Ginintuang Tanawin

150 0 0
                                    

Sa aking pagmulat ginintuang tanawin ang bungad

Ginintuang tanawin na nagpapahiwatig ng panibagong bukas

Indikasyon na hindi pa ito ang wakas 

Panibagong pag-asa ang magbubukas 

Ito'y may taglay na kagandahan na nagbibigay kalakasan

Kulay dilaw na sumisimbolo sa araw

Subalit sa pagtanaw kalungkutan umaapaw

Ngunit pag-asa ay atin paring matatanaw

Ito rin ay nagbibigay sa atin ng kasiyahan

Kawakasan, para sa bagong kinabukasan

Kawakasan na dapat harapin, sa ayaw at gusto natin

Kinabukasan na may panibagong suliranin, na madadala sa isang matinding dasalin


Tula - Ginintuang TanawinWhere stories live. Discover now