CHAPTER 15 - It Couldn't Be Her

Magsimula sa umpisa
                                    

Nahiga siya sa kama at tumingin sa kisame. "Hindi kita papatayin. May pangako pa akong dapat tuparin."

Dahan-dahang humarap sa kanya si Virgo. Tears were still streaming down her face.

"Vixor?"

"Yeah?"

"Make me forget. Please?" Nagmamakaawa ang boses nito. "Hindi ko na kaya. Please? Tama na. Ang sakit-sakit na. Tama na please. Hindi ko na kaya."

He shook his head. Hindi niya gagawin yun dito. "Virgo, memories are made to be remembered, not to be forgotten."

"But some memories are not worth remembering."

"No. Ayoko pa rin na tanggalin ang memorya mo. Kaya ko, pero ayoko. Keep it. Memorize it. Get used to it. The pain will fade away, Virgo. Mawawala din yun."

"Masakit na masakit na masakit na." Hindi pa rin maampat ang luha sa mga pisngi nito. "Kahit ngayon lang. Ayoko nang masaktan. Nakakapagod. Bukas naman 'yung iba. I'm just human, Vixor, we can die in so much emotional pain."

He heaved a deep and open his arms wide. Matagal na niyang hindi ito nagagawa pero siguro naman, hindi pa niya nakakalimutan kung paano magpatahan ng babaeng umiiyak.

"Come here." Sabi niya. "I'll make you forget just for tonight. Bukas, ibabalik ko rin ulit ang sakit para masanay ka."

Humihikbing lumapit sa kanya si Virgo at yumakap. Nararamdaman niya ang emosyon nito. She feels so alone and hurt and in desperate need of someone to hold. She's so fragile. Hinagod niya ang likod nito at niyakap ng mahigpit.

He thought wrong. Mukhang nakalimutan na niya kung paano magpatahan ng babaeng umiiyak. So he did the easiest thing.

"Sleep, Virgo." He whispered. "Sleep tight."

Kaagad na nawalan nang malay ang dalaga. Nakayakap pa rin ito sa kanya habang nakahilig ang ulo sa dibdib niya. Inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumotan.

Nang masiguro niyang maayos na ang lagay nito, tinawagan niya si Vixen para alamin kung ano na ang nangyayari sa mga Kallean.


PAGKAGISING ni Virgo, wala na sa kama si Vixor. Napatitig siya sa damit na nasa couch. It's a color beige sun dress, with undies and bra beside it.

Namula ang pisngi niya. Is the dress for her?

Nilapitan niya ang damit at binasa ang maliit na note na naroon.

Wear it. Arietta bought these for you. - Vixor

Hindi niya kilala si Arietta, pero kung sino man ito, gusto niyang pasalamatan ito sa pagbili sa kanya ng damit. Nakakatuwa naman. Her mother used to buy her dresses—

She stilled at that thought. Her parents. Nakipag-deal ang mga ito sa mga magulang ni Vixor at siya ang kapalit ng kayamanan na hiningi ng mga ito. She felt betrayed. Mula pala simula, naglihim na ang mga ito sa kanya. Kaya pala takot na takot ang ama niya ng malamang may stalker siya. Maybe that was Vixon, Vixor's twin brother.

Kung ginawa ng mga magulang niya ang pinagkasunduan, buhay pa kaya ang mga ito? Kasama pa siguro niya ang pinakamamahal niyang mga magulang ngayon. Ayos lang sa kanya kung mapunta siya sa mga Simonides, basta ba buhay ang mga magulang niya.

They could have told her.

The pain still lingers in her heart. Masakit na masakit pa rin pero kinakaya niya. Wala rito si Vixor para tanggalin ang sakit at saka adik naman ang isang 'yon e. Gusto palagi siyang nasasaktan.

Pumasok siya sa banyo na naroon para maligo. Pagtapos ay nagbihis siya. She wore the beige sun dress that Arietta bought for her.

Naka-paa lang siya habang naglalakad palabas ng malaking silid na iyon. Nang makalabas siya, napalingon siya sa kanang hallway at sa kaliwang hallway. Napakahaba niyon at hindi niya alam kung saan patungo ang mga iyon.

Favorite Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon