako ang may pangalan nun. Tiyak na iiyak ko iyon.

"Anong masama sa Wiggle? Okay naman ah!"

Impervious to his actionWhere stories live. Discover now