CHAPTER 3

7.9K 172 3
                                    


KENDRA POV:

AFTER 5 YEARS

Limang taon na ang nakalipas pero andito padin yung sakit na dinulot niya sakin, ang pag iisip niya na ipalaglag ang anak namin buti nalang at tinulungan ako ni Thalia, naalala kopa ang paghihirap ko sa pagbubuntis ko.

(FLASHBACK)

Siyam na buwan na yung tiyan ko ngayun, si Alexa lang ang kasama ko kase si Thalia bumalik nanaman sa pilipinas, hindi naman siya pwedeng mamalagi dito dahil may mga ginagawa din siya, kaya alis balik lang siya, taray nun ginawang kapitbahay yung US at Pilipinas.

"Alexa gusto ko nga ng mangga" naiiyak nako gusto ko talaga nun e kaso ayaw ako kunan ni Alexa.

"May mangga Naman kase diyan besh eh "

"Eh ayoko sa mangga na yan "

"Ano gusto mo mangga na galing sa pilipinas, jusq nasa US ka bruha ang layo ng pilipinas" alam kong nagagalit na ito sa kakulitan ko.

"TAWAGAN MO SI THALIA, GUSTO KO NG MANGGA NG PILIPINAS" Kita ko ang gulat sa mata nito, dahil sumigaw ako dali dali naman siyang tumakbo upang kunin yung cellphone, maya maya pa ay bibigay niya sakin.

"Hellow ate Kendra bakit?"

"T-ha-lia" natigilan naman yung nasa kabilang linya.

"Ate bakit ka umiiyak hmm?" malambing na tanong nito sakin.

"T-ha-lia g-usto k-ong mangga" pagsusumbong ko, siya kase bumibili ng cravings ko netong nagdaang buwan.

"Andiyan Naman si ate Alexa ah pambili kana mu-"Di kona siya pinatapos at nagsalita na agad ako.

"Mangga na galing pilipinas gusto ko"

"WHAT" rinig kong may nahulog sa kabilang linya, anyari sa kanya?.

"Thalia sige na mangga"  rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Hayst ate okay" ang malungkot Kong muka napalitan Ng masayang ngiti "kuya Elvien pakihanda ng private plane aalis ako" rinig ko sa kabilang linya.

"Saan Ka nanaman pupunta ha" nagagalit pa ata kuya niya "US mag dedeliver lang ng mangga" rinig kong sagot niya natawa naman ako.

"Sige na Thalia hintayin kita iloveyou" nakangiti kong saad.

"Okay fine ilove-" Di niya natapos ng sumabat ang kuya Elvien niya.

"Hoy anong iloveyou ka diyan, Thalia may jowa kana ba ha?" sigaw nito kaya mas lalo akong natawa.

"MOMMY DADDY SI THALIA MAY JOWA NA, ILOVEYOU DAW OH" natawa ako lalo pinagkamalan pa akong jowa, samantalang buntis ako sa unang apo ng pamilya nila.

"Epal ka kuya Elvien"

"Sige na babye na iloveyou ingat ka diyan papunta nako" Sabi niya sakin.

"Mommy oh, pupuntahan daw niya" huling rinig kong sabi ni kuya Elvien bago ko ibaba yung cellphone.

Nakangiti akong humarap kay Alexa pero bigla din iyon nawala dahil sa sumakit ang tiyan ko.

" Alexa masakit yung tiyan ko" tawag ko dito nataranta naman itong lumapit sakin.

"Aray Alexa masakit na huhuhu" naiiyak kong saad.

"GAGO TEKA LANG" bigla nalang pumutok yung panubigan ko.

"ALEXA MANGANGANAK NAKO DALHIN MOKO SA HOSPITAL " sigaw ko dahil sa sakit na nadudulot sakin.

(Villanova Series #1) The Villanova Hidden Twin's [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon