Chapter 1. It started here

1 0 0
                                    


[Miho's POV]

Halos hindi ko mabukas ang mata ko sa liwanag ng mga ilaw.  Red,Blue, Green at iba pang mga kulay ng mga ilaw, sinabayan pa ng malakas na tugtog at kanta ng banda sa entablado.

"Dito tayo" sabi ni Macy. Sabay paupo sa akin sa upuan. "Dito tayo at maraming Ohms." 

Napatingin ako sakanya, "ohms?" tanong ko

"Pogi" sabi niya sabay ngiti. 

Sa totoo lang umiinom ako pero hindi sa mga ganitong lugar. Mas prefer ko kasing mag chill sa mga restobar tapos acoustics lang at malamig na Smirnoff. 

Nilibot ko mga mata ko sa lugar, I can see a lot of people having fun. Yung iba malakas na ang boses magkwento, yung iba malakas na rin tumuwa, sumusuka na yung iba, yung iba naka yuko nalang sa mesa. I imagined how do they feel, Siguro it is a way for them to escape from the toxic world. It really much fun especially if kaibigan mo kasama mo.

"Anong iinomin Miho?" tanong ni Macy habang nakatingin sa menu. 

"Anything. Light or Hard will do." sagot ko sakanya. 

Habang nakatingin si Macy sa menu. Napansin ko yung isang lalaki sa kabilang table na nakatingin sakanya, mukhang lasing narin. Inalis nung lalaki yung tingin niya kay Macy nung nahalata niyang nakatingin ako sakanya.

Sabagay high-profile kasi itong kasama ko. May make-up line, MacyKits. So talagang makikilala siya ng mga tao. And sabi niya, itong bar na pinasukan namin isa sa pinaka mataas ang rating, medyo pricey at pinsan niya daw ang may-ari. 

Pagkatapos umorder ni Macy, umayos siya ng upo at kinuha ang cellphone niya. 

"Text ko nga si Geo." Nakatingin lang ako sakanya, baka yun ang may-ari nitong bar.

"Tapos pag meron siya pakilala ko siya sayo. Malay mo....." 

Napangiti lang ako. "Baliw"

Nilapit ko mukha ko kay Macy, "Alam mo kanina ka pa niya tinitignan." sabi ko sabay senyas kung saan banda yung lalaki.

Nilingon naman niya, bigla siyang napangiti, "Tss, di ko bet. " sagot niya sabay balik ang tingin niya sa cellphone niya.

I noticed the band played a slow song, yung banda kanina naging acoustic na. 

[Until I Found You- Stephen Sanchez] 

It was the time where every man stood up and approached ladies. Dance for all.

Nakaka inggit talaga. I wish someone would come to me and ask me for a dance. Hindi ko alam pero sa edad kong 27, I can say I'm ready and I really like to settle down with someone already. Pero ang problema walang ka settle down.

Habang on-going ang imagination kong nakatingin sa mga nagsasayawan. Nagulat ako kasi biglang may umupo sa tabi ko. He was wearing all black with a cap. 

My gad. Grabe ang bango niya. Nakatingin lang ako sakanya,pagka upo niya inalis niya mask, jacket at cap niya. Oh la la!

"Geo" sabi ni Macy.

Bumalik ang tingin ko sa katabi ko, ahhh ito pala ang Geo. Nag fist bomb lang si Macy at Geo, I really don't know but I can't take my eyes off him. His appeal is so strong.

"Geo, si Miho pala, my one and only bestfriend." pakilala ni Macy sa akin.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Hi. Geo pala." he offered his hand for shake hands. "Miho" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko while holding his hand. Hindi ko mapigilang ngumiti, He is really handsome! 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That was WednesdayWhere stories live. Discover now