Step 12: Double Date Disaster

88 8 1
                                    

We didn't stop.

It lasted for a few seconds or more I guess. This kiss was so different from before.

It felt good.

What? No! Baliw ka Flare. Lumalandi kana! Tama na.

"Grey." Sabi ko ng kinakabahan nung agad akong lumayo sa kanya.

"Flare." Sabi niya din at ginaya niya yung ekspresyon ko na may halong gulat at hiya.

Hinawakan ko yung bibig ko.

"Kiss lang naman yun diba?" Nasabi ko bigla at kinunwaring parang wala lang.

Lumilipad na elepante! Hayup. Nahalikan ko yung best friend ko! Shit. Shit. Shit.

"Kiss lang?" Sabi niya na di makapaniwala. "Lang?! Ikaw ang unang humalik Flare! Tandaan mo yan!" Parang babae kung makareact tong si Grey!

"Alam ko!"

"Ehh? So may gusto ka nga sakin?"

"Oo.." Di ko alam pero parang hindi tama sa bibig ko eh.

Ngumiti siya.

Ayan na naman yung ngiti niya! Gwapo naman pala siya eh. Ugh! Ano ba to. Minamanyak ko siya sa isipan ko. Joke.

...

"Ahhh! Ang ganda talaga dito sa carnival! This is one of my favourite places!" Sabi ni Grey na kanina pa masaya.

"Lahat naman favourite places mo eh.'" Bulong ko sa sarili.

"Hindi no!"

"Eh ano ang pinaka favorite mo?"

Tumingin muna siya sa paligid niya. Punong-puno ng magagandang rides, mga makukulay na balloons na ibinebenta, mga masasayang mukha ng tao, mga nakakamanghang ilaw, mga masasarap na pagkain at ang musika na nakakasaya ang tugtog.

Puno ang langit ng mga bituin.

"Pinakafavourite ko? Basta ikaw ang kasama ko, kahit saan paborito ko na." Ipinakita niya yung blue braces niya sa kanyang pagngiti.

Namula ako.

"Di ako kikiligin diyan sa banat mo." Seryoso ako.

"Ehh? Isa lang naman talaga paboritong lugar ko eh."

"Ano na naman?"

"Yung puso mo."

Di ko na talaga siya pinansin. Ano ba to? Bakit parang kumakabog yung puso ko? Abnormal na ata yung puso ko ah! Posible kaya?

Posible kaya na magkagusto ako sa kanya?

"Flaaaaare!" Si Red. Suot-suot niya din yung couple shirt na pareho sa design ng shirt namin, pero color red lang nga yung sa kanya.

"Teka nasaan yung boyfriend mo?" Sabi ni Grey. Oo nga?

"Ah! Nag cr yun eh, Uy Grey bakit naka slacks at black shoes ka? Hello! Nasa carnival tayo diba?" Pang-aasar ni Red.

"Longstory." Singit ko sa dalawa.

Naglakad na kami patungo sa food court, doon nadin daw kanina pa sina Red at yung boyfriend niya eh. Ang daming tao. Hmmm ang bango ng mga pagkain! Hehehe

"Shit! Watch were your going!" Sigaw ko sa lalakeng may hawak-hawak na camera. No! Nabasa nung smoothie yung sweatpants ko!

Parang umihi tuloy ako. Shit.

Dont Mess with This Girl.Where stories live. Discover now