42

381 23 42
                                    

Weekend na.. namimis na ni bonget mga anak nya.. sabi ni zarah fey thru call nila kanina nandon naman mommy nya.. so he planned to visit them today...

Bumili muna sya ng pasalubong bago dumerecho sa condo . Hindi nya na sinabi kay sara.. alam nya naman hindi din sya rereplyan..

Sa kabilang condo sya pumunta dahil alam nyang nandon mga bata..

Sinalubong naman sya and inabot yung pasalubong nya .

Hi anak kong gwapo kamusta ka?.. bati ni mama beth sa kanya..

Ok naman ako ma, ikaw po? Mga bata kamusta? Nasan si feonix?

Ako ok lang namimiss kitang kakwentuhan.. mga bata ok naman si zarah fey gaga padin.. si feonix nandon sa mommy nya..

Si inday ma kamusta?

Ok naman medjo iniiwasan ako pag nagtatanong ako but normal inday.. difference lang medjo bitin yung mga tawa nya.. ano ba nangyari anak?

Napagod maghintay ma.. napagod akong mahalin hirap din naman kasi hindi ko sya masisi..

Ano daw ba ang gusto?

Gusto nya kasal.. dipa pwede ma, the annulment is on process pero alam mo naman ang law dito satin napaka bagal.. daming reading.. daming hearing.. wala eh pinagana ko na ang connection ko pero mabagal padin..
At the same time ayaw nyang nakikita kami ni liza together..

Eh bakit kasi panay padin ang publicity.. hindi dahil anak ko kinakampihan ko sya... Masakit kasi yon anak kahit pa sabihin mong wala na yon.. natatakot lang yan si inday na pwede kayong maging ok ni liza maiwan sya.. wala syang laban eh.. may mga anak kayo yes pero yung legality nakay liza padin. Kahit pa bali baliktarin mo yan.. si liza padin ang panalo sa dulo.

Your love can win on gods eyes para sa inyo.. pero never sa batas.. never sa mga kalaban nyo.. 

Alam ko ma.. kaya nga din hindi ako makalaban eh.. kaya ko hindi maipaglaban alam kong mali alam kong talo kami.. kaya pinapabayaan ko syang maging malaya hanggang hindi ko pa kayang ilaban sya..
Ano man maging outcome nito.. sumaya man sya sa iba.. kasalanan ko yon.. deserve kong mag suffer dahil pinilit ko syang bumalik sakin kahit alam kong mali..

Ganun nalang anak pababayaan mong ganon nalang?

Opo ma masakit man sakin.. pero kung saan sya masaya doon nalang ako kaysa sya pa yung masaktan ako nalang kahit napaka hirap nito para sakin.. ito yung dapat.. ito yung tama
Sabi nya inaayos nya yung sa kanila ni mans.. masakit sobra para akong pinatay nung sinabi nya yon..  pag pinigilan ko sya pag sinabi kong akin sya ulit hindi ko na ba masasaktan ulit?

Hanggang nakatali ako kay liza ma, hindi ko maipapangako na hindi ko na sya ulit masasaktan..
Kaya tama lang na pabayaan ko syang sumaya
Kailangan sya ng mga anak namin..

Alam ko pinagdaanan nya ma, we lost the baby.. dinugo sya sa ormoc.. and i want to grieved with her but I can't.. i want hug her and tell her not to be sad that there's always a hope after the trials but I can't.. i don't have a right.. sabi nya.. so i let her..
Ganyan ko sya kamahal ma.. kahit masakit sakin palalayain ko sya maging masaya lang sya..

Lumapit si zarah fey bago makasagot si mama beth .

I miss you anak sobra..

I miss you too daddy go home kana ulit dito..

Hindi pa pwede anak im sorry..

Why po did you and mommy fighting thats why daddy atty always here po?

Not fighting anak i just want your mommy to be happy . Let's just support mommy ok? Dont worry anak palagi ko kayong pupuntahan ni foenix.. can you tell the nurse to borrow him to mommy?

Sure po but why your eyes like that? You want to cry po? You can hug me and cry daddy dont hide it..

Hindi na napigil ni bonget yung iyak napayakap sa anak nya
Habang umiiyak sya hinahagod yung likod nya.. he's feeling sara.. mas lalo syang naiyak..

