Chapter 21

4 0 0
                                    

"Good evening Ladies and Gentle men, I would like to thank to all of you for coming here tonight..."

Halos na puno ng magagarang dekorasyon ang buong bahay nila Louie, narito na rin ang mga mararanyang bisista ng kanyang mga magulang, halos lahat ay abala dahil sa pagdiriwang na ginaganap sa mga oras na ito.

"I'm sorry, Kakatapos lang ng meeting namin" Pag hingi ng paumanhin ni Cedric sa kaibigan nitong si Louie ng makaupo ito sa kanilang lamesa, Habang si Ken ay nilalaro ang Bata.

"Baliw, okay lang tutal wala namang espesyal ngayon, para lang 'to sa mga bisita nila Mommy" sagot naman nito.

"...Enjoy the rest of tonight! Thank you!" Pag tatapos ng Ina ni Louie at ang palakpakan ang lahat ng tao rito.

Lingid sa kaalaman ng lahat na nakaantabay ang mga tauhan ni Ms.M sa Buong bahay para sa maitim nitong binabalak, naginuman at ang kainan ang lahat habang lumalalim ang gabi. Masayang nag kukwentuhan ang lahat dahil dito ay walang napansin ang tatlong binata na may kakaiba sa mga kinikilos ng mga tauhan ng isa sa mga Bisita.

"Hi!, it's nice to see you again boys" Pag bati ni Ms. M ng lumapit ito sa tatlong binata kasama ang dalawang bantay nito.

"Hello Ms. M We're so great to have you tonight" Pag bati rin ni Louie rito, habang si Ken naman ay pasimpleng nagtago sa likod ng dalawa nitong kaibigan bitbit ang bata.

"Oh! the Baby is Here, ang cute cute talga ng Baby nayan, I wonder kung kanino sya ang mana." Papuri ng babae ng mapako ang mata nito sa Bata na nasa likuran ng dalawang Binata.

"Of course he is" Pag dagdag naman ng Babae sa sinabi nito ng walang makuhang salita mula sa mga Binata. "... Ganon talaga siguro kapag napapalibutan ka ng mga Goodlooking like the three of you" Dagdag pa nito.

Nginitian lang ni Louie ang sinambit ng Babae sapagkat ayaw pa nitong humaba pa ang usapan.

"That's why we keep him away from those Ugly witch like you." Napalingon si Louie sa nag salitang kaibigan, hindi nito alam kung anong pupwedeng mangyari pero kalmado lang si Cedric habang naka ngiti na animo'y nang aasar.

BIgla naman Kumilos ang dalawang Body guard  sa likod ng Babae ngunit pinigilan ito ng amo.

"How rude... I wonder why your Grand father hates you a lot than your late Brother. nakakalungkot lang dahil Patay na sya." Mahinang sambit ng babae sapat upang marinig ng tatlong binata.

Nag iba ang timpla ng muka ni Cedric at tinikom nito ang kanyang kamao, ngunit agad itong napigilan ni Louie at hinawakan ang kaibigan.

"Next time, kung pikon ka piliin mo ang mga salitang ibabato mo, dahil baka hindi mo alam, Bomba na ang Ihagis sayo ng kaaway mo, you're too young to handle your family business, hindi na ako magtataka kung bigla nalang ito bumagsak" mahabang sambit nito bago umalis.

Kitang-kita sa mata ni Cedric ang galit na nararamdaman, hindi nito maisip kung gaano ba kalaki ang binabangga nila at bakit marami itong kilalang mga tao, maging ang kwento ng kanyang pamilya ay alam din nito.

"Chill lang bro, hayaan na natin yan." Pag awat ni Ken.

"Sino ba s'ya? bakit nya tayo ginugulo?" tanong ni Lopuie haban nakatingin sa likod ng Babae na masayang nakikipag kwentuhan sa ibang mga bisita.

Mas lumalim na ang gabi kung kaya't iniakyato na ni Ken si Baby Gab na mahimbing na natututlog. iniwan lang nito saglit ang bata upang bumalik sa mga kaibigan nito upang mag paalam, tapos ay dumiretso na ito sa kwarto upang mag pahinga na rin.

