Chapter 14

62 0 0
                                    

*knock knock knock*

"sino yan?"
patuloy pa din ang pagkatok mula sa labas.

"sandali lamang."
binuksan niya na ang pinto at nagulat sa kanyang nakita

"alice .. malalim na ang gabi. bat ka napadaan dito?"
"sister angie .."

"o siya pumasok ka muna dito."

Pinapasok niya si alice at binigyan ng mainit na gatas.
"bat ka ba naparito? may problema nanaman ba? ikwen--" niyakap agad ni alice ang matalik nitong kaibigan na madre.

"ikakasal na ako. pero ayoko. ayoko sa taong di ko naman mahal." lalong hinigpitan ni alice ang pagkakayakap at humagulgol na ito.

"mabait naman si neil ah? diba ang sabi mo, isa siyang tao na masarap kasama, responsable at hindi nang iiwan." sabi ni sister angie

"alam ko. nakaka konsensya ang kabaitan niya. kasi mahal niya ko pero hindi ko magawang masuklian yung pag mamahal na yun. nung umalis na lang bigla si carlo, si neil ang andyan para sa akin. hindi ko magawang turuan yung sarili ko na dapat si neil na lang at tuluyan ng kalimutan si carlo."

"so anong binabalak mo ngayon?"
"tumakas."

"sa tingin mo maganda ang gagawin mong yan?"
"naalala mo yung time na sobrang nagalit sakin si papa?"

"dahil lagi kang dumadalo sa event namin dito sa simbahan"
"sister angie, mas naramdaman ko yung pagmamahal niyo kaysa sa pinapakita ng papa ko sakin .. puro na lang kasi yung kagustuhan niya ang nasusunod"

"may dahilan naman kung bakit siya ganyan sa yo, nag iisang anak ka lang kasi at ikaw lang ang taga pag mana ng ari arian niyo .."
"ah basta, sawa na ko sa mga batas niya"

"ang ibig sabihin ba niyan .."
"oo .. katulad ng napag usapan natin nuon"

"ang totoo niyan .. hindi pwede"

Carla's POV
"malapit na ang kasal niyo .. handa ka na ba hija?"

ang isang katanungan na hindi ko pa kayang sagutin.

"h-handa na po" sagot ko na may halong tensyon.

"normal lang ang kabahan. ilang araw na lang, ay magiging parte ka na buo ng pamilyang ito."

niyakap ko siya ng mahigpit. feeling ko nanay ko na rin siya. "salamat po sa lahat mama"

"salamat din carla"

pagkatapos ng pag uusap namin ng pamilya ni tristan ay dumeretso ako sa plaza. tutal day off ko naman, nagpasya akong mamasyal.

memorable ang lugar na to. kase dito ko sinagot si tristan.

at dito din siya nag propose.
Umupo ako sa bench at ayun lang, naka tulala, di ko na alam ang susunod na gagawin ko :(

Kinuha ko mula sa loob ng bag ko ang papel na magpuputol sa ugnayan namin ni christian.

oo. magreresign na ko.
hindi na kasi tama na ipaglaban ko pa to. lalo pa't malapit na ang araw na pinaka hihintay ko.

*sigh* desidido na ko.
bukas na bukas din ay ipapasa ko na ito.

nagvibrate ang phone ko
its carlo - he's calling ~

"hello?"
"ate, magkasama ba kayo ni alice?"

"hindi. bakit?"
"kasi, nawawala siya .. at lagot ako pag hindi ko siya nahanap."

"eh diba matagal ka ng wala sa trabaho? tapos tatawagan ka nila para hanapin ang prinsesa nila?"
"ate hindi ito basta trabaho, mahal ko siya, ate alam mo yan."

STAY (2NE1 Bang Fanfic)Where stories live. Discover now