41

456 20 1
                                    

IRENE POV

Nagising ako gabi na, Pagtingin ko sa tabi ko tulog pa naman si kaianna pero si greggy wala na kaya naman agad agad akong bumangon para magtungo sa room namin at maghilamos para pumunta sa kusina.

Late na ako nagising pero alam ko at sigurado akong may dinner na kase kahit naman hindi ako nagluluto andiyan mga angels namin at sila greggy alam naman nila magluto.

8:30 PM

Nagtungo agad ako sa kusina pero wala sila, wala din naman si greggy sa room namin naka nasa garden na naman nagiinom kasama mga boys.

Dali dali naman ako nagtungo sa garden para malaman kung totoo ba iniisip ko at totoo nga, nagiinom na naman sila.

"Kumain na kayo?" I asked bigla sila napatingin sakin gulat na gulat.

"Oh bakit parang gulat na gulat kayo? Umiling naman sila isa isa.

"Kumain na kayo?" Ulit ko

"Oo hon tapos na kami kumain kasama si leah kanina, hindi ka na namin ginising dahil mahimbing tulog niyo ni kaianna. Nagiwan na lang kami ng ulam niyong dalawa nasa kitchen" tumango naman ako pero tumabi muna ako sa tabi ni greggy. Aantayin na lang magising si kaianna para may kasama ako kumain.

"Hon nakailan kanang bote?" I asked kase medyo namumula na sila. Lalong lalo na kay alfonso

"Alfonso baka nakakalimutan mo may anak ka, asan na siya?"

"He's asleep na mom," he said with a tipsy voice

"Naku lord ayaw ko magalaga ngayon, Bahala kayo kung sino hindi makakapasok magisa sa kanya kanya niyang kwarto dito kayo sa garden matutulog"

"Isa ka pa luis, Tama na yan." Nakakastress sila

"Gregorio!" Galit kong sambit

"Mamumula kana din tumigil na Kayo, magsitungo na kayo sa mga kwarto niyo." Panenermon ko

"Mommy minshan lang naman ito, Kaya pa po namin We're na drunk just tipsy" Jusko lord napasapo na lang ako sa ulo at piningot yung ears ni greggy

"Aray naman hon, bakit nananakit" Tinaasan ko siya ng kilay at tumayo na

"Sige magpakalasing na lang kayo lalong lalo kana greggy hindi ka makakaisa sakin, hindi ka sa tabi ko matutulog" At nagwalk out na lang ako.

GREGGY POV

"Patay ako sa mommy niyo, Tama na sa inom. Bukas na lang ulit" I said and kinuha na yung beer ko at pumasok na sa loob. Hindi ko na sila aalalayan bahala sila sa buhay nila manunuyo pa ako.

Pagpasok ko pa lang ng bahay hinanao ko agad si irene, nakita ko naman siya palabas ng banyo. "Hon sorry na ubos na hindi na ako iinom" sabi ko at pinakita sakanya yung bote ng beer na wala ng laman.

Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa taas pero hinila ko ito. "Sorry na, Tabi tayo matulog ha?" Tinignan niya naman ako

"Hindi" Cold niyang sagot

"Please hon, sa kwarto tayo matulog"

"Sa sofa ka matulog greggy. Kita mo na ngang namumula na mga anak mo hindi mo pa pinatigil na uminom" panenermon niya

"Pinatigil ko na hon, Sa room ka na matulog" i grabbed her para mahug

"No"

"Sige na" I begged and kissed her cheeks

"Hindi" I ended up kissing her lips sakto naman na bumaba si kaianna

"Dadddy mommy bakit diyan kayo jusko" nagulat naman ako ganun din si irene. Namula si irene. Normal lang naman na magkiss ang magasawa pero si kaianna kase may pagkachismosa baka ichismis kay imee.

FAVORITISMWhere stories live. Discover now