"Bakit hindi ka na lang magpasalamat?"

"Dahil wala sa bokabularyo ko ang salitang yan"

"Talaga bang matigas na ang puso mo o sadyang ayaw mo lang ipakita ang tunay na ikaw"

"Kung sa tingin mo magiging okay tayo pagkatapos ng ginawa mo, nagkakamali ka"

"Hindi ko inaasahan yan matagal na kaya wala kang dapat alalahanin pa"

"Pinapaalala ko lang dahil ayokong may umasa."

"Masaya ka ba sa ganitong pamamaraan ng pamumuhay mo?"

Napa ngisi na lang si Zeq sa narinig. "Ito ang kaparusahan sa lahat ng nangyari. Bakit ko kukwesyunin ang isang bagay na nararapat lang. Kulang pa ito kung tutuusin kaysa sa batang yun na  nawalan ng magulang dahil ipinagkait sa kanya iyon. Ha ha (Natawa ito saglit) Paano mo nga ba maiintindihan eh wala ka namang alam. Dahil pinalaki ka sa kasinungalingan ng magaling nating ina. "

"Huwag mong idadahilan na wala akong alam, hindi ko kasalanan na pinagdaanan mo lahat ng iyon at ako hindi. Hindi mo rin alam kung anong pinagdaanan ko na mawalay sayo at kay daddy. Yung pagnanais kung hindi umalis, na hindi ko gusto iwan ka pero wala ako magawa"

"Dahil mahina ka, dahil sunod sunuran ka. Isa kang puppet na sumasang ayon lang sa lahat"

"Hindi mo naiintindihan" mataas na ang boses ni Isiah.

Seryoso ang mga titig nila

"Alin ang hindi naintindihan, yung umalis kayo dahil tinakasan niya ang krimen na ginawa nya?"

Tumayo si Isiah at hinawakan si Zeq sa may kuwelyo

Malapit ang mga mukha nila at masama ang mga titig

"Anong ingay yun?" ani Tata agad silang pumasok.

Makita nila ang dalawa sa ganoong posisyon.

Lumapit siya"Tama na yan" pag suway nya

Pinaglalayo niya ang dalawa

"Huwag kang makialam" ani Zeq at tinulak sya

Napa dapa si Tata sa sahig

"Tata" sambit ni Isiah

Binitawan niya si Zeq. Akmang lalapit siya ng biglang sinuntok siya ni Zeq sa pisngi

Natumba sa tabi ni Tata si Isiah

Lumapit si na Eñigo kay Zeq at inaawat siya

"Nagkamali ako, hindi ako dapat nagpadala sa emosyon ko. Kapatid kita, kambal pa nga eh pero hindi na tama ang inaasal mo. Hindi ako ang kaaway mo dito pero kung yan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita" sambit ni Isiah

Napatingin si Tata dito. Ngayon lang niya nakita kung gaano magalit si Isiah. Madalas naka ngiti ito. Pero ngayon. Nakakatakot ang itshura nya.

"Bakit ba ako mag aaksaya ng panahon dito. Wala kayong kwenta" ani Zeq at tyaka umalis.

Inalalayan ni Tata si Isiah na tumayo.

Bago lumabas ay nakita pa ni Zeq ang pag alalay ni Tata sa kambal.

Pagbalik sa kanyang room, sa inis ay inalis niya ang bindahi at naupo sa sofa.

"Bwés!t" bulaals niya. Galit na galit ito.

Tumawag siya sa kanyang abogado at may inutos.

Kasabay ng pagsimsim sa alak ay ang malalim nitong pag-iisip.

"Pamilyar ang mga mata mo, alam kung nakita na kita pero saan?" kahit anong pag iisip ay hindi niya maalaal kung saan niya nakita ang lalaking naka hood.

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now