One Shot

46.3K 1.4K 195
                                    

"Hi" bati sakin ng kaibigan kong si Jerome ngumiti naman ako sa kanya. Agad naman siya naupo sa tabi ko. Hinihintay namin si Elise na dumating, para sabay sabay na kaming pumasok sa trabaho. Matagal ko ng kaibigan si Elise, piro mas naging close kami ni Jerome dahil sa parihas kami ng hilig at nagkakasundo sa mga bagay bagay. Sa iisang building lang kasi ang apartments namin. Kaya sabay sabay kaming pumasok minsan kapag napapaaga ang gising namin.
                 
                  Pumasok na kami pagkadating na ni Elise. Nakahawak sa braso ko si Jerome habang naglalakad kami. Gosto ko sana sumabay kay Elise piro hindi binibitawan ni Jerome ang braso ko, hanggang sa makarating kami sa opisina. Palagi akong inaaya kumain ni Jerome kahit na nasa ibang department naman siya sa amin ni Elise. Tinatanong kong kumain na ako at kong sino ang kasabay ko. Palagi din siya nagttext sakin. Masaya ako na ganon siya nagccare sakin.

      Minsan ay sabay kami umuuwi ni Elise, nahuhuli kasi minsan si Jerome dahil bz sila palagi sa department nila. Nagtext siya sakin at nagtatanong kong sino ang kasabay kong umuwi, sinasabi ko naman sa kanya nasi Elise. Hindi na siya nag rereply minsan kapag nasagot kona ang tanong  niya. Minsan hindi kona lang din pinapansin kasi alam kong bz siya.

At kapag may free time naman kami ay palagi niya akong inaaya makipaglaro ng basketball, o di kaya ay nagpapatulong siya sakin sa mga gawain nila sa department nila,o nakikipag-inoman siya sakin. Nag-uusap kami ng kong ano ano at nagtatanong din siya minsan ng tungkol kay Elise. Sinasagot kolang din kasi nga mas matagal kaming magkaibigan ni Elise.

Dahil sa ganon kami palagi ay mas napalapit pa ako lalo sa kanya. Mas marami pa ang nalaman ko tungkol sa kanya. At nararamdaman ko sa sarili ko na may kakaiba talaga sakin, simula ng makilala ko siya. Masaya ako tuwing nagkakasama kaming dalawa, kahit minsan ay hindi ganon katagal. Dahil sa marami siya ginagawa. Kahit minsan ay tinatanong niya lang ako about kay Elise. Napapansin ko kasi naminsan ay marami siya tanong sakin about kay Elise, piro hinahayaan ko naman kasi iniisip kolang nabaka gosto niya ring may malaman siya kay Elise kahit papano. Hindi kasi sila palaging nagkakasama, minsan lamang at ang minsan naiyon dahil lamang sa kasama ko si Elise at kasama korin siya. Piro hindi ko maiwasan may marandaman na kirot sa puso ko kapag nagtatanong siya minsan sakin ng tungkol sa kaibigan ko.

  Kaya naman ay iniwasan ko siya kasi ayaw kong mas lumala pa itong nararamdaman ko sa sarili ko. Nagosto ko itong pigilan,kasi natatakot akong sa huli ay alam kong mali ako at wala rin kasigoraduhan. Iniwisan ko siya kasi akala ko mapipigilan kopa. Ilang week ko siyang iniwasan at pinigilan ang sarili ko.

    Nagbeep ang phone ko kaya tinignan ko ang nag message.

Jerome: Bat palagi kang maagang umalis.

    Basa ko sa message niya hindi ako nag reply sa message niya. Nagbeep uli ang cellphone ko.

Jerome : Magkita naman tayo mamaya,may sasabihin ako sayo eh.

Jerome: Tsaka namimiss nadin kita ehh. Tagal nakita hindi nakakasama.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa minsahi niya at gumaan ang kalooban ko.

Jerome : Hihintayin kita sa labas ha.

Jerome: Sana ay pumunta ka, gosto narin kasi kitang makita eh. Namimiss na talaga kita.

Mas lalo gumaan ang kalooban ko nang mabasa ko ang huli na message sakin. Hindi ko rin maiwasang pangiti. Kahit nuong palabas na ako para mapuntahan siya.

Akala Ko Ay AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon