chapter 18

283 4 0
                                    

CHAPTER_18 Part I

CONTINUATION OF XIEXOUS POV.

Nang makarating sa baba ay naglakad na ako patungong living room. Nangunot naman ang noo ko ng marinig ang ingay ng mga ugok.

Nang makarating ay nadatnan ko ang apat na sila mark,david,zake and xander na nagvi-video game. Kaya napailing iling nalang akong naglakad palapit sa sofa.

"Hi boss.."nakangiting bati agad sakin ni xander ang may pagkaisip bata sa lahat.

Hindi ko nalang sila tinaponan ng tingin at naupo sa isang single sofa. Kinuha ko ang libro ko at sinuot ang eye glasses ko bago nagsimulang magbasa.

Kahit nagkakagulo ang apat dahil sa paglalaro nila ay hindi ko na lamang ito pinapansin. Sanay narin ako sa mga ingay nila.

"Lexus.you need to know this.."

Napaangat ako ng tingin ng magsalita si lance. Inilapit naman nito ang laptop sa harap ko.

Halos magtiim bagang ako sa nakita. Shit that Mr. Hermoso na nagnanakaw na naman pala ng pera sa isa sa kompanya ko.

Napangisi naman ako at tumingin sa dalawa na sila lance and vein na nakaupo sa mahabang sofa.

Tiningnan ko ng makahulugan si vein na tinanguan niya lang at ganon din si lance.Katapos ay binalik ko muli ang tingin ko sa librong binabasa.

You dont know me Mr. Hermoso. Mali ka ng kinakalaban.

Tinuloy ko muli ang pagbabasa ko. minuto lang ang nakakalipas ay may narinig akong yabag na papalapit sa gawi namin.

Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Pinapatawag na kayo ni nanay lisa at kakain na.."

Mahinhin nitong boses. Alam ko ng sino ito sa boses palang. Hindi kona ito pinag-abalahan pang tingnan.

Rinig kopa ang pagbati nila. Pero napantig ang tenga ko ng marinig ang sinabi ni mark.

Kaya nagangat ako ng tingin. Saktong pagtingin ko ay naglalakad na palayo si Kiara.

"Tara kakain na daw.."nakangusong sambit ni xander na agad naman binatukan ni david.

"Wag ka ngang ngumuso,hindi bagay sayo.."natatawang sambit ni david.

Kaya napailing iling ako at naglakad na patungong dining area. Nahagip pa ng tingin ko si mark. kaya tinaliman ko ito ng tingin.

Nagtaas naman ito ng dalawang kamay"Chill boss,wala naman akong ginawang mali.."sambit nito at napapalunok narin.

Inismiran ko lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad patungong dinning area.

Pagkarating ay nakita ko agad na paupo na si kiara. Pagkaupo ay napatingin ito samin. Naupo naman ako sa inuupuan ko.

Kita ko naman ang pag-upo ni lance sa kanang tabi ni Kiara ganon din si david kaliwa naman nito. Nangunot naman ang noo ko ng ngumiti si david dito at ngumiti naman si kiara pabalik.

Kumulo ang dugo ko sa paraan ng pag-ngiti nito. Napaka tamis nito. I dont know but i felt irritation. Parang gusto ko sakin niya lang yan gagawin at wag sa iba.

Napatingin naman ito sakin. Napalitan ang ngiti nito at tinaasan ako ng kilay. Wow huh? Sa iba ngumingiti siya. Pero kapag sa akin laging pataray ang ginagawa.Kaya lalong kumulo ang dugo ko.

"Sit here beside me.."mariin kong sambit.

Napatingin pa ito sa tabi niya at sa kaharap niya. Bago ibinalik ang tingin sakin at naguguluhan na tinuro ang sarili niya.

So I married the Stranger/Mafia boss (Mafia series 1)Where stories live. Discover now