Narinig ko rin ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Alright. Tatawagan ko na lang si Beth. Ipagpapabook ko siya ng flight papunta dyan tonight. Mas maganda siguro kung dyan nyo pag-uusapan ang tungkol sa business."

"What?!" Napatampal ako sa aking noo dahil sa frustration. Seriously?! Gustong gusto ko na talagang sigawan ang matandang kausap ko ngayon. "Kahit ano namang kontra ko, ikaw pa rin ang masusunod eh. Bahala ka na nga Lolo!" Mariin ang pagkakasabi ko pero hindi naman ako sumigaw. Mabilis kong pinindot ang end call upang hindi na siya makapagsalita. Paano naman akong mag-eenjoy kung makakasama ko ang babaeng yon?!

"Is everything okay, Den?" Amy asked me with a worried look.

I sighed deeply and tried to smile. Napipilitan akong tumango. "Yeah." Binalingan ko ang iba kong kasama na mukhang naghihintay rin ng aking isasagot. "Si Lolo, gusto pang ihabol ang stress hanggang dito sa Cebu." Hinilot-hilot ko ang aking ulo. "Ang hirap magpalaki ng matanda!"

"Mas lalong mahirap magpalaki kung malaki na ang papalakihin mo Denden!" Sabat ni Ella bago nakipag apir kay Kim na mukhang tuwang tuwa.

"Pinakamahirap palakihin ang tulad mo besh! Dahil himala ang kailangan ko sa'yo!" Nagtawanan naman sina Vic at nagthumbs up pa sa akin. Mabuti na lang talaga at sila ang makakasama ko rito. Kahit paano, alam kong makakalimot ako sa stress ng buhay ko sa Manila.

"Ang harsh mo pa rin, besh. As if naman malaki ka!" Nakaingos na maktol ni Ella.

"Kompara sa'yo besh, mas malaki pa rin ako!"

"Ting ting ting! And De Jesus is double dead!" Sigaw ni Kim na sinundan pa nya ng pagsipol.

Natawa naman ako at nagpeace sign kay Ella na natatawa rin. "Libre na lang kita besh mamaya!" Kinindatan ko siya at nginitian ng matamis.

"Yes!" Sigaw ni Ella. "De Jesus is still alive and will get back right after the treat!!" Binelatan nito si Kim na masama na ang itinawa.

Nagkatinginan naman kami ni Mika at sabay pang napailing-iling. Iisipin mo ba namang nagmatured na kami?! Parang lalo pang nadagdagan ang pagkaisip bata namin lalo pa nga kapag nagkakasama-sama kami.

Tahimik akong tumingin sa labas at inenjoy ang magandang tanawin.

Cebu give me good memories please..

***

Nauubusan na ako ng pasensya sa sobrang traffic. Panay ang paghugot ko ng malalim na hininga. Sa airport lang kami pupunta pero ang trapik na kailangan naming pagdaanan wagas! Ito talaga ang isang bagay na ayaw ko rito sa Pilipinas. Sobrang trapik!

Siniko ako ni Rad. "Hoy, bakit nakabusangot yang mukha mo?"

Nakita kong sinulyapan ako ni Tita Rona sa salamin na nakaupo sa driver's side. "Ang lapit lapit lang ng airport, tingnan mo nga kung gaano kahaba ang traffic!" Iminuwestra ko pa ang mga sasakyan na ang iba ay pilit pang sumisingit. "Ang init-init pa! Sira ba ang aircon ng sasakyan mo Tita?!"

"Huwag ngang masyadong mainit yang ulo mo Aly. Malapit na tayo. Ten minutes na lang nasa airport na tayo." Sagot naman ni Tita Rona.

I just snorted and sighed heavily. I looked outside the window only to be irritated again because of the cars that slowly moving.

Kung hindi lang talaga maganda ang nabasa kong feedback about Palawan, hinding hindi talaga ako magtyatyagang sumama sa trip nilang ito. Mas gugustuhin ko pang magstay sa bahay at matulog maghapon. Pero dahil nga maganda naman raw talaga sa Palawan, nakumbinse tuloy nila akong sumama.

Ang ten minutes na sinabi ni Tita Rona pakiramdam ko ten hours. Pabagsak kong isinara ang pinto ng sasakyan dahil sa inis.

"Aly pwede ba? Nakakabad vibes naman yang hitsura mo!" Sita ni Rad.

Make It Right! (The Second Time Around)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora