Kabanata 3

16 0 0
                                    


Isang linggo na ang nakalipas simula ng i-apply ako nila mama at tito Timothy para maging Ergían Warrior. Mama commanded me to read, analyze and memorize the books from her professor. It's all written by one author named Renze.

The books are all about this place Ergía like food, places, facts and wars. The author also explained about presensya na madalas kong naririnig dito. Ang nakasulat sa libro, ang presenya ay isang likas na taglay ng bawat Ergíans. However the way you use this is the key for discovering and mastering your own Energiya or power. Para daw mabuo mo ang presensya mo ay nag sisimula ito sa paniniwala mo na kaya mo ito mabuo.

Sa edad na sampu ng mga Ergíans ay dapat namaster na nila ang pagbuo ng kanilang presensya para madiscover nila Energiya nila. Pag tapos ay kailangan nilang mag ensayo o ma-master ang basic at ilang mga techniques ng Energiya nila. At sa edad na seventeen ay mag aaral pa rin sila ang pinagkaiba ay mas delikado ang training at mabibigyan ng mga misyon. At kapag nabigyan na ng kasulatan na sapat na ang ensayo ay magiging. Ergian Warrior na. Mataas ang standard para sa mga Ergían Warrior dahil dumadaan pa sila sa training at may entrance exam din sila para mapili ang may potensyal.

Maraming kapangyarihan ang nag e-exist ang iba pa nga ay may mga grupo o clan according sa kapangyarihan nila. Pero may ilan na tinatawag nilang kakaibang Energiya tulad na lamang ng kapangyarihan ni alas Damia o ang mama ni mama.

Ang 'Miles de Águilas. Pinaniniwalaan ng marami na isa lamang itong alamat simula ng libo libong taon na ang nakakalipas not until alas Damia became an Ergían Warrior at the age of twelve. Nadiskubre ng Alas Líder ng panahon na iyon na si alas Ramie na ang energiya na tinataglay ni alas Damia ay 'Miles de Águilas o sa ingles ay Thousands of Eagles. Sinabi rin ng author na si alas Ramie lang ang may kakayahang matulungan ang batang si alas Damia na ma-master ang kapangyarihang ito.

"Samantha." Narinig ko ang tatlong katok mula sa pintuan ng silid namin ni mama dito sa bahay ni tita Gia. Bumukas ang pinto at nakita ko si mama. "Halika na. Handa na ang kalesa sa labas."

Nilagay ko ang huling libro sa malaking supot ng tela kung nasaan ang emergency battery, damit, mga libro at ibang maliliit na kagamitan. Inayos ko din ang nakusot na kama dahil sa aking pag upo.

Nakita ko sa vanity mirror ang maayos na tirintas ng buhok na ginawa ni mama kanina. Pagkalapit ko kay mama ay hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming lumabas sa bahay ni tita Gia. Bumungad sa amin ang dalawang itim na may eleganteng mga disenyo na kalesa at parehong may tigdalawang puting kabayo.

"Nandito na pala kayo." Napatingin kami ni mama kay tita Gia at kasama nya din si Drake na ngayon ay naka warrior outfit na di katulad noong una ko syang nakita na parang prinsipe ang kasuotan nya. "Hi Samantha! Ready ka na?" Nakangiting sabi sa akin ni tita Gia.

Ngumiti din ako sa kanya. "Opo."

"Let's go na! Ready na din si Drake. Baka malate kayo sa entrance exam nyo." Masayang sabi nya at hinila si Drake papunta doon sa unang kalesa. Napansin ko na parang galit pa rin ang muka ni Drake tila ba parang naiinis.

Naramdaman ko ang pag pisil ni mama sa kamay ko at ngumiti sa akin.

"Let's go." Tinanguan ko si mama at sumakay na sa kalesa na nasa likuran nila tita Gia at Drake.

Dumadaan kami sa pamilyar na daan na dinaanan namin ni mama noong nag apply sa Ergía Alas Escuela. Tulad ng una kong punta, marami ang mga tao, maingay at maliwanag. Nakita ko muli ang poste na may itim na bilog na lumulutang sa ibabaw nito. Ang sabi ni mama ay ito ay nagkakaron ng apoy tuwing gabi at nagsisilbing liwanag sa madilim na kalsada ng Ergía.

May iba pa akong nadiskubre dito sa Ergía. This place have five moons. They don't have the same sizes. The stars are way bigger and brighter.

"This is will be the first time you're gonna live without me." Maliit ang ngiti na sabi ni mama sa akin habang hawak ang aking kamay.

The Robot in ErgíaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon