READING MY OWN STORY

2 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nakatingin sa librong nakapatong sa aking leeg, kung saan binabasa ko ang sariling paksa.

Paksa na puro sakit, hinanakit lang ang aking natamo.

Sariling paksa na ako lang mismo ang makakaintindi.

Sariling problema na ako lang ang makakasolusyon.

Solusyong patungo sa aking mga pangarap.

Ako'y isang mag aaral at isang working student upang matustusan ko ang aking pag aaral.

Mag aaral sa umaga, bayarang babae sa gabi.
Pokpok kong tawagin.

Kahit na ganoon ang trabaho ko, marangal ito para sa akin dahil dito ako kumukuha ng pera para sa tuition ko. Lalo na't mahal ang tuition ng isang abogado.

Pero bago nyo ako husgahan kong bakit ang pagiging bayarang babae ang ginawa kong pagkakakitaan dahil narin yun sa mabilis makakuha ng pera. At para narin sa pag aaral ko at financial para sa sarili. Dahil ako lang ang nagpapaaral at gumagastos sa sarili.

Pinalayas ako ng aking sariling ina dahil pinagbintangan ko raw ang aking ama-amahan na ginahasa ako.

At yun naman ay isang katotohanan na pilit kong gustong ipaglaban sa aking sarili.

Kong ang aking ina ay hindi ako kayang ipaglaban ako na mismo ang lalaban para sa aking sarili at yun kong magiging abogado ako.

Makalipas ang panahon sa pagsusumikap sa pag aaral at sa pagiging bayarang babae ay nakamit ko ang aking pangarap bilang isang abogado.

Kalaunan tumigil ako sa pagiging bayaran at naging ganap na abogado.

Ngunit patay na ang taong gusto kong ipakulong, at yun ang ama amahan ko.

Makalipas ang ilang buwan, taon maraming kaso ang naipanalo ko.

Ngunit kunting kaligayahan lang pala iyon dahil nagkaroon ako ng HIV.

Sobra akong nadepress dahil sa nalaman ko, nung pumunta ako sa doctor.

Halos hindi na ako kumakain dahil sa labis na pagkamuhi sa aking sarili, kung kailan naging ganap na abogado na ako tsaka pa talaga nagkaroon ng ganitong sakit. "Natawa ako sa aking sarili".

Kinitil ko ang sariling buhay sa labis na pagkamuhi.

Ngayon binabasa ko nalang ang aking sariling storya nang aking buhay na puro hinanakit lamang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

READING MY OWN STORYWhere stories live. Discover now