Umalis nalang si mama beth to give privacy sa mag ama..
Pinigilan yung nurse na kunin si feryong.. tutulungan nya yung dalawa para makapag usap..

After umiyak ni bonget kinausap nya ulit..

Ayaw daw ibigay ni inday si feonix.. ikaw kumuha alam mo naman yon pag weekend gusto nyang nakadikit mga anak nya sa kanya..

Nandon si mans ma?

Oo nandon pero pareho lang naman kayong may anak kay inday annuled na sila pareho kayo ng score.. go anak.. hihiramin mo lang naman ang anak mo..

Pumunta na sya sa kabilang unit nakita nya si mans hawak si feonix habang nilalaro ng kuya nya..

Ah pre pwedeng pahiram ng anak ko? Yayakapin ko lang.. punta ko lang sa kabilang unit baka makaistorbo ako dito.. nasan pala mommy nya? Ipapaalam ko lang..

Nasa loob sir naligo yata..

Inabot naman ni mans sa kanya si feonix.. ngumiti agad nung nakita sya..

As a respect hindi na sya pumasok sa loob ng room.. pinasabi nya nalang na nasa kabilang unit lang sila..

Pag labas ng kwarto ni sara naabutan nya pa si bonget kausap si zarah fey sa living room.. umatras sya iiwas hanggang kaya..

Kaya nyang makita si bonget during office hours pero hindi sa ganitong time.. iniiwasan nyang kausapin sya ng about sa kanila.. honestly hindi nya kasi alam kung ano yung isasagot nya.. ano mararamdaman nya.. ok na sya ayaw nya ng ibalik yung pain.. ilang weeks narin syang nagiiyak sa gabi.. para pag humarap sya kinabukasan kaya nyang tignan si bonget sa mata..

Lumapit nalang sya kay mans.. may pinakita sa phone nya some designs para sa renovation ng firm..

Nakita pa ni bonget yung pag kurot nya sa bewang ni mans na nagtatawanan..

Lumipat na sa kabilang unit.. dala si feonix kasunod si zarah fey..

Ano bong anak nag usap kayo? Tanong ni mama beth..

Hindi ma.. kay mans ko hiniram tong anak ko..

Hinihiram mo anak mo? Iyo yan bakit kailangan ikaw manghiram..

Respect ma, sya na yon eh, sya na yung daddy nila ngayon. Parang nangyari lang samin noon nagkabaligtad kami, before pag hihiramin nya mga anak nya nagpaalam din yan sakin..

Wala kang gagawin?

Wala pa ma sa ngayon wala pa akong laban wala pa akong maihaharap na mukha kay inday na kausapin sya about saamin..
Maunahan man ako ng tadhana.. ganon talaga wala akong magagawa kundi tanggapin..
Magkabalikan man sila.. yun yung destiny.. dumating lang siguro kami sa point na nahulog kami sa isat isa para magka anak lang.. mahalin ko lang sya iparamdam ko lang sa kanya yung hindi na naramdaman noon..

Ganun din sya sakin pinaranas nya sakin yung totoong love, kung paano magkaroon ng totoong asawa kung gaano kasarap na merong nanjan para sayo.. kung ano yung feeling nang gigising ka ng masaya kasi ok ang lahat..

Atleast natapos kami ng nagawa namin yon sa isat isa.. malungkot man na hindi kami hanggang dulo atleast meron kaming zarah fey at feonix na magiging connection namin..

Sana gusto nya padin ako maging bestfriend.. sya lang kasi nakakaintindi sakin kahit tahimik ako alam nya lahat kung ano sinasabi ko..
Lahat ng tinatago ko sa loob ko.. isang tingin lang nya isang hawak alam nya pag masaya ako or malungkot ako.. and shes always there.. masaya man malungkot man nanjan sya..

Nawala ko sya ma, nawala ko si sara.. nawala ko yung mundo ko, nawala ko yung lakas ko..
Nawala ko yung babaeng mahal ko..

Sana sa darating na bukas.. sa darating na mga araw.. mabawi ko sya ng hindi na sya masasaktan ulit..

to..get..herWhere stories live. Discover now