"Ang gulo mo! Ayaw mo siya makita tapos ngayon, hahanapin mo? Aba! Nakaka-ewan ka rin, Sara." ani Tia. Napailing naman ako at bumangon na mula sa kama.

"Tara na, almusal na" sabay silang lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko, yung mga barkada ko nalang ang nandoon tsaka si Kuya Ralph.

"Goodmorning!" bati nila except kay Kuya Ralph na busy sa pagtitimpla ng kape.

Namumugto pa ata ang mata ko dahil umiiyak ako kagabi. Shiz. Tinanguan ko lang sila at nagmumog muna bago umupo sa hapag..

Pag-upo ko sa tabi ni Marie, napansin ko si Diego. Hindi dahil gwapo siya kundi dahil may pasa siya sa pisngi at medyo putok rin ang labi niya.

"Anong nangyari diyan?" sabay turo ko sa mukha niya.

"Nakipagsapakan lang naman sa ex mo---"

"Ry!" saway ni Tia sa kay Ryan.

"A-Ano? Totoo ba yun, Diego?" nabitawan ko yung hawak kong tinapay. Bumuntong hininga si Diego bago tumango. Nalaglag naman ang panga ko.

"Bakit kailangan pang umabot sa ganun, ha?" tumayo ako at nilapitan si Diego. Hinawakan ko ang mukha niya. "Ano ba nangyari?" nagpa-panic kong tanong.

"Ayos lang ako. Wala 'to." hinawi niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya. "Tinaboy namin siya at sinabi kong tigilan ka na dahil hindi mo na siya mahal pero sinapak ako. Tss" ngumisi siya bago tumayo.

"I'm fine." sabi niya at pumunta sa kusina. Nang nakaalis siya sa hapag, sabay-sabay na nagtikhiman ang mga barkada ko. Problema? Psh.

"Kailan pa kayo inubo?" inirapan ko sila at lumabas ng bahay. Wala akong pake kung makita ako ng mga private investigators at lecheng bodyguards niya dito! Mabuti iyon! Para makausap ko na siya! Pati ba naman mga kaibigan ko sinasaktan niya? Ganun na ba siya kabrutal? Nagbago na siya?

Hinalungkat ko nalang ang gallery ko sa phone. Puro picture namin ni Zeus. Psh. Hindi na yata siya yung Zeus na boyfriend ko noon. He changed.

*one messege received*

From: unknown number

Sara, it's me. Let's meet. We need to talk.

Paano niya nalaman ang numero ko!? At saan niya naman kami gustong magkita?

To: Unknown number

Saan mo gusto magkita.

Hinintay ko ang sagot niya pero ilang minuto ang lumipas, wala pa ring sagot kaya pumasok na ulit ako sa loob ng bahay para maligo at magbihis. Eto ang gusto niya, sige pagbibigyan ko siya. Para sa ikatatahimik naming dalawa.

"Saan lakad mo?" tanong sakin ni Tia habang nanunood sila ng movie sa sala.

"Diyan lang." sabi ko naman habang lumalapit sa pinto.

"Sama ako!" ani Marie pero tinanggihan ko lang siya.

Hindi parin nagrreply si Zeus sa tanong ko. Baliw talaga.

°°°

"Anong gusto mo pag-usapan." nasa loob kami ng kotse niya malapit sa dagat. Ako na ang bumasag sa katahimikan.

"I just want to say sorry." sabi niya.

"Okay. I forgive you. Yun lang ba?" walang ekspresyon kong sabi. Umiling siya.

"Sara, you promised." giit niya at nilingon ako. "You promised that you'll wait for me at sasalubungin ako ng yakap di ba? Nasaan na yun? Bakit wala akong natanggap na yakap mula sayo? Bakit hindi mo ako hinintay? Bakit sumuko ka kaagad?" naiiyak niyang tanong.

Pumatak na rin ang luha ko. "Hindi ako sumuko. I'm just tired. I want to rest. Dalawang taon ako naghintay at umiyak and this time, I want to rest. Pwede mo ba akong pagbigyan, Zeus?" umiiyak na kami pareho. Gustong-gusto ko siyang yakapin..pero hindi ako makagalaw.

"And after that rest, sisiguraduhin kong handa na ako. Pero Zeus, hindi ako sumuko. Nagpahinga lang ako. Nakakapagod na rin kasi e. Kung sa bagay, wala ka sa posisyon ko kaya hindi mo ako maintindihan." pinunasan ko ang luha ko.

"This time, I'll be the one to wait. I'll wait for you okay?" hinawakan niya ang kamay ko kaya't lalo akong napahagulgol habang tumatango. Niyakap ko siya at ganun din ang ginawa niya. Eto na yung closure na hinahanap mo, Sara. Pero hindi ibig sabihin ng closure na, e isasara mo na rin ang puso mo para sa kanya.

Temporary closure. Parang ganun. Kasi sisiguraduhin ko na pagbukas ko ulit ng pinto, kaya ko ng salubungin ng yakap si Zeus. At sisiguraduhin ko rin na handa na ako para mag-umpisa muli. Handa na akong takbuhin ulit simula sa starting line  and by that time, hindi na ako mapapagod. Kahit malayo pa ang finish line, gagawin ko ang lahat. I'll never stop running if the trophy is happiness. I'll never stop running for love.

"I didn't stop loving you. I love you."

Sa Mata ng mga Pangit (Revising)Where stories live. Discover now