CHAPTER 8

7K 136 1
                                    

KENDRA POV:

Naka tayo lang ako dito habang naka tingin sa ama ng anak ko na nakaratay padin sa hospital bed.

Galit ako sa kanya pero naawa padin ako sa kanya.

Ano kaya nangyari sa kanya bakit siya nagka ganyan. bakit concern ka Kendra? Kontra sakin ng isip ko aish.

"Ate Kendra" napatingin ako sa pinto nang pumasok si Thalia.

"Kilan pa siya na coma Thalia?" Seryusong tanong ko sa kanya.

"Last year ate" malungkot na sabi niya.

Habang ako ay nakatingin padin kay Kenshi na payapang natutulog.

"Anong nangyari Thalia?" Tanong ko sa kanya, diko alam pero parang tinutusok ang puso ko ng makita ko ang kalagayan niya.

"Tinambangan ng kalaban namin ate" seryusong sabi niya nagulat naman ako dun.

"Ano ba talaga kayo thalia?" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Ano kaba talaga Thalia, ano bang meron sa pamilya mo ha?" Naiiyak kong sabi natatakot ako para sa mga anak ko.

Natatakot ako na baka madamay ang mga anak ko ayoko silang mawala sakin.

"A-ate kumalma ka-" Hindi kona siya pinatapos ng mag salita ako.

"Kumalma Thalia, Pano ako kakalma kong dilikado pala ang pamilya nyo ha?" naiiyak kong sabi napa upo maman ako sa sahig dahil dun.

"A-ayoko m-madamay ang a-anak ko t-thalia" Sabi ko habang humahagulgul sa iyak.

Sila nalang ang meron ako ayoko  naman na pati sila ay madamay, ayoko silang mawala sakin hindi pwede.

Kong ang lumayo sa kanila ang makakabuti samin gagawin ko, kahit na sobra ang pag papasalamat ko kay Thalia kong para sa kabutihan ng anak ko gagawin ko.

Ilalayo ko sila sa ama nila kong yun ang paraan para hindi sila madamay sa gulo, kamuhian man nila ako pero yun ang gagawin ko.

"A-ate please calm down" pag aalo niya sakin.

"Pano ako kakalma Thalia kong ang tatay ng mga anak ko ay-" diko natapos ang sinasabi ko ng may mag salita sa likod ko.

"May anak si Kenshi?" Napatingin ako sa ginang na nag salita.

Oh fuck Kendra bakit nawala sa isip mo na nasa hospital din pala ang nanay ni Kenshi.

"Mom" gulat na tawag ni Thalia sa ina niya tiningnan lang naman siya nito.

"Alam moba to Thalia?" Mahinahon pero may pagbabanta sa tono nito.

Si Thalia naman ay napayuko nalang ito aish tanga Kendra ngayon wala na talaga akong kawala nito.

"Sagutin moko Thalia" halos mapa talon ako sa gulat ng sumigaw si tita.

Napayuko nalang din ako dahil sa takot, Maya Maya din ay may pumasok na apat na lalaki yung isa medyo may edad na samantalang yung tatlo ay mga binata pa at mukang magkakapatid.

"What happened here Thalia?" Takang tanong nung lalaking medyo may edad daddy seguro ni Thalia Ito.

"What happened Nathalie?" Tanong niya kay tita ng hindi sumagot si Thalia.

Tumingin naman si tita kaya mas lalo akong kinabahan.

"Totoo ba ang narinig ko doctora Marquez?" Mahinahong tanong niya sakin, Pero dama ko padin ang galit sa mga tono nito.

(Villanova Series #1) The Villanova Hidden Twin's [COMPLETE]Where stories live. Discover now