Prologue

7.7K 320 160
                                    

1st Century BC (June, 100 BC) 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1st Century BC (June, 100 BC) 

MABILIS ang pagpapatakbo ni Imperial Princess Kristine sa sinasakyang kabayo. Binabagtas nito ang malawak na kapatagang malayo na sa palasyo. Tanging ang maliliit na damo at malalaking puno sa paligid ang makikita sa lugar. Idagdag pa ang matataas na bundok sa malayo na abot na lamang ng kaniyang paningin.

Ang malakas at preskong hangin ay tumatama sa kanyang maamong mukha habang mabilis na tumatakbo ang kanyang kabayo. Hinahawi rin nito ang mga butil ng luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata. Isinasayaw nito ang mahaba niyang kulay gintong buhok, at maging ang puntas(laces) ng suot niyang pulang bestida.

Ang pangangabayo lamang ang tangi niyang pampalipas oras at pantanggal na rin ng mga suliraning bumabagabag sa kanyang kalooban.

Lalo pa niyang pinabilisan ang pagpapatakbo sa kabayo dahil nais niyang sumama na ang lahat ng kanyang nararamdamang sakit at mga suliranin sa malakas na hangin.  At itangay iyon sa napakalayong lugar kung saan hindi na ito muli pang makakabalik.

Ngunit, kahit anong gawin niya'y hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang pinag-usapan nila ng kanyang ama. Paulit-ulit pa rin iyong bumabalik sa kanyang isipan.

Dali-daling nagtungo si Imperial Prinsess Kristine sa bulwagan kung saan siya ipinatatawag ng kanyang ama. Si Emperador Adelar Beaumont.

Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya nito ipinatatawag. Ngunit, tiyak siyang mahalaga iyon gayung galit sa kanya ang ama at noong mga nakalipas na tatlong araw lamang ay halos isumpa siya nito't hindi ninais na makita.

Pagpasok pa lamang niya sa bulwagan ay pansin na niyang seryoso ang eksprisyon sa mukha ng kanyang ama.

Bahagya nang nangungulubot ang pisngi nito sanhi ng katandaan. Ngunit, hindi pa rin maikakaila na minsan na ring nagpa-iyak ng mga kababaihan ang mukhang iyon. Magandang lalaki pa rin ito kahit mahigit limampu na ang edad at matipuno pa rin ang pangangatawan. Tunay na perpektong modelo ng isang mandirigmang hasa sa paggamit ng espada at lumaki sa pakikipaglaban.

Krisian Princess "The Battle of Four Empires"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon