Prologue

0 0 0
                                    


"Gusto kita, Kim."

Tatlong salita ang aking binitawan sa harap ng lalaking minamahal ko.

I know.... it may sound stupid to confess my feelings for him kahit alam ko naman na hindi pa siya ready para magmahal ulit.

Kagagaling niya lang kasi sa heartbreak because of his ex-girlfriend na nahuli naming nakipag-s*x sa best friend nila noong kasagsagan nang kanilang anniversary.

Pero wala eh, hindi ko mapigilan na humanga at mapamahal sa kaniya.

We know each other since 2019 at kahit na marami na ang nagbago sa kaniya ay nakikita ko pa rin yung Kim na nakilala, naging kaibigan, at minahal ko.

"What do you mean, Alexandra?" he asked.

"Kim, hindi mo ba na-gets yung sinabi ko? Ang sabi ko, gusto kita! Matagal na Kim kung alam mo lang, matagal na kitang gusto!" I answered.

Katahimikan........

Iyan ang nangibabaw sa pagitan naming dalawa pagkatapos kong aminin na gusto ko siya ngunit bigla na lang ako nakaramdam ng pagkadismaya ng sabihin niya sa akin na.......

"Alexandra, bakit? Bakit ako?"

Like seriously? Ganito ba siya ka-shunga sa pag-ibig? Anong "bakit ako?"! Alam ko na matalino siya kaya imposible naman na hindi niya maintindihan yung sinabi ko.

"Bakit ikaw? Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan? Pwes, sasabihin ko sayo. Naaalala mo nung ni-reject ko yung panliligaw sa akin ni Gil para i-pursue ang pagiging P-Pop Idol ko? Ikaw yung pinaka-unang nag-comfort sa akin kahit ikaw mismo ay mayroong nilalabanang depression and anxiety. Ikaw yung nandiyan para sa akin upang i-cheer up ako kahit ikaw pa ata ang mas nangangailangan ng cheer up dahil sa pinagdadaanan mo. At ikaw rin yung nasa tabi ko nung pakiramdam ko ay mag-isa lang ako at parang walang nagmamahal sa akin kasi nakatanggap ako nun ng mga pambabatikos mula sa mga fans natin. Kaya paano ako hindi mahuhulog sayo kung ikaw mismo yung dahilan para hindi ako sumuko sa career na ito? Alam ko na medyo slow ka pero hindi ko akalain na hindi mo man lang naramdaman na may pagtingin ako sayo! Manhid ka ba?!" I exclaimed.

"You know what, Alexandra? Lasing ka lang. Umuwi na tayo sa bahay. Hinahanap na tayo nina Soulmate at Allen." he said.

So ano ganun-ganun na lang iyon? Pagkatapos ko man lang umamin sa kaniya, wala akong mapapala?! Ginagago niya ba ako?!

He was about to grab my arm but I shoved it away para hindi niya ako mahawakan.

"Ano ba?! Hindi ako lasing at hindi rin ako uuwi hangga't hindi ko nalalaman na gusto mo rin ako?!" I said.

"Alexandra Ferrer please?! Huwag ka nang makulit! You're just talking nonsense because of the influence of alcohol. Umuwi na tayo sabi!" he insisted.

He was about to hold my hand pero ako na mismo ang lumapit sa kaniya para halikan siya.

And then I succeeded. I kissed him.

But I can sense na pilit niya akong tinutulak palayo sa kaniya para matigil ang paghahalikan namin at dahil mas malakas siya ay napag-tagumpayan niya na mailayo ako sa kaniya.

"Alexandra?! What the h*ll was that?! Bakit mo ako hinalikan? Ganiyan ka na ba ka-desperadang babae ha?!" he exclaimed.

At dahil sa mga salitang binitawan niya ay hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya ng malakas at nahalata ko ang gulat sa kaniyang mukha nang makatanggap siya ng isang malutong na sampal mula sa akin.

"Desperada na kung desperada, pero bakit hindi na lang ako, Kim? Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo? Hindi ko naman ipararanas sayo yung pinaranas nung ex-girlfriend mo. Hindi kita lolokohin, paglalaruan o sasaktan. Pero isa lang naman yung hinihingi ko sayo Kim eh, yun ay yung mahalin mo ako! Mahalin mo ako nang higit pa sa isang kaibigan! Bakit parang hindi mo kayang ibigay yun sa akin?! That's all what I'm asking you to give me. I just want you to love me! That's all." I said while my tears are streaking from my eyes down to my cheeks.

We were once again filled with silence until he said the words that shattered my heart into pieces.

"I'm sorry Alexandra for making you feel this way, but to be honest....... Wala akong nararamdaman para sayo."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now