Chapter 2- 3/4

10 0 0
                                    


Tamihimik silang kumakain ng basagin ni Tyson ang katahimikan.

"Magsalita naman kayo guys ang awkward."sabi niya

tiningnan lang siya ni Kent at Jeremiah.

"Talaga bang wala kayong balak magsalita?"tanong niya ulit.

Wala na naman siyang natanggap na sagot.

"Ano ba tong napasukan campus,pipi ata mga students dito."rant niya sabay subo ng kwek kwek.

Hindi na nakapagpigil si Kent at nagsalita na.

"Can you please keep quiet and respect the food in front of you."sabi niya kay Tyson.

Napatingin naman si Tyson sa katabi niya.

"Himala di ka nagmura."sarcastic na sabi ni Tyson.

Hindi na sumagot pa si Kent at nagpatuloy na kumain.

Samantalang si Tyson naman ay tapos nang kumain at kinulit naman niya si Jeremiah.Lumipat ito sa tabi niya saka inakbayan ito.

"bro,magkaklase tayo diba?"tanong niya rito

Hindi sumagot si Jeremiah

"Do me a favor naman please."patuloy ni Tyson ngunit wala paring sagot si Jeremiah.

"Sali ka na sa music club." pag aaya ni Tyson.

"Sumagot ka naman mukha na akong tanga rito."dagdag pa niya.

"Deserve."bulong naman ni Kent at narinig iyon ni Jeremiah pero di narinig ni Tyson.

Tumaas ng konti ang gilid ng labi ni Jeremiah at walang nakapansin nito.

"No matter what you do. I'm not going to do it." deretsong sabi ni Jeremiah sabay alis sa table nila.

"Ang sungit naman non. Opportunity na yung lumalapit siya pa yung maarte."sabi ni Tyson pagka-alis na pagka-alis ni Jeremiah.

"Don't force someone to do something. Kung ayaw niya,ayaw niya."sabat ni Kent.

"Edi maghanap na tayo ng iba."rason ni Tyson.

"But he is exception."sabi naman ni Kent saka tumayo at nagtapon ng basura.

"Di kita maintindihan. Ang gulo mo."sabi ni Tyson saka tumayo na rin.

"Hoy, Hintayin mo ako." sigaw pa ni Tyson.

Pagkatapos nilang magrecess ay sabay din silang naglakad.

"Why are you following me?"sabi Kent habang sila ay naglalakad.

"Natural magkatabi lang yung building ng classroom natin ulol. Masyado kang assuming. Fyi,Wala akong gusto sayo."sabi ni Tyson.

"Why would you like me? I'm a guy." reason naman ni Kent

"If age doesn't matter then Gender also doesn't matter. If you like someone no matter what he or she is you will accept him/her. Wala ka nang magagawa kung si Kupido ang pumana sayo. Wala ka nang lusot."rason ni Tyson.

"I respect your opinion and I also believe in that pero ang tanong tanggap ba sila ng lipunan?"sabi ni Kent.

"Many people doesn't accept that kind of relationship." dagdag pa niya

"So kampi ka sa kanila?" seryosong tanong ni Tyson

"Walang akong kinakampihan."seryosong sagot naman ni Kent.

"Tama na nga to nagiging seryoso masyado yung usapan." sabi ni Tyson.

"ok na ako sa sagot mo as long as di ka homophobic."sabi niya saka kindat.

"Whatever."sagot nalang ni Kent.

"Babye na good luck satin sana mapasagot natin si Mr. sungit."sabay flying kiss at umakyat na nang hagdan.

..... to be continued  ≧﹏≦

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TysonKent The Series : Falling in love with the new campus vocalistWhere stories live. Discover now