Chapter 1: Grave Encounter

34 3 0
                                    

"We're all of us haunted and haunting." - Chuck Palahniuk, Lullaby


-----


"Mako?"


Napahagikgik ako nang marinig ang pagtawag ni Dee at Mahen. Bahagya akong sumilip para i-check kung gaano na sila kalapit. Dalawang column na lang ang layo nila. Nagbilang ako ng sampu at inabangan sila.


3, 2, 1


"Boo!"


"Aaahhhh!!!"


Tawa ako ng tawa sa reaction nilang dalawa. Lalo na si Dee na grabe kung makatili. Natigil lang ako nang hilahin ni Dee ang buhok ko.


"Siraulo ka talaga, Mako. Bwisit ka," irap ni Dee.


Si Mahen ay sapo sapo pa rin ang dibdib hanggang ngayon.


"Hehe." Nag-peace sign ako. "Kayo kasi eh masyadong kabado. Binigyan nyo tuloy ako ng idea na takutin kayo."


"Tse! Kasalanan pa namin ganon?"


"Hmmm... oo?"


"Ah... kami pala may kasalanan ha. Tara, Mahen. Iwan natin 'tong si Mako." Hinatak niya si Mahen. "Mag- isa ka pumunta sa Kuya mo."


Kumaway na lang sa akin si Mahen at nagsabing maghihintay na lang sila sa labas.


"Makakita ka sana ng multo!" pahabol ni Dee. Imbes na matakot ay natawa na lang ako sa sinabi niya.


Sus! As if naman matatakot ako. Sa ilang beses kong pagdalaw kay Kuya Ethan dito sa Columbarium ay wala naman akong nakita ni isa. Tsaka sabi nga, mas matakot tayo sa buhay dahil mas kaya nila tayong saktan kaysa sa mga multo.


"Hi Kuya! Sorry late akong dumalaw. Di ako nakasama kina mama't papa kasi sumama ako sa Batangas. Yung probinsiya nila Dee. Kasama ko rin siya ngayon pati si Mahen. Nasa labas nga lang. Tinakot ko kasi eh." Inilapag ko muna sa sahig ang aking blue straight umbrella. Ang sabi kasi sa balita ay uulan daw kaya may dala ako.


Nagsindi ako ng kandila at naglagay ng bulaklak sa vault ni Kuya Ethan. Nagdasal rin ako.


"Kumusta ka naman dito sa condo mo, Kuya?" Condo ang tawag ko kasi diba yung sa sementeryo apartment yung tawag, eh sosyal pag columbarium kaya condo tawag ko.


"Alam mo, umuwi sina Mama sa probinsiya. Gusto ko nga sanang sumama kaso enrolment na. Ayun, iwan tuloy ako. Baka one month sila dun. Si Mahen at Dee muna kasama ko sa bahay. Pumayag naman parents nila eh. Ansaya noh! Walang bantay! Pwede kong gawin kahit na anong gusto ko."


Napansin kong may bagong inilibing sa tabi ni Kuya. Huling dalaw ko kasi ay November last year.

Haunted By YouWhere stories live. Discover now