"Wait what are you doing here in Europe?"

"I have seminar here, I'm woth my colleagues, uuwi na din kami bukas sa Pilipinas. Ikaw? Dito ang flight mo?"

Tumango naman ako. "How are you? Matagal na akong walang balita sayo, ang huling balita ko lang ay isa ka ng fashion designer. Congratulations natupad mo pangarap mo." Saad ko.

"Salamat, akala ko nga ay hindi ko makakaya eh. Maayos naman ako and I'm enjoying my work. Kung gusto mo sa akin kayo lumapit para magpagawa ng susuotin niyo sa kasal."

"Ha?"

"Kung ikakasal kayo ni Trina ay sa akin na kayo magpagawa, bibigyan ko kayo ng discount." Sabi nito. "How is she?"

"Maayos naman siya, busy sa review para sa board exam."

"I want to see her, talk to her. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat. Sa'yo din, mapatawad mo din sana ako sa mga ginawa ko noon."

I looked at Vivian, at mukang sincere naman siya. I smiled. "Wala na iyon, tapos na. Napatawad na kita, if you want to see Trina meet her kapag nakauwi ka na sa Pilipinas." Saad ko.

Hindi din naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Vivian dahil dumating na mga kasama ko at tinawag naman na siya ng mga kasama niya.

____

- Her Pov -

Ilang araw na akong tutok sa pagrereview dahil sa isang araw na ang board exam, ilang araw na ring hindi ko nakikita si Rage, uuwi sana siya bukas pero kinailangan na naman siya sa trabaho kaya naman nadagdagan ang araw na hindi ko siya makikita. Ayos na din sa akin yun para maka concentrate ako sa pagrereview, dahil kapag nandito siya ay nasa kanya lang atensyon ko.

Kanina pa ako dito sa isang fastfood, hindi pa ako nakakapag-order, nakakahiya, hindi pa kasi ako nakakaramdam ng gutom eh. May kamay na naglapag ng kape sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin.

"Take a break." Nakangiting sinabi ni Vivian na may hawak na baso, kape din siguro iyon, naupo siya sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na si Vivian iyon, ngayon ko lang ulit siya nakita.

"Inumin mo muna iyan para hindi lumamig. Don't worry walang lason iyan." Aniya.

Nakakapagtaka ata? Nagbago na ba ito?

"I'm glad na nakita kita ngayon, I saw Rage in Europe, we talked and sinabi ko sa kanya na gusto kitang makita at makausap, I want to see nung pag-uwi ko pero naging busy kasi." Aniya.

Tahimik lang naman ako, hindi ako makapagsalita.

"I want to say sorry sa mga nangyari dati." Anito sa akin.

She's sorry?

"Dapat noon pa ako humingi ng tawad eh." Aniya.

I smiled. "Kung anong nangyari dati ay kalimutan na natin." Ani ko.

"Pinapatawad mo na ba ako?"

"Of course, nagsorry ka naman na kaya ayos lang sa akin."

Hinawakan ni Vivian ang kamay ko. "Thank you. Thank you Katrina." Aniya.

"No problem."

"When?"

"What?"

"When is the wedding?"

I laughed. "I don't know, sa tamang panahon, kailangan ko na munang makapasa sa board exam. Kailangan ko na munang maging isang certified na doctor."

"If you need a designer para sa wedding niyo nandito lang ako."

"Sure I'll hire you, thank you dito sa coffee."

____

Ito na! Ito na ang araw para sa board exam.

The Poor Meets the HeartthrobWhere stories live. Discover now