Umiling ako at muling itinago ang mukha, namamasa ang mga mata. Nilalamon ng kahihiyan.

"Tumatawag si Pres.," nag-angat ako ng tingin kay Junard na iniangat ang phone niyang may dilaw na case. Tumitig siya sa akin, tila humihingi ng permisong sagutin.

"H-h'wag," umiling ako sa kanya at pinanuod namin ang phone na tumigil sa pag-vibrate at si Eunice naman ngayon ang sinunod niya.

"Sagutin natin," aniya sa akin, naguguluhan din. "Baka okay na—"

"H'wag!" singhap ko at umiling-iling, "h'wag...p-please, h'wag..."

"Bakit?" aniya, kunot ang noo, "anong mayro'n—"

"Magkasama sila ni Mindy..." putol ko at pinagmasdan ang pag-iiba ng ekspresyon nila.

"Ano?!" sabay-sabay nilang singhap.

"Seryoso ba?" ani Jere. Pagod akong tumango. "Boss, paano mo nasigurado—"

"Nakangiti siya," bulong ko, kinakalma ang sarili. "Nakangiti siya no'ng pagpasok ko h-habang nakatingin sa 'kin..."

Nag-singhapan sila.

"Sabi na, eh!" singhal ni Eunice at hinila ang buhok niya. "Wala akong tiwala sa gagong 'yon!"

"Alam ba niyang pupunta ka ngayon, boss?!" ani Junard at nang tumango ako ay tumayo siya at inangat ang sleeves niya. "Tang ina, saan na 'yang si Montezides—" nagmartsa siya pero nang makita ni Eunice at Jere ang mukha ko'y kaagad din nilang pinigilan ang braso ni Junard.

"Ano?!" angil niya, "papakitaan ko—"

"H'wag na, Junard," mahinang bulong ko. "Ayoko na ng gulo, gusto ko na lang umalis dito."

Natahimik silang tatlo at sa doon na nagsalita si Eunice, "tara na, uuwi na tayo," mariing aniya.

"H-hmm? Ayos na 'ko rito, salamat," bulong ko, nababasag ang boses at hiyang-hiya. "Sorry kung naistorbo ko kayo sa event. H-hanap na lang akong traysikel pauwi. Balik kayo, sayang ang event—"

"Sa tingin mo ba makakabalik pa kami do'ng hindi nasasapak si Montezides at hindi nangungudngod sa inidoro si Mindy?" ani Eunice, natahimik ako.

"Sorry..." walang lakas kong tugon.

Suminghap siya, "wala kang kasalanan, okay? Sila ang may...mga tang ina nila nanggigigil talaga 'ko! Gago, naii-stress na naman ang rebond ko!" sinipa niya ang bato at inihilamos ang mukha bago dumukwang palapit sa akin at niyakap ako.

Natigil ang kalabog ng puso ko, kasabay ng singhap ko't pag-iyak sa balikat niya.

"Tang ina nila, walang may karapatang umaway sa 'yo kung hindi kami lang!" sigaw niya at napahikbi.

Mas napaiyak ako't niyakap siya at mamaya-maya pa'y naramdaman ko na rin ang pagsali sa 'min nina Junard at Jere sa yakap.

"S-sorry, sorry," iyak ko habang niyayakap sila. "H-hindi ko naman kayo gusting i-iwan...n-nasaktan lang ako na..." humikbi ako.

"Sorry din," sabay-sabay nilang sagot at mas humigpit ang kapit sa akin at do'n ay ramdam na ramdam ko ang pagbabalik ng pamilyar na init ng mga kaibigan ko.

"Kailangan na nating umalis," ani Jere pagkatapos naming maghiwa-hiwalay kami. Pinunasan niya ang pisngi niya't umiling. "Baka makita na tayo rito."

"Hindi tayo p'wedeng sa harapang gate dumaan, baka nando'n pa si Montezides at makita pa tayo," ani Junard na namumula ang mata.

"Pero wala namang traysikel sa may likuran, parking do'n kaya wala tayong choice," ani ng nanatiling si Eunice sa harapan ko, hinahalukay ang purse niya para sa wet tissue.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon