Chapter Twenty- Nine

Start from the beginning
                                    

"Meron po, bigay ni teacher. Hingi ka po mama?"

"Hingi si mama." Muling tumango naman ako.

"You didn't eat rice yet."

Para naman siyang si Vince kung magsalita kaya napanguso ako. Tama naman hindi pa ako kumakain. "Sige, mamaya na lang. Basta hingi si mama ha."

"Opo." Aniya at ngumiti bago muling kumain. Sarap na sarap naman siya sa kinakain niya, bakit sukang suka ako.

Sa huli ay nagprito na lang ako ng itlog na nilagyan ko pa ng orange juice sa ibabaw, piniga ko lang nang kaunti ang orange.

Masarap pala ‘to?

"Weird, mama." Humahagikhik pa siya.

"Ano?!" Agad naman nag init ang ulo ko ngunit tinawanan niya lang ako.

"Joke lang po!"





Naghuhugas na ako ng plato nang bumaba si Vince.

Nakaligo na siya at may dalang bag.

Hindi ko na lang ito pinansin at nginitian siya. "Kain ka na, Vincent."

Umiling siya. "Hindi ako uuwi mamaya."

"Bakit?" Nagpunas ako ng kamay sa apron at hinarap siya.

"I have more work to do." Saad niya, napakunot naman ang noo ko.

"Secretary mo ako, bakit hindi ko alam ‘yan?"

"Just focus on our son." Malamig na aniya.

Napayuko ako. Naiiyak ako. "O-okay."

Hindi ko na naingat ang ulo ko dahil sa sunod sunod na luha.

Naramdaman ko rin na umalis na siya, walang halik? O yakap?

Sumasama ang loob ko at hindi ko rin maipaliwanag ang emosyon ko.

May problema ba kami? Bakit hindi siya magsabi sa akin.

Bakit biglang nanlalamig siya sa akin?












Akala ko ba isang araw lang siya mawawala? Tatlong araw na ang nakalipas, hindi pa rin siya umuuwi. Kahit na tawag o text ay wala.

Nasaan na ang Vincent ko?

Araw araw ay lumalala ang pakiramdam ko, nasusuka ako at inaayawan ang mga pagkain. Emosyonal ako sa lahat ng bagay at ang dali kong mairita. Kahit na si Xy minsan ay napagbubuntunan ko na alam ko namang mali.

Kagaya kanina, tinatawagan ko si Vince ngunit hindi siya sumasagot, sakto namang may pinapakita si Xy na nagawa niya kanina noong narito ang teacher niya. Nasigawan ko ang anak ko.

Naiiyak akong sumunod sa kaniya nang tumakbo siya palayo, hindi naman ako ganito sa kaniya. Kailan man ay hindi ko pa siya nasisigawan kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Makita siyang umiiyak dahil sa akin ang pinaka masakit sa lahat. Nalulungkot ako, kakaibang lungkot. Pakiramdam ko ang sama sama ko.

"Sorry, Xyphere, anak ko." Napahagulhol ako sa balikat niya. "Hindi ko na uulitin, promise."

"Ayaw mo na akin, mama?" Mahinang tanong niya na nagpadurog sa akin.

Tinitigan ko siya, mapupula na ang mga mata niya at mapula na rin ang ilong niya.

"H-hindi sa ganon, mahal na mahal kita." Muling niyakap ko siya.  "Sad lang si mama pero mahal na mahal kita." Mas lalo akong naiyak nang yakapin niya ako pabalik.

Sa simpleng yakap na ‘yon ay napagaan ang loob ko.




Nagulat ako noong umuwi siya kinagabihan, lasing na lasing.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now