Ngunit ikinagulat nito ng makita ang isang lalaki na Karga karga ang bata, at ams kinagulat pa nito ng makita ang muka nito.

"Reymark? anong ginagawa mo rito?"

.

.

.

"Hindi ko talaga trip yung Ms. M na yun, anong motibo nya at ginugulo nya kami?" sambit ni Louie.

Halos nakauwi na ang karamihan sa bisita kung kayat, medyo humupa anrin ang ingay sa loob ng bahay.

"Baka naman may nagawa kayong hindi maganda sakanay?" Sagot naman ni Janice

"She's a totally bitch" Diin na sagot naman ni Cedric sabay Inom sa alak na ahawak nito.

"Okay lang yan Ced, May karama din yun" Sambit nalang ni Louie sa kaibigan ng mapansin na hindi parin nawawala ang galit ng kaibigan sa Babaeng iyon.

.

.

.

"Hindi ligtas ang bata rito." Tanging sambit ni Reymark, ngunit gulong gulo parin ang binata sa nangyayari, mas nagulat ito ng makita nitong nag babalak itong lumabas gamit ang malaking bintana.

"Hoy! wait, Ano bang pinag sasabi mo? akin na yang Bata!" Sambit nito at mabilis itong nakalapit sa kanila upang pigilan ang binata.

"Trust me bro, hindi ligtas dito ang Bata." diin na sagot ni Reymark, sasagot palamang si Ken ng may narinig na itong nagsasalita sa harap ng pintuan ng kwarto.

"Dito yung kwarto na yun."

"Sigurado ka pre?'

Sa mga oras na yun hindi na nakapag isip ng maayos si Ken, at hindi na ito kumontra.

"Di-dito! ligtas dito." Sambit ni ken, Naunang lumabas si Ken sa Bintana at tumalon papuntang kabilang kwarto, iniabot naman ni Reymark ang Bata at sinabing magtago na sila.

"Sige na bro, ako ng bahala rito, bukas magkita tayo sa bahay nila fred, mas ligtas ang bata duon." sambit nalang nito.

Agad na pumasok ang binata kasama ang bata sa loob ng kwarto, pag katapos nito ay iniangat nito ang tagong lagusan papunta sa taong silid sa ilalim ng kwartong ito. halos kabisado ito ng binata sapagkat madalas silang naririto nuong ang aaral palamang sila.

Habang sa kabilgan kwarto.

"Puta pre wala naman dito eh"

"Paanong wala eh dito ko nakitang pumasok yung isang binata"'

"tsk. palpak naman pre, lagot tayo kay Ms. M nito eh"

Agad lumabas ang dalawang lalaki sa kwarto nito, lingid sa kaalaman nila na nasalisihan na sila ni reymark at nakatakas na ito.

"Teka anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Janice ng makasalubong nito ang dalawang lalaki.

"Sorry ma'am hinahanap namin yung Toilet" wika ng isang lalaki sabay alis, hindi na nakapag salita pang muli si Janice at takang pinag masdan nalang ang dalawa na paalis.

Nanatili ang Binata sa loob ng tagong silid ng may marinig itong ingay sa  itaas nito. ngunit sa hindi inaasahang pag kakataon, nagising ang bata sa gulat sa tunog na nagmula sa taas.

"Ow! Fuck" bulong nalamang nito ng makitang mulat na ang mga mata ng bata.

Mas lalo pang nataranta ang binata ng makita ang muka ng bata na para bang naninibago sa paligid.

"Shhh Baby please no!" tanging sambit nito.

at  kasunod nito ang isang malakas na iyak ng bata.

"Shhh Baby stop crying" sambit nito, habang papalapit ang mga tunog sa pintuan ng tagong silid.

Biglang napahinto ang bata sa pagiyak ng makita nito ang muka ng kasama, kasabay nito ang pag hinto ng tunog na nag mumula sa itaas nito.

Ilang sigundo ring nanahimik ang dalawa, ngunit huli na ang lahat.

Bigla nalang bumukas ang lagusan papunta sa itaas ng tagong kwartong ito.

"Holly Shit!" tanging sambit ng Binata kasabay nito ang malakas na pag iyak ng bata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The 3 Kings and a BabyWhere stories live. Discover now