Ang aking kape :)

77 5 6
                                    


Bawat higop ko ng kape, o kay sarap!
Nakakapawi ng pagod at ng hirap.
Kumain ng pandesal ng ako'y gutom,
Sawsaw sa kape na aking iniinom.

Pag ako'y dinalaw na ng isang hikab,
Ang aking kape, siguradong may talab.
Pagmamahal ko sa kanya sobrang sagad,
Pag nasa bahay, kape ang nasa palad.

Bago sumikat ang ating haring araw,
Inom muna ng kape para gumalaw.
Pambuhay ng dugo ng di maging tamad,
Panggising ng utak ng di to lumipad.

Ano nga bang meron sa kape na sangkap?
Na sa paghigop, ito'y napakasarap!
Pero bago ako lubusang maaliw,
Pinakikilala ko ang aking giliw..

KAPE .

"Mga bagay-bagay sa MUNDO"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora